CHAPTER 8

469 Words
DRECIA MARIE ONE MONTH ko na sigurung iniiwasan si Harry. Nagbabalak lumapit ang bakla pero umiiwas talaga ako. Ganon ko siya katagal iniiwasan. Baka sabihin na naman niya kailangan ko siyang panagutan. Ako ba tong may lalake at kailangan ko siyang panagutan? Kasalukuyan akong kumakain ng umupo sa harapan ko si Kylie. Kunot-noo na tumingin ito sa kinakain ko. "Kailan ka pa kumakain ng kutsinta?" "Ngayon lang?" "Hindi ka naman kumakain ng ganyan ah, take note sinawsaw mo pa sa asukal? Kailan pa naging asukal ang niyog?" Napakagat labi ako. "Hinahanap kasi ng panlasa ko e." "Kylie, puwede mo ba akong ibili ng brazo de mercedes." "Wala naman dito ng braso de mercedez sa canteen." "Sa labas mo na lang ako ibili." Halata ang pagtataka nito sa mukha. "Kamakailan pa kita napapansin na palaging ganyan ang kinakain mo o yung braso de mercedes. Buntis ka ba?" Hindi ako makaimik dahil doon. "Babae! Lagot ka kay Tito Renny at Tita Veron pag nalaman nila yan." "Ibili mo na lang ako." Pag-iiba ko. "Nako! Kung hindi ka lang buntis ay baka nasabunot na kita." Sabi nito bago ako iniwan. Ipinagpatuloy ko lang yung kinakain ko, ilan segundo lang ay umupo ito sa harapan ko. "Ang bilis m–" hindi natuloy ang sasabihin ko ng makita ko na hindi si Kylie ang nasa harapan ko. Tinitigan ko muna ito. "Harrison, ikaw pala." "Dito muna ako okay?" "Baka makita na naman tayo ng maldita mong kambal, Harrison." "Let him." Ipinagpatuloy ko lang ang kinakain ko ng magsalita ito na ikinatigil ko ulit. Naman! "My dad already know between you and harry." "What do you mean?" "Na may nangyari sa inyo, sa mismong bahay." Nagtataka na napatingin ako sa kaniya. "Kanino mo yan nalaman?" "Kay Harry at alam ni Mommy." "Alam ang ano?" "Nothing." Nagulat na lang ako ng may pabalang na naglagay ng braso de mercedes sa mesa. Napatingala ako. "Harry..." "Did I already tell you stay away from my brother! Hindi kayo bagay!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Puwede ba! Nakikipagkwentuhan lang ako! Saka teka nga nasaan si Kylie?" "Sumama sa boyfriend niya, so Kylie give this to me." "Magtigil ka, Harry! Ako ang nagpunta dito." Singit na saad ni Harrison. "Shut up, Harrison! Alam ko na ang babaeng ito ang lumapit sayo." Para naman bumigat ang loob ko dahil sa sinabi niya. Tumayo ako at bigla siyang sinampal. "Napakawalang hiya mo naman para pag-isipan ako ng ganyan! Excuse me hindi pa tayo close! Damn you!" Galit na sabi ko bago kinuha yung pagkain at umalis. Pumunta ako sa garden at umupo. Naglaglagan na lang bigla ang luha ko dahil sa sama ng loob. Hindi ibig sabihin na siya ang ama ng anak ko ay gaganyanin niya ako! Anong karapatan niya na sabihan ako ng ganon?! Take note, we're not close!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD