Chapter 2
MSCMMRC®2016
========================================================
CHLYDE'S POV:
*Beep beep*
Mabilis akong nagdrive papasok nung subdivision at bumaba kaagad papasok nung bahay.
"MOOOOMMMYYY!" Sigaw ko at ginala yung mata ko sa paligid. Nakita ko pa yung pamangkin na paborito ako at masama yung tingin sa akin. Katabi niya yung kakambal niya na tahimik na nanunuod lang ng tv.
"YAH! UNCLE CHLYDE, WHY SO LOUD?!" Oh diba? Lab ako niyan, paborito pa.
Nasaan ba si Mommy? T_T. Makahingi ng tulong dun sa tatlong, amazona sa labas. Oy, dalawa lang yung sakin. Yung isa si Sammy yung hinahanap. Wahaha, ang popogi talaga ng lahi namin.
"CHLYDE!" Napatingin ako sa direksyon kung saan si Mommy, kasama niya yung anak niya na pamangkin ko na mana sa kapogian ko na si Jesrick.
Mabilis akong tumakbo sa kanya tsaka siya niyakap.
"Mommy, hehe. Si Sara po kasi, tsaka si Bernadeth. Nasa labas." Nakapout na sabi ko. Sinamaan lang ako ng tingin ni Mommy at piningot yung tenga ko..huhuhu T_T
Nakita ko pa si Sam na napangiti nung nakita ako, sasabihin ko sana na hinahanap siya ni Vicky kaso hinigpitan ni Mommy yung kakapingot sa akin kaya napatahimik nalang ako
"Uncle—"
"Halikang bata ka." Sabi ni Mommy at hinila ako sa papalabas habang hawak parin ako sa tenga, narinig ko pa yung tawa nung kambal kong pamangkin, lalo na si Shane, pati si Jesrick tumawa din.
"Aray teka lang Mom.." napahinto pa siya tsaka tinawag si Sam na tatawa-tawa rin. Ang loko naman lumapit pa kaya ayan piningot din ng Nanay niya. haha
"Araaay! Mom,bakit pati ako?" Daing niya nang pingutin rin yung tenga niya at sabay kaming hinila sa labas.
"CHLYDE YAEL EXOR! /SAMUEL HEDRICK EXOR!" Sabay na sigaw ng tatlong babae sa labas ng gate.At masama kung makatingin sa akin at kay Mommy.
"ABA! SINASABI KO NA NGA BA, DI KA NA NAKUNTENTO DITO SA ISANG BABAENG TO, MAY INUUWIAN KA PA TALAGA?! SINO NAMAN SIYA?!" Pagwawala nung si...sino nga ba to ulit?
"Hoy Samuel! Humanda ka sa aking manloloko ka!" SIgaw ni Vicky. Astig ng pamangkin ko no? High school na High school lakas ng karisma. HAHa
"Easy girls, meet my Mom." Napatahimik naman yung dalawang babae ng pinakilala ko si Mommy sa kanila. Pfft, akala talaga totoong Mommy ko to.
Ang totoo niyan, Asawa siya ni Kuya Sedrick na Kuya ko. Mommy lang talaga tawag ko at ni Chester tsaka nung kambal sa kanya, dahil...basta! Basahin niyo yung story nila ni Kuya Sedrick.
"Settle this mess, Chlyde and Samuel." Malamig na sambit ni Mommy na kinalunok ko. Nakakatakot pa naman magalit to. Sabay naman kaming tumango ni Sammy at lumapit sa kanila.
"Ah, sorry girls. But the truth is, i dont like you. So you may go, thanks for the wonderful days by the way. Im sorry." Sabi ko na nakangiti pero.
*PAK!*
*PAK!*
I think I deserve that. Napatingin din ako kay Sam na sapo-sapo yung pisngi niya. Pftahaha, nasampal din siguro to. Sabay kaming lumapit kay Mommy.
"Sorry Mom." We both said in chorus. Tumango lang siya at pinapasok kaming dalawa.
Nakatangap naman ng batok si Sam mula sa Kuya Jesrick niya. At isang kurot naman para sa akin galing kay Shane, ahuhuhu...labs talaga ako ng pamangkin kong yan. Di ko alam bakit ayaw sakin niyan eh. T_T
"Sorry na pamangks. Huhu, pansinin mo na si Uncle oh." Paglalambing ko kay Shane na hindi manlang ako pinapansin. Si Sam naman pinapangaralan nung Kuya niya.
"Ayaw ko sayo, babaero ka. Hinawahan mo pa si Kuya Sammy." Bugnot na sambit niya. Ay kaya naman pala iniisnob ako netong pamangkin ko eh. Kasalanan ko bang idol ako niyang isang pamangkin ko? HAhaha. Naks, gwapo ko kasi.
