Naalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagkakatulog nang makarinig ng napakahinang pagkaluskos sa labas ng aking bintana. Inaalerto ko ang aking sarili sa aking paligid at inantay ang dahilan ng ingay na iyon. Hanggang sa maramdaman ko ang isang presensiya na maingat na pumasok sa aking kwarto at mabagal na lumalapit sa aking kinahihigan. Nang maramdaman ko ang pagtigil niya sa aking gilid ay narinig ko ang kalansing ng pagkuha niya ng tinatago niyang patalim. Inaakala niya na tulog pa rin ako kaya nagulantang siya nang inihagis ko sa kanyang mukha ang nakatakip sa aking kumot saka siya sinipa sa kanyang pinakagitna at pinakamahinang parte ng kanyang katawan. Dahil roon ay nabitawan niya ang dalang patalim sa aking gilid. Agad ko naman kinuha iyon at dinambahan siya. Sinigurado ko na hin

