CHAPTER 8

1864 Words
NAGMAMADALING nagbihis si Gab at bumaba sa kusina. Baka daw maabutan nila Yaya ang "gulong" ginawa namin. Hahahaha! Maganda ang mood ko kasi naka-score ako kay Mrs. sino ba ang hindi matutuwa di ba? Hindi din maalis ang ngiti ko kasi tatlong buwan na lang bago ang annual party ng company. Biggest dream na ni Gab na maihandle ang ganung kalaking event. It's the celebration of my Lolo's birthday, madaming bisita at talaga namang kailangan ng mabusising pagaasikaso para hindi mapahiya si Lolo kaya naman pinaghahandaan ni Gab ang araw na yun. At ang araw na handa na siyang tanggapin na isa na siyang Lopez, na naabot nya ang pangarap nya ng walang tulong mula sa amin ni Lolo. Im really proud of her. Maipaglalaban nya na hindi nya naabot ang posisyong meron siya dahil sa akin. Dumaan siya sa tamang proseso at nagsikap. "Uy! Tim. .."nakasilip siya sa pinto. "Baba na kaen na tayo brunch." yung almusal namin nauwi na sa tanghalian. "Yes Madam. Susunod na." masayang sagot ko at bumaba na ako sa kama at sumunod sa kusina. Habang kumakaen kami ay hindi maalis alis ang ngiti ko habang panay ang titig kay Gab. "Ay naku Tim! Matutunaw ako sa gawa mo." paninita sa akin ni Gab. "Ngayon ko lang kasi napagtanto na bukod sa pagiging matalino talaga pa lang ang pilya ng asawa ko." pangaasar ko sa kanya. "Gusto mo ba malaman kung ganu ako kapilya?" naiinis na sagot nito habang iniumang sa akin ang hawak na kutsara. Natatawang tumahimik na lang ako at baka mapikon pa sa akin at magkatampuhan nanaman kami. KINABUKASAN, unang araw ni Gab sa main office. Ineexpect ko na maaga siya aalis kaya naman nagtaka ako ng maabutan ko siya sa kusina na nagaalmusal pa lang. Usually kasi talagang nauuna siya umalis dahil ayaw nya nalelate. Sa akin naman kasi walang problema kung malate man ako hawak ko naman oras ko basta wala akong importanteng appointments. Napasimangot pa ako ng makita ko ang suot nya. Off shoulder dress na hapit sa kanya at umabot lang haba sa gitna ng mga hita nya kaya kapag nakaupo siya lalo pang umiksi. Lalo pa siya pumuti sa kulay nitong yellow. "Satisfied?" untag ni Gab sa akin sa ginawa ko. Nakangiting mukha nya ang bumungad sa akin. "Bakit ganyan suot mo?" seryoso kong tanong sa kanya. "Syempre, first day ko sa office mo dapat magpaimpress ako sa kanila." tila nakakalokong sagot nya. "Kanino ka magpapaimpress? Eh ako ang boss mo." medyo naiinis na ako sa mga sagot nya. "Hay naku! Mr. Lopez umiiral nanaman yang possesiveness mo tsk! Kumaen ka na kasi ayoko malate sa unang araw ko." nakairap na sagot nya. "Mauna ka na kung tapos ka na." seryoso ko pa ding sabi bago umupo at sumubo sa pagkaeng nakahanda sa mesa. Nagkibit balikat lang si Gab bago tinapos ang pagkaen. Pagkatapos ay tumayo na ito, sinundan ko siya ng tingin at talaga naman di ko maiwasan mainis. Ang sexy nya kasi sa damit nya, kuhang kuha yung kurba ng katawan nya sa pagkakahapit ng damit nya. Tapos labas na labas pa yung balikat nya kasi nga off shoulder kahit na nakalugay lang ang buhok nya at inipitan nya lang sa gilid. Nagmamadaling tinapos ko na ang pagkaen, Monday ngayon kaya need sumabay sa pasok ng mga employee. "Manong Bert !! Tara na po!" tawag ko sa driver. Pero wala akong nakuhang sagot. Tumawag ako ulit ng si Yaya Eden na ang lumabas. "Ayy Tim...wala si Bert. Inutusan ni Therese kanina may pinabibili ata eh." sabi ni Yaya. "Ha?!" gulat na sabi ko. Wala naman nasabi sa akin si Gab kanina sa kusina. "Sige Yaya. Ako na lang po magdadrive. Salamat." bago naiinis na pumunta sa garahe. Nagmamadaling