Maagang umalis si Winston dahil may aasikasuhin sa opisina. Gumising na naman si Karina na wala ito sa kanyang tabi. As usual. Dapat masanay na siya. Winston is a busy person. Hindi lagi sa kanya iikot ang mundo nito. Malungkot man, alam niya namang para iyon sa kinabukasan ni Winston, kinabukasan nila. So, she accepted it ng buong puso. "Hayy, nako, Winston. Pagkatapos ng lahat lahat kagabi, gumising na naman akong wala ka sa tabi ko," ani Karina habang nagtutupi ng bed sheet. She's wearing Winston's polo na mistulang naging dress sa kanya. Sa tangkad ba naman ni Winston. She looks sexy in that polo pero hindi puwedeng iyon lang ang isuot niya pagkababa dahil sigurado siya, nag-aabang ang napakaraming mga mata sa kanya. Mga tingin na mapanuri at mapanghusga. Lalo pa't suot suot niya ang

