ENNA'S POV Sa isang iglap ay nawala ang pader na kung anuman ang namagitan sa amin. Agad kong nalusaw ang tampo na likha ng selos na nararamdaman ni Jeth para kay Janus. Hindi ko naman ito masisisi dahil kahit ako man ay nakakaramdam din ng selos kapag may mga kadalagahan na lumalapit sa kanya sa palengke. Ang iba pa nga ay mahahalata mong may kaya talaga at meron pang isang matandang babaeng mayaman na gustong ipakilala si Jeth sa anak nito. Gwapo naman kasi talaga si Jeth, sa kabila ng suot nitong kupasing pantalon at mumurahing sando ay mababakasan mo talaga ang kanyang gandang lalaki. Lumilitaw ang kanyang pagka-mestiso at mapapagkamalan pa itong kabilang sa maharlika lalo na kapag nakasuot ng sando at nagbubuhat ng banye-banyerang mga isda. Jusko po, ang mga babae sa palengke mapa

