Chapter IV

2138 Words
Lumipas ang isang buwan mula na magtungo ako sa kapital. Nang mapagtanto ko na walang patutunguhan ang paghahanap ko sa aking Ama ay hindi ko na ipinagpatuloy ang planong iyon. Inabala ko na lang ang aking sarili na palakasin ang aking kakayahan sa pakikipaglaban dahil ayoko maging pabigat kina Dervis pagdating ng araw. Nalaman ko na isa sa kinatatakutang gang ang pinamumunuan ni Dervis. Gawain nila protektahan ang mga pamilya ng mga tao sa nasasakupan nilang teritoryo. Ninanakawan rin nila ang mga anak ng mga kurakot na opisyal ng palasyo at kumakalaban sa mga mapagsamantalang opisyales. Kaya hindi na nakakapagtaka kung marami silang kaaway at malaki ang posibilidad na ako ang kanilang i-target para mapabagsak ang grupo ni Dervis. Hinihingal na pinunasan ko ang aking pawis pagkatapos ng pakikipag-sparring ko kay Gyro. Nang una ay nahirapan ako makipagsabayan sa kanyang bilis sa makipaglaban pero ngayon ay nagagawa ko na ring makasabay sa kanyang mga binibigay na atake. Habang nagpapahinga ay inalala ko ang kani-kanilang mga kakayahan. Si Dervis ay magaling sa paghawak ng espada. Si Gyro ay eskperto sa paghawak ng baril. Si Zion naman ay sa paghawak ng mga patalim. Si Frolan ay ang nagsisilbing doktor at may kakayahan sa paggawa ng mga lason at bomba. Si Red ay magaling sa pakikipaglaban gamit ang mahabang sibat at arnis. Habang si Blake naman ang nagsisilbing utak nila. Nakakamangha na nakatagpo ako ng katulad nila pagkadating ko rito sa kapital. Gumuho man ang aking pangarap na isang mapayapa at magandang buhay sa kapital ay hindi na rin naging masama ang kinalabasan nito dahil nakilala ko naman ang grupo ni Dervis. Naputol ang aking pag-iisip nang lumapit sa akin si Blake. "You're doing good." Papuri ni Blake dahil kanina pa niya pinapanuod ang aming sparring ni Gyro. "Tatlong beses mo napabagsak ang malaki na katawan ni Gyro... nang walang kahirap hirap..." Malakas at nakangising dagdag niya. Tila narinig naman ni Gyro ang sinabi ni Blake kaya agaran siyang bumaling ng tingin sa aming direksyon. "Tss. Nadulas lang ako 'no!" Pagtatanggol niya sa kanyang sarili at naghalukipkip pa ng kanyang braso. "Saka pinagbibigyan ko lang si Primo dahil baguhan siya. Palagay mo talaga ay kayang kaya ako ng patpatin na katawan ni Primo?" Nag-uuyam na napahalakhak naman si Red na nakikinig na rin sa aming usapan. "Tatlong beses kang nadulas?" Nang-aasar na sambit ni Red kay Gyro. "Bwahaha! Wala maniniwala roon kahit sabihin mo pa kay boss! Sadyang weak ka lang!" Tila napikon na naman si Gyro sa sinabi ni Red kaya nauwi na naman sila sa habulan at sakitan. Napatawa na lang ako sa ginagawa nilang dalawa. Palaging ganito na lang kasi ang araw araw na eksena ng pinakamatanda at pinakabatang miyembro ng gang kaya wala niisa sa amin ang nag-abala na sawayin sila. "Tingin ko nga may talento itong si Primo sa pakikipaglaban." Tatango tangong komento naman ni Frolan saka inakbayan ako. "Marahil ay may dugo siya ng isang magaling na mandirigma. Hindi kaya isa sa mga kawal ng palasyo ang Ama mo?" Bigla ako natigilan nang banggitin ni Frolan ang aking hinahanap na Ama. Marahil iniisip pa rin nila na ipagpapatuloy ko ang paghahanap