Hindi siya nababaliw at patutunayan niyang mali ang iniisip nina Iris at Jeremy. "Jorge, ano ba talagang nangyayari sa'yo?" Ani Tonya na sinilip ang mga sinusulat niya sa notebook niya. "Para kang laging nag-iisip nang malalim." "Tonya," humarap siya sa kaibigan. "Tonette," nakalabi nitong pagtatama. "Tonette, sabihin mo sa akin ang totoo, hindi mo nga ba nakita si ate Vika kahapon?" "Sorry, Jorge. Nagulat kasi ako at hindi ko na nakita kung ano talaga ang nangyari," umiiling na sabi ni Tonya. "Pero dahil sinabi mo na nakita mo siya, naniniwala ako sa'yo, Jorge." "Salamat." Tipid siyang ngumiti. Isang taong maniniwala sa kanya ang kailangan niya. Dahil kung ang lahat ay sasabihing imposible ang nakita niya, baka siya mismo isipin niya na nababaliw siya. "I saw her. Sigurado ako," dag

