MSCMMRC®2016
========================================================
*Pak*
"PLAYBOY!" Malakas na sigaw ng isang babae pagkatapos niyang sampalin yung binata na nakaupo sa counter sa isang bar. Hindi pa dun natatapos.
*PAK*
"MANLOLOKO KA! I HATE YOU!" Sumunod naman yung nasa likuran niya at nagmartsa papabas ng bar na kinaroroonan niya.
*PAK!*
"GO TO HELL CHLYDE!" Sunod naman ng pangatlong babae at di pa nakuntento at hinampas pa niya ito. At sumunod sa dalawang babae na lumabas.
Natigil ang lahat dahil lang sa eksenang yun.
"PARTY PEOPLE! HAHA!" He manage to say at tinaas pa yung baso niya. Naghiyawan pa ang mga tao at bumalik yung maingay na tugtog at sigawan ng mga tao.
He's a certified and since childhood playboy. Di na ata maaalis yun sa kanya. Di mo na mabilang kung ilang babae ang dumaan sa kanya sa loob lang ng isang buwan or isang linggo.
**
Samantala sa labas naman ng bar ay may umeeksena din.
"Okay, sinasagot na kita." Matamis na ngiti ang binigay niya sa isang lalaki. Malawak din yung ngiti nung lalaki at akmang yayakapin na niya sana ng pigilan siya neto.
"Break na tayo. Bye!" Masiglang sambit neto at hinila papasok ang kasama niyang lalaki at sumunod ang mga kaibigan neto na napapailing nalang sa tinuran niya.
Kung sa mga lalaki playboy, ano kaya sa babae para sa kanya? Playgirl? Pwede, cassanovang babae ng bayan. Pero, kahit halos ata lahat ng lalaking nakakasalubong niya naging syota niya, buong-buo parin siya. Hindi siya nagpapagalaw kahit isa man sa mga naging bf's niya.
"*sigh* Nakakaumay ka rin, umalis ka na nga." Taboy niya sa lalaking kasama at pinuntahan ang mga kaibigan niyang nagsasayawan sa dance floor at iniwang nakanganga yung lalaki.
"2 down. Lakas mo talaga! Akalain mo, siyam na lalaki yung naging syota mo ngayong linggo!" Iling na saad ng kaibigan niya. Ngumisi lang siya at todo hataw sa dancefloor.
"Boys are toys!" Hiyaw niya at pumuntang counter para makapag-order.
Lingid sa kaalaman niya, napansin siya ng isang lalaki na mukhang kanina pa nakatambay doon nung umupo ito sa counter.
Umandar nanaman ang pagkaplayboy neto kaya lumapit siya, at agad nakipaglandian. Ngumisi lang din ang babae at sumakay sa trip ng lalaking eto.
"Im Chlyde Exor." Abot niya ng kamay neto na tinanggap niya.
"Janna Danica Perote, JD for short." Sabay ngiti neto ng matamis.
========================================================