sa kanya. Sila na rin ang nagsabi na kahit mahanap ko siya ay malaki ang posibilidad na itanggi niya ako. Pagbaliktarin man ang mundo ay isa pa rin akong bastardang anak. Isa ako kahihiyan at pagkakamali lang. Napansin naman ni Blake ang aking pagsimangot kaya pinalis niya paalis ang kamay ni Frolan na nakaakbay sa akin. "Frolan, kung wala kang matinong sasabihin ay mas mabuting manahimik ka na lang." Pagsesermon niya sa kaibigan na ikinataka naman ni Frolan. "What the hell?" Nalilitong sambit ni Frolan. "Anong masama sa sinabi ko?" Napabuga na lang ng malalim na hininga si Blake bago inayos ang kanyang suot na salamin sa mata. "Mas maganda na sumama ka muna sa amin, Primo." Pagyayaya sa akin ni Blake para balewalain ang tinanong sa kanya ni Frolan. "Kami ang nakatoka ngayon na magronda sa labas. Saka simula dumating ka rito ay nanatili ka na rito sa loob ng kuta." "Ronda?" Pag-ulit ko sa sinabi niya. "Bakit?" Tumango si Blake saka nagpamulsa. "Hindi ginawa ni Dervis ang gang na ito para kumalaban lang ng mga mapasamantalang opisyales. Nais niya ring protektahan ang naninirahan sa nasasakupan ng kanyang teritoryo, Primo." Pagpapaliwanag ni Gyro sa akin nang matapos sa pakikipagbuno niya kay Red. "Kaya kada anim na oras ay may lumalabas sa amin rito sa kuta para magronda at siguraduhing walang pumapasok na kaaway o kalaban." "Eh?" Gulat kong sambit. Napansin ko na nitong nakaraang araw ang pagiging malimit nilang umalis pero hindi ko alam na para rumonda iyon sa kanilang teritoryo. "Tamang tama! Ngayon ang araw ng pagdating ng mga mangangalakal rito sa kapital kaya marami at iba't iba ang paninda sa sentro." Pagsingit naman ni Red sa aming usapan habang nagningning ang mga mata na tumingin siya sa amin ni Blake. Seryosong tinignan ni Blake si Red. "Kami ni Gyro ang nakatoka ngayon na rumonda." Pagkontra niya sa binabalak na pagsama ni Red sa amin. "Walang maiiwan rito sa kuta kapag sumama pa kayo." Napanguso si Red saka siya nagmamakaawang tumingin sa aking gawi. "P-Primo..." Nagsusumamong banggit niya sa aking pangalan at nanlalambing pa na yumakap sa aking bewang. "Please, please, please... tulungan mo ko na kumbisihin si Blake na isama ako." Sunud sunod na napalunok ako dahil sa may kahinaan ako sa ganitong paraan ng pagsusumamo. Humihingi ng tulong na binalingan ko pa si Blake para siya ang gumawa ng pinal na desisyon kung talagang iiwanan namin si Red. Napakunot naman ng kanyang noo si Blake at pwersahang tinutulak palayo sa akin si Red ngunit halos tuko ito na kumapit sa aking bewang. "Fine." Napipilitang pagsuko ni Blake. "Bitawan mo na si Primo." Ngiting abot tenga naman si Red bago bumitaw sa akin bago nagtutumalon sa saya na parang isang normal na bata. "Nasaan nga pala si Zion?" Nagtatakang pagtatanong ko na mapansin na kanina pang umalis sina Zion pero hindi pa bumabalik "Kasama ni boss para mangalap ng impormasyon sa black market." Pagbibigay alam sa akin ni Blake saka ako seryosong tinignan sa mga mata. Napalunok ako nang banggitin niya ang black market. Alam ko na roon ang isang pamilihan kung saan malimit na gumagawa ng mga illegal na transaksyon. Katulad ng lang ng mga prostitusyon at pagbebenta ng mga tao para