Chapter 11

1559 Words

"Jessie Marie Andrada!" tawag ng prof ko sa major subject. Tumayo ako agad at inihanda ang sarili ko sa tanong nya. May itinaas syang sobre. Nagtataka naman at nagtatanong ang mata kong nakatitig lang kay Mr. Montecillo. "This is from student body council. An invitation for you Ms Andrada. Tumalima ako at agad naglakad papuntang harap para kunin ang sobre. Maluwang ang ngiti ni Mr Montecillo sa akin. Binata pa sya at may maibubuga rin sa kagwapuhan. Matagal ko na ding napapansin ang matiim nyang titig minsan sa akin pero ipinagsasawalang bahala ko lang. Ayokong bigyan ng pansin ang mga paghanga at pagtitig ng mga lalaki. Sa totoo lang, naiilang ako. Kahit ata magdamit ako ng walang kadating dating ay ganoon parin ang tingin nila sa akin. Siguro dahil na rin sa paghanga nila sa boses ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD