Kumakain siyang mag-isa habang lumalamon ng maruming pagkain na ibinuhos ng kaniyang Ina sa sahig dahil sa galit na kung bakit mangmang at bobo ang kaniyang kaisa-isang anak.
Madilim ang silid, tahimik ang kapaligiran, malamig ang simoy ng hangin, ako'y kumakaing mag-isa ang mga pagkain ay nasa sahig nakakalat at nakatambak, dinakma ko ang mga ito ng aking mga kamay at sabay subo sa aking bibig upang maibsan ang gutom ng aking kalamnan.
Tumatangis ang mga luha habang nilulunok ang pagkain, iniisip kung bakit nangyayari sakaniya mga ito at sinisi ang sarili kung bakit hindi siya ipinanganak na magaling at matalino.
Nakalipas ang ilang minuto ay natapos nading kumain si Mill Quiraaa at dali-daling kumuha ng pamunas upang punasan ang sahig at linisin ang mga kaunting naiwan na pagkain, kasunod nun ang paghugas niya ng mga pinggan at plato sa lababo, marahan niyang hinugasan ang mga ito habang malungkot.
Habang naghuhugas ako ng mga pinggan nakarinig ako ng mga yabag sa sahig papunta saakin, nakita ko ang aking Ina papalapit saakin dala-dala ang iba pang hugasin at nilapag niya ito ng padabog sa aking harapan, at pagkatapos ay sinampal niya ako nito ng malakas sa aking mukha sakadahilanang bakit raw hindi ko kinuha ang mga nagamit na gamit sa kaniyang silid at wika nitong:
"Bulag kaba!? o sadyang tanga ka lang!?, hindi mo ba nakikita ang nakatambak na plato at baso saaking kwarto!?" Cillià[Mother]
Hindi na nagsalita at umimik si Mill Quiraaa dahil alam niya na ang mangyayari kung sakaling magtangka pa itong magsalita, kaya nagpatuloy na lamang siya sa paghuhugas ng plato at ng pinggan.
Nakalipas ang mga ilang minuto ay natapos nadin ito sa kaniyang ginagawa, at agad itong nagtungo sa kaniyang silid, at nung nakarating na siya sa kaniyang silid ay agad itong humilata sa kaniyang kama at napapikit na lamang ito habang malayo ang iniisip, ilang segundo lang napaidlip narin ito ng hindi niya namamalayan.
Madaling araw pa lamang gising na ako, nauuna pa akong bumangon bago tumilaok ang tandang, agad akong nag luto ng almosal, nagsaing ako ng kanin at nagprito ng itlog, hotdog at lunganisa at pinainit ang ulam kagabi, at pagkatapos ng naluto ang lahat ay agad ko itong inihanda lahat at inilagay sa lamesa.
Lumipas ang sandali ay nagising na ang mga magulang ni Mill Quiraaa
at nagsilabasan na ito sa kanilang silid upang mag-almosal umupo sila sa mga upuhan at nagsimulang kumain, habang ang anak nila ay nakatayo sa gilid at pinagmamasdan silang mag-asawa na kumakain at nag hihintay na matapos ang mga ito.
Pagkatapos nilang kumain ay agad na silang nagbihis at pumasok na sakanilang mga trabaho, samantalang si Mill Quiraaa ay nagliligpit ng kanilang pinag kainan, matapos niyang ligpitin ay sinilip niya ang kanilang kaldero kung may tira pang kanin nakita niya ang kakarampot na kanin na kulang pa o hindi ito sapat sa isang tao at wala naring natirang ulam sa mga ipinirito nito kanina, kinain niya ang tirang kanin at pagkatapos ay pumasok nadin ito sa kaniyang eskuwelahan.
Isinara ko ang mga bintana kasunod nun ay ang pinto ni-lock ko itong maigi bago ako umalis, naglakad ako ng ilang dalawang kilometro papuntang highway upang mag abang ng jeep na masasakyan at habang naglalakad ako ay napatingin ako sa isang binatang lalaki na nakasakay sa isang motorsiklo nakangeti ito habang nakikipagtalo sa kaniyang kinakausap na lalaki, matapos ko siyang pinag masdan nagpatuloy na ako sa aking paglalakad at nakarating na din ako sa highway.
Nahalagilap niya ang jeep mula sa malayo papunta sa diriksyon niya at agad niya itong pinara nang malapit na ito sakaniya, matapos ay huminto ang jeep at sumakay siya rito at agad na inabot ang kaniyang pamasahe sa driver.