"Sorry na, huhu. Idol siguro ako niyang Kuya mo, gwapo kasi kami." Napatahimik ako ng binato niya ako ng unan at mas matalim pang tingin.
"Ahehe, uuy..papansinin na ako niyan. Ngingiti na yan, dali na Princess Shane. May dala pa naman akong Dark Chocolates dito. Diba paborito nyo to ni Jane?" Natawa naman ako dahil pinipigilan niyang mapatingin sa akin, kahinaan kasi nila ng kambal niya yung Dark chocolates.
Ewan ko ba, kung sino pang ayaw na ayaw sa akin na pamangkin ko. Parang siya pa yung kinkulit ko at nagiging close. HAha. Siguro ayaw ko lang na iniiwasan ako ng mga babae?
"Eto oh, dalawang box binili ko. Dali naa~" ngumisi lang ako nung napabuntong hininga siya tsaka ako sinapok sa noo ng hawak niyang unan at inagaw yung box sa akin at inabot yung sa kambal niya yung isang box.
"Hindi ko na alam kung paano maalis sayo yang pagiging playboy mo Uncle, basta. Bahala ka na nga sa buhay mo, at wag na wag mong kalimutan palagi yung chocolates namin." Tumawa naman ako tsaka sila inakbayan.
Kitams, chocolates lang naman eh. Dark chocolate. Kahit sinuspladaha ako netong ni Pamangks Shane, alam ko she cares lang naman. Haha.
"Chlyde." Napatingin ako sa pinto. Nandun si Kuya na naka-akbay kay Mommy. Tapos na ba taping niya?
"Kuya." Sambit ko saka lumapit sa kanila. At, isng batok lang naman natanggap ko. Be yen! Mahal talaga ako ni Kuya Π_Π
"Enough, Sed. Umakyat ka na at magbihis." Ngumisi naman ako kay Kuya at binelatan pa siya. Napapailing naman siya sa akin tsaka rin umakyat. Bumalik naman ako sa dalawang magagadang pamangkin ko.
Gustong-gusto ko talagan kasama tong mga pamangkin ko. Eh yung tatlong Kuya kasi namin ang lalayo na nila. Si Kuya Xian, nandun sa States at siya yung naghahandle nung main branch ng company namin dun, kasama niya yung pamilya niya. Minsan lang sila kung umuwi dito sa Pilipinas. Miss ko na nga yung mga pamangkin ko sa kanya eh, tatlo kaya bunga nun. Puro pa lalaki. Haha, pero mababait mga yun. Ata?
Si Kuya Shin naman, dun na sa Korea. Sila ang tumira sa bahay namin dun kasama yung pamilya niya din. At siya ang nagpapatakbo ng ospital na pagmamay-ari namin dun. May apat yun. Dalawang lalaki, dalawang babae. Sipag no? Haha
Si Kuya Lem, nasa London. Bitbit yung pamilya niya. Dejoke, dun na sila nakatira. At siya narin ang nagmamanage ng ilang branch nung kumpanya namin, kahit engineer nakuha niya. May mga bunga rin yun, dalawa nga lang. Babae pa panganay. Haha!
May pamilya na nga rin si Kuya Ben eh, di magpapatalo yun. May dalawang anak, tsaka buntis pa si Ate Queen. Naks naman, may ibubuga pa si Kuya! Hahaha. Pero nandito lang sila sa Pilipinas, actually katabi lang netong bahay nina Kuya Sed. Hahaha!
"Kuya Saaaaaaaaaam!" Napatayo ako at sinalubong si Brenda na mabilis tumkbo papasok dito sa bahay. Anak yan ni Kuya Ben, panganay. "Oh, Hi Tito Chlyde." Bati niy tsaka ako hinalikan sa pisngi.
"What's the fuzz, Brenda?" Tanong ni Sam sa pinsan niya. Lumapt lang ako sa kanila.
"You're crazy girlfriend is iniistorbo nanaman ako." Minsan talaga sarap pakainin ng mamon tong si Brenda, pabebe masyado eh. Ano bang pinakain dito ni Kuya Ben?
"At ikaw din Tito, what did you ba at head over heels yung mga crazy girls sa inyo? Pati ako, napeperwisyo eh!" Napatawa naman ako sa kana tsaka siya inakbayan.
"Kasi, gwapo kami." Saba wink ko sa kanya. At ginaya nanaman niya yung famous poker face look ni Shane.
"Whatever! Im outta here" sabi niya tsaka lumabas ng pinto. Loko ang batang yun ah?huhu, bakit ba ganyan ang mga pamangkin ko? Binubully ako eh. T_T
========================================================