Chapter XIII

2183 Words
*Bang! Bang! Bang!* Umalingawngaw sa buong kapaligiran ang pinakawalan kong mga putok ng baril. Pagkatapos ay dahan dahan kong iminulat ang aking mga ipinikit na mata para tinignan kung natamaan ko ba si Count Vernon at nailigtas si Dervis mula sa kanyang mga kamay. Nanlaki ang mga mata ko na makitang galit na galit na nakatingin sa aking gawi si Count Vernon. Nabigo ba ako? Paano ko na maililigtas ngayon sina Dervis? Nanginginig na napaurong ako ng ilang hakbang. "I-I-KAW!" Malakas na hiyaw ni Count Vernon na aking ikinakislot sa takot. "P-Primo..." Nanghihinang sambit ni Dervis at tinignan ako na may matinding takot sa kanyang mga mata. "R-Run..." Akmang tatakbo na ako palayo nang biglang bumulwak ang maraming dugo sa bibig ni Count Vernon. Doon ko lang napansin ang kanyang mga tama sa kanyang dibdib kaya unti unti siyang tumumba at pumaibabaw pa kay Dervis. Napabuga ako nang malalim na hininga nang makita na walang buhay na si Count Vernon. Gayun pa man ay hindi nababago ang aking sitwasyon. Nasa akin ngayon ang atensyon ni Gecko na may labis na galit na nakapaskil sa kanyang mga mata dahil sa aking ginawang pagpaslang kay Count Vernon. Dahan dahan ko itinutok sa kanya ang hawak kong baril at sinubukang paputukan siya subalit tila naubusan na ito ng bala. "May isa pa pala kayong miyembro." Naggagalaiti niyang sambit at kumuha ng mga patalim na nakakalat sa sahig. "Damn! He ruined my plan. Paano na ako babayaran ngayon ni Count Vernon? Pinatay na niya ang matanda." Nanghihinayang pa niyang dagdag. Nanginginig ang mga tuhod ko na napaurong nang makita na humahakbamg palapit sa akin si Gecko. "Sabagay, may makukuha pa rin ako kapag dinala ko ang mga ulo nina Dervis sa palasyo." Nakangising sambit ni Gecko. "Hindi pa rin naman pala ako lugi rito." Napatigil si Gecko sa paglapit sa akin nang hawakan nina Dervis at Gyro ang kanyang magkabilang paa. "W-Where do you think you are going?" Nagbabantang sambit ni Dervis at pinag-igihan ang pagkapit kay Gecko. "Kami ang kailangan mo di ba? Let.her.go!" "Her?" Nagtatakang pag-ulit ni Gecko at muling ibinaling ang tingin sa aking direksyon. Seryodong tinignan ako ni Dervis sa aking mga mata na tila sinasabi ng na tumakbo na ako palayo at iwanan sila rito. "P-Primo... R-Run..." Nanghihinang sambit ni Blake at nakikapit na rin sa paa ni Gecko. "U-Umalis ka na!" "f**k! Bitiwan niyo ko mga hangal!" Sambit ni Gecko at pinagsisipa sila para mabitawan siya. "Gustung gusto niyo na talagang mamatay huh!" Napaiyak ako napatitig sa kanilang lahat. Lahat sila ay tila kinukumbinsi ako na tumakbo. Napakagat labi ako at lakas loob na tumakbo patungo sa nakabukas na pintuan. "Primo!" Narinig ko naman ang mabilis na yabag ni Gecko na humahabol sa aking likuran. Ngunit bago pa ako tuluyang makalabas ay bumangga ako sa isang lalaking nakasuot ng makapal na baluti at kasunod niya na pumasok ang napakaraming kawal na tila kanina pa nakaabang sa labas ng aming kuta. Napalingon ako kay Gecko na biglang natulos sa kanyang kinatatayuan dahil sa biglaang pagdating ng mga kawal. Hindi ko alam ang gagawin dahil sa nangyayari. Nandito na ang mga kawal at wala na kaming ligtas ngayon. "Sir, confirm na nandito po silang lahat!" Pagkumpirma ng mga kawal habang nakatingin sa poster nina Dervis at sa mga kasama ko na hindi makakilos dahil sa pagkaparalisa sa usok na ginawa ni Gecko. Natatakot na napalingon ako sa lalaking nakabaluti nang matuklasan na siya ang pinuno ng mga kawal. "Take them!" Pautos na sambit niya saka saglit na tumingin muli siya sa akin. Pinagmamasdan niya ako na tila ba kinikilala ako. