Makalipas ang limang oras, nakarating din si Fiel sa hospital na pinagdalhan nila ni Kate base sa text message sa kanya ni Aine. Bago pa siya umuwi sa Singpore, tinawagan muna niya ang nag-iisang kapatid ni Debra na madre sa Italy at ipinaliwanag niya rito ang nangyari. Nabigla man ito nong una, pero di kalaunan ay natanggap rin nito ang sinapit ng kapatid. Ulila na kasi ang mga ito ng lubos. Pinaayos na rin niya ang lahat upang mailipat ang mga labi nito sa Italy kung saan nandoon ang iba pa nitong kaanak. Inisang hakbang lang ni Fiel ang nilalakad niya hanggang sa umabot siyang humahangos sa labas ng Operating Room kung saan naroroon ang kanyang auntie Fiona at si Aine. "Auntie! Anong nangyari kay Kate at sa baby namin?" Si Aine na ang sumagot dahil panay pa rin ang iyak ng kanyang

