Nagdadalawang isip pa akong suotin yung nakalagay sa paper bag na nandito. napansin naman ako ni Kane kaya mabili nyang kinuha ang laman non at inabot sa akin. "Suotin mo na–oh ako magsusuot sayo?" ani nito tsaka pinamungay ang mga mata. Pinamulahan naman ako ng mukha at nagpalinga-linga pa sa paligid. naniniguradong walang ibang tao maliban sa amin. nakakahiya talaga bibig ng lalakeng to! Marahas kong hinablot ang damit tsaka mahinang hinampas sa braso nito. tatawa-tawa nanaman ang loko. "Kaw, yang bibig mo! hindi na talaga tumigil! gawin mo ngang mouthwash ang holy water baka sakaling tumuwid lumalabas dyan!" ani ko rito. dinilaan lang ako nito at hinalikan sa noo. "Dalian mo, antayin kita sa labas." sambit nito. lumakad na sya palabas habang hinuhubad ang pang itaas nito. hindi ko