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang sa kanyang ginagawa kaya minabuti ko na lang na iiwas ang aking tingin sa kanya at mag-isip ng paraan para makatakas kami. "Sir, paano po ang isang lalaking ito?" Tanong ng mga kawal habang hawak si Gecko na pilit nagpupumiglas sa kanila. "Hindi po siya miyembro ng gang ni Dervis." "Pakawalan niyo ko! Ako lang naman ang humuli sa kanilang lahat!" Pagmamayabang ni Gecko. "Naririto ako para kuhanin ang aking pabuya sa paghuli sa kanilang lahat! Nasaan na?! Ibigay niyo na sa akin!" Umiling ang lalaki at tinignan ng matalim si Gecko. "Mag-iimbestiga muna kami kung wala kang kinalaman sa nangyari rito." Pagdadahilan niya na ikinasimangot ni Gecko. Lumapit ang isang kawal sa lalaking nakabaluti. "Nakita po namin ang katawan ni Count Vernon na nakahalo sa mga bangkay." Pagbibigay alam ng kawal sa lalaki. "Wala na rin siyang buhay." Napailing ng ulo ng lalaki at seryosong tinignan mga kasamang kawal. "Mukhang nahuli na tayo ng dating." Hindi niya nasisiyahang sambit. "Dalhin niyo ang lahat nang humihinga pa. Kailangan natin sila makausap para alamin ang nangyari rito at ano ang ginagawa ni Count Vernon sa lugar na ito." Nagulat ako nang may posas na ikinabit sa aking kamay ang lalaki at sampilitang hinihila pasunod sa kanya. Ganoon rin ang ginawa ng mga kawal kina Dervis na walang kapalag palag na dinadampot nila. *** Nagising ako nang makarinig ng malalakas na nasasaktang hiyaw sa hindi kalayuan. Doon ko lang napag-alaman na nasa loob ako ngayon ng isang madilim na kulungan. Agad kong inilibot ang tingin para hanapin ang aking mga kasamahan ngunit napag-alaman ko na mag-isa lamang ako sa kinaroroonang selda. "Gaaaah! Ayoko na! Maawa kayo! Waaah!" Isang nasasaktan na hiyaw muli ang umalingawngaw sa paligid. Dali dali ako napahawak sa rehas para hanapin ang pinagmumulan ng ingay na iyon. Hindi kaya isa sa mga kasamahan ko ang ang humihiyaw na iyon. No, no, no! Hindi naman sana! Nangilid ang luha sa aking mga mata habang patuloy ang naririnig kong pagpapahirap. "D-D-Dervis?! G-Gyro? Red?!" Nag-aalalang at malakas na pagtawag ko sa aking mga kasama. "Z-Zion, B-Blake, F-Frolan..." Nanlulumo kong dagdag sa takot na baka kung ano na ang ginawa sa kanila ng mga kawal na kumuha sa amin. Unti unti ako napaluhod sa sahig at napayuko ng ulo nang walang marinig na sagot mula sa kanila. Saan kaya sila dinala ng mga kawal? Maayos pa kaya sila? Sila ba ang taong pinahihirapan ngayon? Sana naman ay hindi. . . . . . . "Psst! Primo! Ikaw ba iyan?!" Pagtawag sa akin ng sumisitsit sa kabilang selda. "Nandito kami!" Agaran na napaangat ako ng tingin at napahawak muli sa rehas. "R-Red? Ikaw ba iyan?" Naiiyak na pagkukumpirma ko. "A-Ayos ka lang ba? Nasaan ang iba?!" "Maayos lang kami dahil nandito si Frolan para gamutin kami. Mabuti na lang ay hindi nila nakumpiska ang mga gamit niya sa panggagamot na nakatago sa ilalim ng