Nang nakita niya ang kaniyang paaralan ay agad itong naghanda at pumara sa driver upang bumaba sa jeep, at pagkatapos ay naglakad ito papuntang paaralan nila, at habang papasok ito sa gate ng kanilang paaralan ay nakita ito ng kaniyang kaibigan na si Estie Viyaaa at tinawag siya nito:
"Mill Quiraaa!!!" Estie Viyaaa
At agad na napalingon si Mill Quiraaa sa kaniyang diriksyon, nakita niya ang kaniyang kaibigan tumatakbo papunta sakaniya, habang masayang tumatakbo ang kaniyang kaibigan ay napa-isip ito at bulong sa kaniyang isipan na (Parang banal na berhin talaga si Estie Viyaaa sobrang ganda niya.., Yun nga lang ang lampa niya..) habang tumatakbo ito ay nadapa ito, tumayo ito ng nakangeti at bumangon sabay takbo uli ngunit nadapa uli ito, napangeti na lamang si Mill Quiraaa at naglakad ito ng marahan papunta sa kaniya at tinulungan niya itong tumayo, nang nakatayo na si Estie Viyaaa ay niyakap niya si Mill Quiraaa ng mahigpit, palaging ginagawa ni Estie Viyaaa ang pagyakap sa kaniyang ka isa-isang matalik na kaibigan kahit walang dahilan, dahil parang magkapatid na ang kanilang turingan sa isa't-isa, nagbiro si Mill Quiraaa sa kaniyang kaibigan na wika nito'y:
"Yung bangs mo nakataas, nakakasilaw ang nuo mo parang sikat ng araw." Mill Quiraaa
At tumingin ng seryuso si Estie Viyaaa sakaniyang kaibigan at ngumisi ito, gumanti siya ng kiliti habang masayang nag aasaran at naghahalagakhakan ang mga ito sa tabi.
Nakalipas ang sandali ay agad na silang nag tungo sa kanilang silid aralan upang pumasok sa kanilang klase
Unang klase, pagpasok pa lang ng aming guro ay nakakaba na, dahil kilala siya bilang isang istriktong guro sa buong paaralan at mababa rin siya mag bigay ng grado kaya kailangan kong galingan dito kundi yari ako saaking Ina.
Tahimik na bahagyang seryuso si Mill Quiraaa at maiging pinapakinggan ang bawat sinasambit ng kanilang guro at iniintindi ang lahat ng sinasabi nito, samantalang si Estie Viyaaa ay nakikinig din at pilit iniintindi ang lahat ng sinasabi ng kanilang guro, ngunit wala itong maintindihan kahit isa kaya ngumeti-ngeti na lamang ito at nagkunyaring naiintindihan niya ang lahat ng sinasabi ng kanilang guro.
Tumunog ang batingaw habang nagtuturo ang guro, nung narinig ng guro ito ay walang pakundangan itinuloy parin ng guro ang klase at tinapos niya ang paksa hanggang dulo at pagtapos ay nag paalam na ito sa klase at umalis.
Sawakas ay natapos din, idinampi ni Estie Viyaaa ang kaniyang hintuturo kay Mill Quiraaa at tinignan niya ito ng patagilid at wikang:
"Tara!? Mananghalihan na tayo!.."
"Nagugutom na ako.." Estie Viyaaa
Lumabas na sila agad sa kanilang silid at nag tungo sa kantin umupo silang dalawa dulo sa may sulok at inilabas ang pagkaing dala ni Estie Viyaaa, dahil si Mill Quiraaa ay hindi pinag babaon ng pananghalian ng kaniyang Ina at saktong pamasahe lamang ang laging dala sa tuwing papasok ito, samantalang si Estie Viyaaa naman ay palaging nagbabaon ng marami at sinasadyang mag paluto ng maraming putahi ng ulam at kanin sa kaniyang personal 5star na tagapagluto.
Inilabas ni Estie Viyaaa ang limang kontiner na nakapatong-patong at nilapag sa lamesa, binuksan niya ito isa-isa at unang binuksan ay ang "5star Italian Beefsteak Medium Rare" na tatlong piraso, ikalawa ay "GoldenChicken Carry" na tatlong piraso din, ikatlo ay "Rich's Vegetables Salad", ika-apat ay ibat ibang uri ng prutas na nabalatan at nakaayus sa lagayan (Manga, Strawberry, Mansanas, at Saging) at ang panghuli ay ang paborito ni Estie Viyaaa na "Cheesecake" dahil paborito niya ang cheese.