"E—Eh?" Gulat na sambit ni Calypso habang nakaturo sa kanyang sarili ang kanyang hintuturo. "A-Ako po? G-Gusto niyo po magpanggap ako na asawa ng isa sa mga bagong kawal, Prinsesa?" Napabuga ako nang malalim na hininga bago dahan dahan na itinango ang aking ulo. Wala ako maisip na ibang pwedeng magpanggap kundi siya lang. Kahit naninilbihan siya sa akin rito sa palasyo ay alam ko na nanggaling siya sa isang mayaman na pamilya sa kapital. Kaya walang maghihinala sa kanya kung pumasok siya sa bentahan ng mga alipin. "Alam ko na masyadong delikado ang hinihingi ko sa iyong tulong na ito, Calypso." Malungkot kong sambit at seryosong tinignan siya sa kanyang mga mata. "Nakataya ang buhay mo rito. Maling galaw mo lang ay maaaring buhay mo ang maging kapalit." Namutla at halos himatayin naman

