"Tang ina…" bulong na mura nito tsaka maingat inalis ang kamay nya sa kamay ko, at umalis sa pagkakapatong sa akin. Tulala at wala akong sa sariling nakatanaw sa kisame. naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko, dala ng takot at sakit na matagal ko ng binabaon ng mahabang panahon. Kusang kong pinaling ang ulo ko sa kanya. nakaupo na ito sa gilid ng kama, nakayuko at nakatingin sa gilid nito. nakatalikod sya sa akin kaya hindi malinaw sa akin kung anong reaksyon nya ngayon. Marahan kong iniangat ang kamay ko para hawakan sana sya pero hindi ko nagawa ng bigla itong tumayo. paulit-ulit nyang ginulo ang buhok tsaka nilagay ang dalawang kamay sa balakang nito. Kitang kita ang fraustration sa bawat galaw nya. nakailang beses syang palakad lakad sa harap ko. sa bawat bilis ng hininga n