kanyang damit." Medyo nanghihinang sagot ni Gyro. "Ikaw lang pati ang napahiwalay ng kulungan sa atin. Magkakasama kaming lahat rito kaya huwag ka na mag-alala sa amin." Napahinga naman ako ng maluwag na malaman na ayos silang lahat at kumpletong magkakasama. "Mabuti na lang ay hindi nila alam na kasamahan natin siya." Seryosong sambit ni Blake. "Tingin ko mas mabuti na rin iyon para mas mababa lang ang parusa na ibigay sa kanya." Natahimik ako sa posibilidad na parusa na matanggap nila. Nakuha lang naman ng mga kawal ang walang buhay na katawan ni Count Vernon. Alam ko na iniisip nila na isa sa kanila ang pumatay kay Count Vernon. Doon pa lang ay magiging mabigat na parusa na agad ang maaaring ipataw sa kanilang lahat. At ang pinakamalala na parusang maaaring matanggap nila ay kamatayan. Napaisip ako kung paano sila makakaligtas sa parusang iyon. Subalit anumang isip ko ay isang opisyales si Count Vernon ng palasyo. Sa aming ginawang pagpatay sa kanya ay sumisimbolo na rin iyon ng aming pagkalaban sa kanila. "Teka lang! Wala bang marereak sa inyo na malaman na babae pala talaga siya?" Rinig kong sambit ni Frolan. "At ang matindi itinago sa atin iyon ni boss!" Nakarinig ko na nagkaroon ng ilang kalabog sa kabila. Palagay ko ay pinagbabatukan na naman nila ang kawawang lalaki. Marahil dahil wala sa lugar na ungkatin ang totoong kasarian ko ngayon. Maya maya ay nakarinig ako ng mga halakhakan at asaran. "Huwag mong sabihin na ikaw lang Frolan ang hindi nakahalata sa atin?" Tumatawang sambit ni Red. "Grabe ang hina mo! Halata kaya!" "Napansin ko simula pa lang na magpakilala siya." Komento naman ni Gyro. "Ako nga nahalata ko na nang simula siya pumasok sa kuta natin." Pagmamayabang naman ni Blake. Napanguso naman ako sa nalaman. Ibig sabihin ay alam na pala nila ang totoo kong kasarian ngunit hindi man lang nila sinabi sa akin. Nagpapakahirap pa naman ako umarte na isang lalaki sa harapan nila dahil iyon ang aming usapan ni Dervis. "Damn!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Frolan. "Ako ang doktor ng grupo pero ako pa ang hindi nakaalam." Muling sumambulat ang malalakas na tawanan at asaran nila na para ba nakalimutan nila kung nasaan kami ngayon. "Shut it!" Pagsaway sa kanila ni Dervis kaya agaran sila napatahimik. "May mga paparating." Pagkasabi pagkasabi ni Dervis ay doon ko lang narinig ang mga papalapit na yabag ng paa sa aming kinaroroonan. Sa lakas ng pagkayanig ng sahig ay masasabi ko na napakarami nila. Hanggang sa matanaw ko sa hindi kalayuan ang papalapit na napakaraming mga kawal. Masama ang kutob ko sa pakay nila ngayon. Nakita ko na may ilang lumapit sa kinaroroonang selda nina Dervis at binuksan iyon. Isa isa muli nila pinosasan sa likuran ang kanilang mga kamay pagkatapos ay patulak na pinapupunta sila sa pinagmulan na direksyon. Abot abot ang aking kaba nang mayroon ring mga kawal na nagbukas ng aking kinaroroonang kulungan. Katulad nina Dervis ay pinosasan nila ang aking kamay sa aking likuran at sampilitan na hinihila palabas ng kulungan. "T-Teka!" Pagpupumiglas ko ng hilahin ako ng isa sa mga kawal pasunod kina Dervis na kinakaladkad rin nila. "S-Saan niyo kami dadalhin?!" Kinakabahang pagtatanong ko. Ngunit tinignan lamang ako ng mga kawal at wala niisa sa kanila