gawing alipin. "Hindi ba delikado ngayon sa labas si boss lalo na kung sa black market ang pinuntahan niya?" Nag-aalalang sambit ni Frolan at kinagat pa ang kuko ng kanyang hintuturo. "Nitong nakaraan ay dumadami ang mga nagkalat na kawal ng palasyo di ba? Ang usap usapan ay may panibagong pinuno ng mga kawal na naluklok at hangarin niya na hulihin ang mga katulad nating gang." Napabuga ng malalim na hininga si Blake. "Iyon ay dahil inaakala ng palasyo na tayong mga gang ang napapasimuno ng mga krimen at illegal na gawain rito sa kapital." Hindi masayang sambit ni Blake. "Well, hindi naman sila mali sa ibang banda dahil may mga gang talaga na nag-tra-trabaho sa mga sindikato para kumita." *** Katulad ng aming napag-planuhan, isinama ako nina Blake at Gyro sa kanilang pagroronda habang nakasunod sa aking likuran si Red na masayang nagmamasid sa paligid. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang pagiging isang bata ni Red. "Bili na kayo rito! Murang mura lang!" Sigaw ng isang medyo may katandaan na mangangalakal. Napatingin naman ako sa kanyang paninda ay mga armas ito na maaring gamitin sa pakikipaglaban o pangangaso sa kagubatan. Saglit na napatigil ako para tignan ang kanyang mga paninda. "Ginoo, pili ka lang!" Masayang sambit ng nagtitinda. "Mura lang ang mga paninda ko!" Pag-uudyok pa niya habang nakadaop at pinagki-kiskis ang mga kamay. Bago pa ako makahawak ng isa sa kanyang mga paninda ay may kamay ba pumigil sa akin. Nang tignan ko kung sino ang nagmamay-ari nito ay nalaman ko na si Blake pala ang taong pumigil sa akin. "K-K-Kayo pala, S-Sir Blake!" Natatakot na sambit ng tindero. "K-Kasamahan niyo po ba ang ginoong ito?" Tumabi naman sa akin si Gyro at matamam na tingin ang hinandog niya sa tindero. Napakunot naman ako ng noo sa kanilang inaasta at nagpalipat lipat ng tingin sa kanilang tatlo. Wala akong ideya sa nangyayari o ano ba ang mali sa ginawa ko. "Nakalimutan namin na isa kang dayo rito." Iiling iling komento ni Red at hinila ako palayo roon. "Huh?" Nalilito kong sambit at binigyan siya ng nagtatanong na tingin. Nilagay ni Red sa bewang ang kaliwang kamay bago tinuro ako ng kanyang hintuturo sa kanang kamay. Sa makakakita sa amin ay aakalain nila na sinesermunan niya ako ngayon. "Huwag na huwag mong kakalimutan na isang napakadelikadong lugar ang kapital. Marami rito ang mga mapasamantala lalo na sa dayong katulad mo." Seryosong sambit ni Red at nginuso ang tinderong hawak ngayon sa kwelyo ni Gyro. "Kung humawak ka ng isa sa mga paninda niya at wala kang binili ay ipapalabas niyang nagnakaw ka ng paninda niya pero kung hindi naman ay mangingikil siya sa iyo ng napakalaking halaga. Kilalang kilala na namin ang tinderong iyan sa pangingikil ng mga dayo. Ilang beses na rin namin binantaan at pinagsabihan ang matandang iyan para hindi magtinda rito." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang pwede mangyari sa akin kung sakaling humawak ako ng isa sa paninda ng tindero. Hindi ko akalain na muntikan na ako mapahamak dahil lang sa ibinaba ko ang aking depensa sa isang tao. Lumapit sa amin muli sina Blake at Gyro nang matapos nila mapaalis ang matandang mangingikil. "Hindi talaga nadadala ang matandang iyon." Nakasimangot na komento ni Gyro. "Ilang beses na natin siya pinaalis pero bumabalik pa rin." "Sa lugar na ito kasi malimit nagpupunta ang mga dayo." Hindi nasisiyahang paliwanag naman ni Blake. "Kaya ito ang pinakamagandang lugar sa kanyang negosyo." Bigla ko niyuko ang ulo sa kanilang harapan para humingi ng tawad sa ginawa ko. "Patawad! Hindi ako nag-ingat!" Paumanhin ko sa kanila. Pinat ni Blake ang ulo ko. "Huwag kang humingi ng tawad. Normal lang naman ang naging reaksyon mo sa mga dayo na nagpupunta rito." Naiitindihang sambit ni Blake at inangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko. "Kung sakaling napahamak ka ay kami ang sisisihin ni boss dahil pinabayaan ka namin kahit kasama mo kami." Pareho naman namumutlang napangiwi sina Gyro at Red sa sinambit ni Blake. Napaisip tuloy ako kung paano magalit si Dervis para matakot sila ng ganito sa kanya. "Primo, tama si Blake." Sumasang-ayon na sambit ni Gyro sa sinabi ni Blake. "Kaya huwag kang humingi ng tawad sa amin." Tumango ako saka nginitian sila. "S-Salamat." Mangiyak ngiyak kong bulalas. Ito ang unang beses na hindi ako napagalitan o nakatanggap ng p*******t dahil sa aking pagkakamali. Alam ko na iniwanan ko ang aking nakaraang buhay pero gayun pa man ay hindi basta basta mabubura ito sa aking isipan. May mga bagay na maihahantulad ko ang kasalukuyan sa nakaraan. Akmang magpapatuloy na kami sa aming ginagawa nang malakas na torotot ang umalingawngaw sa paligid. "Magbigay kayo ng daan!" Malakas na sigaw sa hindi kalayuan ng isang kawal na nakasakay sa isang puting kabayo. Walang tanong o pag-aalinlangan na nahawi ang mga bumibili at nagtitinda sa daan para magbigay ng daan sa kanila. Napalunok ako ng makita ang bandera na dala ng kawal na sumigaw. Ang simbolo ng kaharian ng Calareta. Ibig sabihin ba nito ay may dadaan na miyembro ng maharlikang pamilya? Ang mga Calareta? Hindi naman ako mapakali sa aking kinatatayuan habang naghihintay na dumaan sila at makita man lang sa isang Calareta. Ngunit tila hindi lang ako ang may ganoong pakiramdam dahil unti unti dumami ang mga tao sa aking harapan para makita ang dadaan na Calareta. Sinubukan kong tumalon talon para makasilip sa mga dumadaan pero masyadong siksikan sa kinatatayuan ko. Mayroon pang mga bumangga, nanulak at umapak sa aking paanan para lang makasingit. "Kyaaaah! Prinsipe Orion!" Tili ng mga kababaihan. "Ang gwapo pa rin niya kahit walang emosyon na makikita sa mukha niya!" Kinikilig na komento pa ng isa. Prinsipe Orion? Mas tinaasan ko pa ang aking talon pero masyado ako napalayo dahil sa dami ng nagsumisiksik kanina. Naiinis na napabuga ako ng hininga. Akmang makikisiksik ako para mapunta sa unahan nang pwersahang hilahin ako ni Gyro paalis roon. "T-Teka lang!" Pagpupumiglas ko sa hawak niya habang nakatanaw pa rin ako sa aming pinaggalingan. "T-Titingin lang muna ako roon!" "Pasensiya na Primo pero hindi tayo pwede magtagal rito sa labas dahil mag-isa lamang sa kuta ngayon si Frolan. Saka may trabaho pa kaming gagawin ni Gyro na dapat tapusin." Pagpapaliwanag sa akin ni Blake at tumulong na siya sa paghila sa akin palayo roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD