JETH’S POV Sakay ng aking big bike ay nagpunta ako sa lugar kung saan pagdadausan ang illegal motor race. Marami na ang mga naroroon, ang ilan ay kilala ko na dahil ilang beses ko na ring mga nakasama sa mga karera at mag mga bagong mukha rin. Mayroon din namang naroroon hindi para makipagkarera, kung hindi ang makipagpustahan sa kung sino ang mananalo dahil hindi lang libong halaga ang pinag-uusapan dito. Milyong piso, mamahaling kotse, ari-arian at mahahalagang bagay pa ang karaniwang pusta sa karerang ito dahil ang mga naririto ay mga hindi mga pangkaraniwang tao, kung hindi mga may sinabi sa buhay. May mga aritsta, anak ng pulitiko, negosyante at may mga kilalang personalidad pa nga pagdating sa karera na nagmula pa sa ibang bansa na hindi mo aakalain na sumasali sa ganitong klaseng k

