Chapter 37 MSCMMRC®2016 ======================================================== JD'S POV: "Riri naman! Bakit mo hinayaang mawala sa paningin mo si CJ?" Pinapanuod ko lang si Lara na sinasabihan si Riri. Nagtataka nga ako minsan eh, sino ba talaga Nanay ni CJ? Haha..joke lang, alam ko naman mahal na mahal niya rin baby boy ko eh. "Sorry po Ate, hinahabol nga po namin eh. Pero po kasi, ang bilis niya talaga." Nakayukong sambit ni Riri. Inawat ko na si Lara at pinaupo sa upuan ko kanina. Kakatapos lang ng party at dun din ang pagdating nila Riri kasama ang tatlong body guard, pero hindi nila kasama si CJ. Kaya nataranta kaming lahat, ang ibang security tumulong narin sa paghahanap sa anak ko dun sa playground at mga kalapit na lugar. "Hays! Maghahanap na nga lang rin ako. JD, dito ka

