Nasa kanyang terrace ngayon si Fiel habang pinagmamasdan niya ang buong syudad ng Singapore. Kanina lang ay nagtatalo na naman sila ni Kate, kaya nga lumabas siya sa kanyang terrace para makahanggap ng hangin. Pero nang sa kanyang paglingon ay nakita nalang niya ang dalaga na nakahiga na sa kanyang king-sized sofa. Nakita niyang napaka inosente ng mukha nito na animo'y parang bata na payapang natutulog. Napako naman ang kanyang paningin ngayon sa maliit na umbok ng tiyan nito. A child. At bigla nalang niyang naramdaman ang di maipaliwanag na saya. A child! And not just any child. But his child. And, no matter what the circumstances, isa pa ring milagro para sa kanya ang pagkakaroon ng anak. Tumitibok na kaya ang puso ng bata? napatanong siya bigla sa sarili. This stranger. And yet he fel

