Lihim na nagdarasal ang puso nya na sana wag itigil ng dalaga ang ginagawa pero paulit ulit kinukontra ng isip nya ang mga iyon. Pinilit nalang nyang Mag-concentrate sa ginagawa. nalalapit na din ang Event nila for all Agricutural na gaganapit Next Month. Kailangan nyang maghanda doon, bukod kasi sa isa sya sa mga investors na naimbitahan sya din ang nag-sponsor nito. Buong maghapon lang syang nagasikaso ng mga kailangan, tumawag sa mga event coordinator at sa mga taong kailangan nya pa para sa event na ito. Nagpasya syang lumabas sandali ng opisina nito at tawagin sana si Embry. Ganun nalang ang pagtataka nya ng makitang nagkumpulan ang dalawa sa lamesa ni Fannie. Maingat at walang ingay syang lumapit sa dalawa. sinipat nya ang ginagawa ng dalawa, lihim syang napangiti ng makita at