ang sumagot ng aking katanungan. Pinagpatuloy nila ang pwersahang pagdala sa amin kung saan. Halos madapa at masubsob ako sa kanilang ginagawa pero tila wala silang pakialam kung anuman ang mangyari sa akin. Hanggang sa tumapat kami sa isang napakalaking metal na pinto. Lalong lumakas ang aking masamang kutob nang makita ito. Natatakot na nilingon ko sina Dervis na walang emosyon na nakatitig sa pintuang iyon. Napalunok ako nang unti unti nilang binuksan ang mabigat na pinto. Napapikit pa ako ng aking mga mata nang masilaw sa liwanag na nagmumula sa likuran ng pintong iyon. Nang masanay sa liwanag ay unti unti kong tinignan kung ano ang nasa likuran ng pintuang iyon. Napasinghap ako nang makita ang buong paligid. May malawak na entablado sa gitna ng kwarto na pinalilibutan ng mga nakapirming mga kawal, sa may bandang taas ng entablado ay may mga nakaupong mga taong tila manunuod ng mangyayari at sa dulong bahagi naman ay may isang pataas na hagdanan patungo sa isang gilotina. Bawat isa sa amin ay dinala ng mga kawal sa gitna ng entablado at sampilitang pinaluhod paharap sa tatlong bakanteng malalaking upuan sa harapan ng entablado. "s**t! s**t! s**t!" Naggagalaiting bulalas ni Dervis at sinubukang magpumiglas sa kawal na may hawak sa kanya. Napakagat labi ako. Kahit hindi ko na itanong ay alam na alam ko na ang nangyayari ngayon. Agaran nila kami lilitisin at hahatulan ng parusa para sa pagpatay sa mag-amang Vernon. Nag-aalalang tumingin sa aking gawi sina Blake. Tingin ko ay babalakin nilang akuin ang pagpatay sa mag-ama at palalabasin na wala akong koneksyon sa kanila. Masyado sila nag-aalala sa akin kahit ako ang pumili na manatili at sumama sa kanila. Kung kapalaran ko man mamatay ngayon ay sarili ko rin ang dapat kong sisisihin sa aking naging desisyon. Hindi nila kailangan protektahan ako dahil ako ang may kagustuhan nito. Nagtungo sa aming harapan ang pinuno ng mga kawal na humuli sa aming sa kuta. May suot pa rin siyang makapal na armor at ngayon ay humihiyaw ng awtoridad ng kanyang presensiya. Naaawang tinignan niya kami bawat isa. "Alam niyo na siguro kung bakit kayo naririto." Seryosong sambit niya gamit ang isang nagbabantang tono. "Lilitisin namin kayo sa salang pagpatay sa opisyal na si Count Aereas Vernon at sa kanyang anak na si Kaisel Vernon." Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay dumadundong ang mga tambol kasabay ang pagpasok ng tatlong tao na may suot na makakapal na itim balabal na tumatakip sa kanilang mga mukha. Nakakapagtaka na sabay sabay na lumuhod ang lahat sa tatlong iyon. Sino ba sila? Ramdam ko ang kakaibang takot at tensyon kina Dervis nang makita sila. "T-The e-executioners." Natatakot na sambit ni Red habang hindi maalis ang tingin sa kanila. Malakas na napasinghap ako dahil minsan ko na narinig ang katagang iyon. Sila ang grupo sa palasyo na nagbibigay ng malulubhang parusa. Tinawag silang executioners dahil na rin sa wala pang nabubuhay sa bigat na parusang ipinapapataw nila sa kanilang mga nilitis. Hindi ko maiwasang mapalunok paulit ulit ng laway habang seryosong pinasadahan sila ng tingin. Dahil isang maling salita o sagot lang ang ibigay namin ay siguradong didiretso kami ngayon sa hukay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD