Katulad ng aking inaasahan ay naging bali-balita ang ginawa kong kaparusahan sa kaso ng mga mababang opisyales. Umani ito ng magaganda at hindi na komento. "Prinsesa, talaga bang dadalo kayo sa imbitasyon ni Viscount Laius?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Oenone habang inaayusan ang aking buhok. "Mainit init pa rin ang balita sa ginawa niyong kaparusahan sa mababang opisyales na sangkot sa kurapsyon. Hindi na nakakapagtaka kung mas labis ang galit ngayon ang mga matataas na opisyales dahil dito." Iniling ko ang aking ulo. "Parte ito sa plano ko, Oenone." Pagpapagaan ko ng loob niya. "Magtiwala ka lang." Napanguso naman siya at binitawan na ang aking buhok. "Basta prinsesa mag-iingat kayo roon." Bilin pa niya. "Iba ang takbo ng isipan ng mga tao na nabubulagan na ng galit." Tumango ako

