Chapter 27 ANG BABAE Panay ang buntong-hininga at reklamo ni Rodney habang ako naman ay inaayos ang buhok ko na daig pa ang dinilaan ng baka sa kintab. “Niknok, pahingi pa ngang gel,” sabi ko. Muli ko namang inayos ang buhok ko na pinahati pa ni Niknok sa gitna para raw mas sincere. Ewan ko ba at panay ang sunod ko sa sinasabi ng batang ito. Nakausap ko rin ang Yaya niya kanina. Guest pala rito ang batang ito, at saka legit ‘yong kwento niya tungkol sa driver at yaya niya. “Para kang bunot,” si Rodney kaya pinukol ko siya ng masamang tingin. Nandito kami ni Rodney at Niknok sa harap ng veranda ni Krishna. Gabi na ngayon at malamig ang simoy ng hangin. Kahit gabi na ay maliwanag pa rin dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan na siyang nagpa-romantic sa dating ngaming tatlo. Sana talaga

