"HINDI pa ba tayo kakain? Gutom na ako, Harry." Reklamo ko. Kanina pa kasi ako naghihintay pero hindi pa siya nagluluto o naghahanda man lang ng makakain. "Sandali, patapos na ako." Sabi nito. Hindi na ako makapaghintay kaya kumuha na lang muna ako ng tinapay. Umakyat na ako sa itaas para gisingin ang anak namin na si Maria Veronica. Buti na lang talaga ay pumayag na si Harry na ipangalan namin siya na Maria Veronica, isinunod namin sa pangalan ni Mama. Tinapik ko ng konti sa hita si Veronica para magising siya. "Mommy." "Anong gusto mong kainin?" "Hm. Siguro po, sinigang na baboy na lang po." "Okay, get up now, Baby lunch na." Umiling ito. "Dito na lang po ako." Mahinang bulong nito. Napabugtong hininga na lang ako, ang daming takot na nararamdaman ng anak ko. "Okay, bumaba k
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