sumakay ako sa sasakyan ko. Muntik pa ako mapasigaw ng makita ko si Gab sa passenger seat at nagcecellphone. "Tagal mo naman. Malelate tayo kapag ganyan ka." iritable nyang sabi. "Bakit nandito ka?" takang tanong ko bago lumingon kung saan naka park ang kotse nya. Hindi ko napansin kanina dahil sa inis ko. "Bakit? Bawal ba ako sumakay sa kotse ng asawa ko?" nakataas ang kilay na sabi nya. "P-pero di ba sabi mo----------"bahagya na akong napapangiti na parang gusto ko kiligin kasi pangarap ko yung ganito. Sabay kami papasok sa opisina tapos sabay din uuwi. "Ang dami mong sinasabi Tim. Bababa na lang ako kung ayaw mo." Akmang bubuksan na niya pinto ng pigilan ko siya. "Nagtataka lang ako. Akala ko kasi ayaw mo malaman nila di ba?" sabi ko habang inistart na ang kotse at umalis sa bahay. Palabas na kami ng village ng magsalita si Gabby. "Hindi naman sa ayaw ko. Ayaw ko lang ng makarinig ng hindi maganda, well, ang ayaw ko lang naman talaga is hindi ko kayang i-justify yung sarili ko kung sakali mang may hindi magandang sabihin yung iba. Atleast alam ko sa sarili ko na hindi dahil sayo kaya ako nandito. So kahit anong marinig ko, hindi na ako masasaktan kasi i know myself." paliwanag nya sa akin. Ginagap ko ang kamay nya at bahagya siyang nilingon. "I know Sweetie and iloveyou." ***************** Quarter to 9am ng dumating kami sa office, halos kasabayan na namin ang mga employees na naghahabol para makaabot sa time in. Nakikita ko ang iba na pila sa entrance ng building habang papasok ang kotse ko sa parking. Pagkapark ko ng kotse lumapit agad ang security guard na nandoon. Bumaba ako at ngumiti bago napako ang tingin sa nito sa likuran ko. Nagtataka na nagtatanong ang mga mata nito ng muling tumingin sa akin. Ngumiti lang ulit ako. "I'll go ahead." narinig kong sabi ni Gab at kumaway sa guard. Tinapik ko ang balikat ng guard bago sinundan si Gab papasok sa elevator. "Ground floor muna tayo or punta ka muna office mo?" tanong ni Gab. May flag ceremony kasi every Monday and special announcements. Tumingin ako sa relo ko. "Deretso na tayo ground floor. 3 minutes na lang eh." sagot ko bago ngumiti sa kanya. "Okay." sabi nya bago pinindot ang button na G, for ground floor. " Mukhang masaya ka ah?" "Pinasaya mo ako Sweetie. Dapat lagi ka na sumabay sa akin." todo ngiting sabi ko. "Hey! This doesn't mean na ioopen up na natin ang relasyon natin ha?!" nagbabantang sabi nya sabi "Oo na po Mrs.Lopez...hmmmp!" kunwa'y nagtatampong sabi ko. Bumukas na ang elevator at bumungad na ang malawak na lobby ng main office. Nandoon na din ang ilang employee na nagaantay sa flag ceremony. Napako ang tingin ng karamihan ng sabay kaming lumabas ni Gab sa elevator. Habang naglalakad papunta sa unahan at mini stage. Ilan ang bumabati at ngumingiti. Pero siyempre ilan din ang lihim na kinikilig. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na madami pa din sa mga employees namin ang may crush sa akin. Malas nga lang at taken na ako ng babaeng nasa likuran ko. Sigurado ako matalas na ang mata nito sa mga babaeng bumabati sa akin. Sinalubong kami ni Lea ng nagtatakang tingin. "Good morning lovers." bulong nito ng makalapit kami. "Good morning Lea." bati ni Gab sabay kindat. Akmang aalalayan ko sana si Gab sa uupuan nya ng may humila sa braso ko. Paglingon ko ay si Nicole. "Good morning Tim! Buti umabot ako sa flag ceremony." nakangiting sabi nito sabay kinalang ang kamay sa braso ko. Bahagyang nagkaingayan sa lobby dahil sa ginawa ni Nicole. Pagtingin ko kay Gab, blangko lang ang ekspresyon