Mariin kong naipikit ang mga mata ng bigla nanamang sumakit ang aking ulo. Nagpaalam muna ako sandali at pumunta sa banyo. Pakiramdam ko kasi ay babaliktad na ang sikmura ko sa sakit ng ulo ko. Pagkarating ko ng banyo, tama nga ang kutob ko. naisuka ko din lahat ang nakain ko kagabi, hindi rin naman kasi ako nakapagalmusal dahil sa pagkakalate ko nagising. Sapo-sapo ko ang aking ulo palabas ng banyo, saktong pagliko sa pasilyo pabalik sa garden nagulat ako sa bumundol sa akin. Hindi ko alam kung pader ba yun o ano sa sobrang tigas halos muntikan pa akong mabuwal kung hindi ako naging alerto. Ganun nalang gulat ko pag-kaangat ko ng aking ulo at makita ko kung sino ang nabangga ko. "K-Kan–I mean Sir?" Hindi ko naiwasan pakatitigan ang mukha nito ngayon na lalong gumwapo. Ang mga H

