Nananakit pa ang hiyas ni Karina kinaumagahan. Hindi niya kayang ihakbang ang mga paa niya. She's feeling sore down there. But she needs to stand dahil siguradong marami na namang kalat ang kuwarto ng amo niya.
Napakurap-kurap siya nang ma-realize na wala siya sa kwarto niya. She's still in Winston's room. Nakapulupot sa katawan niya ang puting kumot ni Winston. Wala na ang binata sa tabi niya.
"Gano'n na lang ba 'yon?" aniya sa sarili.
Naiinis siyang nagising na walang siya na wala si Winston. Wala pa ang saplot niya at hindi niya mahagilap kung saan. Napatingin siya sa katawan niya. She's totally naked at nilalamig na siya gawa ng malakas na hangin na binubuga ng aircon. Her body shivered at mas lalong niyakap ang kumot na iyon. Parang ayaw na lamang niyang tumayo. Napagod siya kagabi. Iyon ang unang beses niyang nagkaroon ng karanasan sa s*x at sa isang Winston Miller pa. Pero hindi pa rin lubos na magsink-in sa utak niya that it was just another act service but in bed at bayad 'yon.
Iniisip niyang isa na siyang bayaran na babae ngayon. Bahagya siyang nainis sa sarili niya dahil hinayaan niyang angkinin siya ni Winston kagabi. But she never protested. Gusto niya rin iyon, she just hate to admit the fact.
Tumayo siya nang dahan-dahan habang nakapulupot pa rin sa kanyang katawan ang puting kumot na iyon. Marahan niyang tinungo ang kuwarto niya saka siya nagbihis sa loob. Nanghihina pa rin talaga siya but she needs to fulfill her duties as a maid today. Madami-dami na rin ang mga kalat sa kwarto ni Winston. Wala sa ayos na damitan, mga nagkalat na upos ng yosi, at doon na niya nakita ang mga damit niya na marahas na hinubad ni Winston kagabi.
Nahiya siya sa ginawa. Namumula siyang alalahanin ang nangyaring iyon. Napakagat labi siya nang maalala ang pagsibasib ni Winston sa katawan niya.
"Good morning, Miss Karina. Pinatatawag po kayo ni Sir Winston. Nasa private kitchen po siya."
Nabingi si Karina at hindi agad naka-react.
Private Kitchen? May gano'n sila? Ano'ng may'ron don? Kusina pa rin naman 'yon hindi ba? Mga tanong na naglalaro sa utak niya.
"S-Sige p-po. S-Saan po 'yon?"
Sa sobrang laki ba naman ng bahay ng mga Miller. Saan niya hahagilapin ang private kitchen na sinasabi ng katulong na iyon.
"Ihahatid na kita, Miss." Iyon lang ang sinabi ng katulong. Imbis na magliligpit pa sana ang dalaga, napilitan na lamang siyang puntahan si Winston. Kahit ang ibig sabihin pa no'n ay ang kahihiyang ginawa niya kagabi.
Sumunod lang siya sa katulong na iyon pero hindi niya napigilang magtanong.
"Ano pong pangalan niyo, manang?" tanong niya.
"Ako si Sela, matagal na akong naninilbihan sa mga Miller. Ako ang pinakamatandang katulong rito," nakangiting sagot ng matanda.
Tumango si Karina.
"Gano'n po ba. Ako po si Karina de Joseph. Personal maid ni Mr. Winston," sagot naman ni Karina.
"Alam ko. Kilala na kita, Miss Karina."
Nagulat pa si Karina. How come she knew me?
"P-Po?"
"Naikuwento ka na sa 'kin ni Sir Winston," sagot ng matanda dahilan para mas lalong magulat ito.
"N-Naikuwento po?"
"Oo. Alam mo kasi, para na akong tumayong ina kay Sir Winston. Wala kasi ang ina niya rito. Ang ama niya naman ay minsan lang kung dumalaw rito. Pero hindi siya close sa ama niyang matapobre."
"Matapobre ang ama niya?"
"Oo, hija. Ang mommy niya, mabait 'yon. Iyon lang, kailangan nitong asikasuhin ang properties nila sa ibang bansa kaya may kaunting tampo iyon sa mommy niya."
"Close po ba sila ng mommy niya?" tanong muli ni Karina.
"Oo naman! Silang dalawa talaga ang close na close."
Napangiti si Karina. Mama's boy kaya si Winston? Mabuti pa siya, kahit papaano, buo ang pamilya. May ama, ina, at may pasobra pa dahil may isang katulong na tulad ni aling Sela na tinuring niya ring pangalawang ina. Napakasuwerte. Total opposite niya na malas sa buhay. Walang ama't ina. Walang marangyang buhay, walang maraming kaibigan, pera, at malaking bahay. Ang kaisa-isang taong natira sa kanya ay pinagmalupitan pa siya at kahit minsan, hindi tinuring na kadugo. Naluha na lamang siya habang naalala ang kanyang mapait na buhay.
Mabilis niya iyong pinahid nang tumigil sila sa tapat ng isang bakal na pintuan. May pintura iyong itim.
"Ayos ka lamang ba? Nandito na tayo," ani aling Sela sa kanya.
"A-Ayos lang po. Salamat po, aling Sela."
Napangiti ang matanda at marahang tinapik ang balikat ni Karina bago tuluyang umalis.
Pinindot niya ang doorbell sa pintuang iyon. May maliit na camera sa loob na makikita kung sino ang nag-doorbell sa labas kaya nag-beep agad iyon kay Winston sa loob which means there's someone outside.
Agad niyang pinagbuksan ng pintuan ang dalaga. Walang malisya niya itong sinalubong ng ngiti habang nakataas ang kilay. He smirked.
Napalunok ng laway si Karina sa kaba. Pilit niyang tinakpan ng kanyang palad ang namumula niyang pisngi.
"Come in."
Nabasa agad ni Winston na nahihiya ito kaya hindi na niya ito lalong tinukso. Baka mamaya ay mailang lang ito lalo sa kanya. He acted normal as possible.
"Welcome to my private kitchen," ani Winston.
Napatingin si Karina sa buong lugar. It was kind of big. Parang buong bahay na iyon nila Karina noong naninirahan pa siya sa tiyahin niya.
She saw various kitchen tools. May tatlong malalaking oven, limang stove, mahahabang stainless na mesa. Mga nakasabit na samo't saring klaseng mga sandok, utensils, herbs and spices sa bawat glass na aparador. Makintab na makintab iyon at halos puwede kang manalamin.
"Wow!" aniya sa isipan.
Walang sa kalahati ang gamit nila sa kusina kung ikukumpara rito. Private kitchen pa lang ito, ha? Para na itong kusina sa isang high class restaurant.
"Marunong ka bang magluto?" tanong ni Winston.
"M-Marunong naman. Pero hindi iyong mga susyal na dishes na tulad ng kinakain mo," aniya sa binata.
Napataas ng kilay si Winston.
"You want me to teach you?"
Tama ba ang naririnig niya? Si Winston Miller? Isang bilyonaryo na dapat ay pagsisilbihan niya, nag-aalok na turuan siyang magluto? For real? Hindi ito nagbibiro?
"Sigurado ka ba?" nag-aalangang sagot ni Karina.
"Yup. But ofcourse, may service fee," he said in a sexy tone.
Kinabahan na agad si Karina sa sinabi nitong service fee. Kinutuban na naman siya na hindi iyon pera kundi katawan niya.
"‘Wag na lang," sagot niya.
Ngumisi si Winston. "You know my rule, Karina. You should always obey me."
Napasinghap si Karina nang ilapit nito ang mukha niya sa dalaga. He placed her rough fingers on her face as he traced it papunta sa leeg ng dalaga.
"So, let's start?" ani Winston.
Nangatog ang tuhod ni Karina. Kapalit ng pagtuturo ni Winston sa kanyang magluto ng ibang dishes ay ang service fee na hinihingi nito sa kama. Hindi pa nga nakaka-recover ang hiyas niya sa ginawa nila kagabi, mukhang sasabak na naman ito sa labanan ngayong umagang-umagang ito.