nya. Buti na lang at nandoon si Lea at siya na ang naghatid sa upuan ni Gab. Nandoon lahat ang head ng mga departments. Sa kabilang side ay kaming dalawa ni Nicole ang magkatabi. Since siya ang tatayong VP ng kompanya. Nagsimula na sa prayers at pagkanta ng pambansang awit. Ilang reminders bago ako tinawag ni Lea sa harapan for an announcement. "Good morning." bati ko sa lahat. " First, i would like to introduce our new Vice President Ms. Nicole Ezperanza. From now on, she will be handling our marketing strategies and assist other issues." Tumayo si Nicole at magiliw na kumaway sa mga tao na nandoon. "We also have Ms. Therese Gabrielle Garcia, our new Head at Events Coordinating." tumayo si Gab at bahagyang yumuko bilang pagbati sa lahat. "I would also like to say thank you and goodbye to Mrs.Sison as she bids farewell to us. We are truly grateful for the years you dedicate to this company." tumayo si Mrs. Sison at bahagya pa naiyak habang kumakaway sa lahat. "At dahil dyan, nag arrange si Lea ng farewell and welcome party para sa mga bago at aalis. Tomorrow,6pm at the Event Hall." nagkaingayan sa lobby dahil sa tuwa at excitements. Matapos pa ang ilang announcements ay nagpaalam na ako at pinabalik na sila sa kani kanilang opisina para magsimula ng trabaho. Hinanap agad ng mga mata ko si Gab. Nakita kong kausap nya ang Head of Finance. Bahagya akong napasimangot kasi kilala ang Head namin sa pagiging playboy. Ang alam ko madami na siya nakarelasyon dito pero as long as hindi naman naaapektuhan ang trabaho ay hindi naman ako nakikialam besides magaling talaga siya humawak ng finances. Lalapit sana ako ng higitin nanaman ako ni Nicole palapit sa kanya. Bahagya pa nga ako nadikit sa dibdib nya kaya napalunok pa ako. Very revealing kasi ang suot nya. A V-neck red dress kaya naman kita ang cleavage nya. Actually wala pa din naman talaga tatalo sa ganda ng asawa ko kaya lang lalaki lang ako at hindi maiiwasan na matukso o magreact sa mga ganitong sitwasyon. "Tim, can you show me my office?" medyo may pagkalandi na pagkasabi nya sa akin. Alam ko na nagfliflirt lang siya sa akin. "Ahm. ..iaassist ka ni Lea sa office mo." tanggi ko sa kanya. "Ay? Ganun ba? Sabi kasi ni Lolo sayo lang daw ako lalapit if i needed anything. Sabi nya hindi mo ako matatanggihan." naka pout na sabi nito. "Aheemm. .."parehas kami nagulat ng nasa tabi na namin si Gab. "Hi Ms. Ezperanza, nice to see you again." inilahad ni Gab yung kamay kay Nicole. Bumitaw si Nicole sa akin at kinuha ang kamay ni Gab. "Hello Therese. Mukha marami tayong paguusapan regarding sa mga future events ng hotels natin." "Yeah. And i think we should start now, if you don't mind Ms. VP?" seryosong sabi ni Gab. Bahagyang kumunot ang noo ni Nicole at napataas ang kilay. "Y-yeah. Of course.." mataray na sagot ni Nicole. "Meet me in the office after 30minutes. I need to check first the details of the upcoming events and bookings." may pagka bossy ang pagkakasabi ni Nicole. "Okay. Will meet you there." nagpatiuna na si Gab na umalis pero bago yun ay palihim na siniko nya ako sa may tagiliran. Ouch! Masakit yun. Hindi lang ako nagpahalata pero napangiwi ako. "Mukhang hindi maganda ang nasesense ko." nangaasar na bulong ni Lea sa akin bago sumunod kay Gab. Kahit ako naman mukhang hindi talaga maganda ang mangyayari kapag ganito.Napailing na lang ako at inaya na si Nicole na umakyat at ipakita ang magiging office nya. Buti na lang at hindi na siya naging clingy. Medyo nakahinga ako maluwag doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD