"Winston, hindi naman yata maganda na gano'n gano'n lang ang trato mo sa babae kanina. Kawawa naman siya at talagang kinaladkad mo palabas," ani Karina. Nakaupo siya ngayon sa kama ng binata. Kanina pa dapat siya nakabalik sa kuwarto niya pero ayaw siyang hayaan ni Winston. Iniisip niya tuloy kung ano na naman ba ang nakain nito at bigla yatang ayaw niya na umalis si Karina. Pero hindi agad nakasagot si Winston. Parang bingi siya kapag nababanggit ang pangalan ni Tiffany. He knows her too well. She's a spoiled brat at ayaw na ayaw niya rito. Kailan man, hindi niya maaatim na ito ang itinaktang ipakasal sa kanya. "Don't ever go. H'wag ka nang mag-resign. I will never let you again." Seryoso ang pagkakasabi no'n ni Winston. Nabuhol na ang dila ng dalaga. Parang wala siyang masagot. Ano b

