"Jorgina," sinundan siya ni Jeremy after one hour. Nasa veranda siya ng silid nila at nakatingin lang sa kawalan nang dumating ito. "Can we talk now, please? Ayoko ng patagalin ito. I cannot have you mad at me for long." Hindi siya kumibo. Jeremy just stayed behind her. "Okay. Kahit pakinggan mo lang ako. Kailangan ko lang sabihin sa 'yo ang nararamdaman ko... I know you're thinking that I do not love you…" Umpisa nito. "Jorgina, when I first met you I never thought for one second that you're going to be my wife. You were very young and I was just so fond of you." Napapikit si Jorge kahit nakatalikod siya rito. Pinapatunayan lang ni Jeremy na wala itong damdamin sa kanya sa simula pa lang. "Para sa akin ikaw lang 'yong batang naglalako ng meryenda na espesyal na kaibigan ng mama ko.

