Chapter 53 MSCMMRC®2016 ======================================================== JD's POV: Nakahalukipkip lang ako habang nakaharap sa mga kaibigan ko. Ang anak ko naman katabi ko at walang humpay ang paglalaro ng teddy bear na hawak niya. Kinukuha ko nga pero ayaw bitawan. Inalis ko lahat ng mga bagay na binigay at nakakonekta sa taong yun. Pero etong laruan talaga ayaw niyang bitawan. "What now?" Lara asked. "I'll play along. Dont tell them, gusto kong magdusa ang lalaking yun. And as for CJ, kilala ko ang pamilya ni Chlyde. Isang eksperto pagdating sa mga lihim ng ibang tao." Tsaka ko tiningnan si CJ na inosenteng nakatingin sa akin. "Papakuha ko siya kina Mommy at dun muna siya sa New Zealand. Ayokong makuha siya ng Tatay niya." "My Father? You knew my father, Mom? Do you rem

