I’ve decided na iurong na kaso laban kay Jay as long as there is a written pledge na hindi siya puwedeng lumapit sa akin. Sumang-ayon naman siya. Isa pa, ayoko ng eskandalo. Inasmuch as possible kung ano ang nangyari sa Negros, it will stay there. Ayaw ni Nate nung umpisa pero nung ipaintindi ng parents niya ang eskandalong maaring idulot nito lalo pa’t magpapakasal kami ay pumayag na rin siya. Magkakaharap kami ngayon dito sa restaurant kasama ng mga parents namin para pag-usapan ang kasal namin ni Nate. “Why don’t we have it in Manila Cathedral?” suhestiyon ni mama. “Well, that would be great. A big church completes a grand wedding.” Segunda naman ng mama ni Nate. Tss! Bakit di nalang kaya nila pag-usapan kung paano nila imerge ang businesses nila? “Sweetheart, what do you think?”

