Chapter 22

1102 Words
Chapter 22 MSCMMRC®2016 ======================================================== JD's POV: "Ma'am eto po yung report galing sa financial department." Pasok ni Wendy sa office ko. Tuamngo lang ako tsaka tinapik ang tabi sa table ko at bumalik ulit sa pagtatrabaho. "Salamat Wendy, at pwede pakibilhan ako ng marshmallow at chocolate, pangpatanggal stress lang." Tumango lang siya tsaka na lumabas. Napapabuntong hininga nalang ako at minasahe ang batok ko. *ting ting* Napatingin ako sa cellphone ko ng biglang tumunog. Unregistered number nanaman? SIno ba to? Di ko nalang muna pinansin at tinapos yung trabaho ko. May gaganapin pang ball tong kompanya para lang sa pasasalamat at makapagrelax din ang mga trabahador namin dito, kaya eto nanaman kelangan ko pang ireview yun proposal at yung mga gagastusin. Pagkatapos kong basahin, umagree na ako tsaka ko pinirmahan. Tsakto ding pagdating ni Wendy bitbit yung pinapabili ko at inabot ko rin sa kanya yung mga pinirmahan ko na. "Lalabas na ako maya-maya Wends, yung mga meeting na nakaschedule ako na ang bahala dun, pakisend nalang sa akin ng mga oras ha?" "Yes ma'am." Tsaka na niya inayos yung marshmallow at chocolate at binigyan ako ng spoon. Habang nagtatrabaho subo lang ako ng subo ng marhsmallow na dinip dun sa chocolate, ewan nga rin at mahilig na ako dito. Kasalanan to nung marshmallow at GOYA na nakita ko sa supermarket eh. Chos lang ** "Thank you so much Mrs.Arezondo, take care." Sambit ko at nakipagbeso sa kameeting ko. Tsaka rin naman ako lumabas din ng cafe at sumakay ng kotse ko pauwi. Last meeting ko na yun kaya relax-relax muna akembang ngayon. *kriiing* "JD speaking." Magiliw kong sagot sa tawag. "Uwi ka na?" "Yep, why?" "Wala lang, bilisan mong umuwi." "Okay, nasan ka ba?" "Sa bahay nyo. Haha, Wala kasi yung tatlo nagpaalam aalis daw sila. Kaya nandito ako." Napapailing nalan ako. Palagi na umaalis yung tatlong yun ah? "Okay, wait me there." TSaka ko na binaba at mabilis na pinatakbo yung kotse ko hanggang makarating sa bahay. Pagkapasok ko palang amoy na amoy ko kaagad na may nagluluto, ang bangoooo! "Hey! Nandito ka na pala, halika. Nagluto ako." Umupo lang ako sa counter at nilapag sa tabi yung gamit ko. "Smells good. Alam mo playboy, pwede ka na mag-asawa. Haha kaso kawawa asawa mo, playboy ka eh." Sambit ko at tumabi sa kanya at pinanuod lang siya sa pagluluto niya. "Hindi rin, magbabago ako para sa kanya. Mahal ko eh, gagawin ko lahat para sa kanya." Natigilan naman ako at napatingin sa kanya. I just smiled and turn my sight away from him. Swerte naman ng babaeng yun. =_= madapa siya sana. Bumalik nalang ako sa kina-uupuan ko, pero pagkahakbang ko natalisod pa ako sa letseng heels na suot ko. Mabuti nalang at mabilis akong sinalo ni Chlyde at pinatayo ng maayos. "Be careful." Tumango lang ako tsaka umupo sa high stool. "Magbihis ka na muna, ihahain ko lang to ng makakain ka." I smiled atsaka ko na inalis yung heels ko at tumakbo papuntang kwarto ko. Kinikilig ako inaamin ko, pinagluluto niya ako at sinalo niya ako kanina. Impit nalang akong napatili at napapahampas sa unan ko. "Wooh. Okay, umayos ka JD." Sabi ko at malawak parin yung ngiti ko. Nagbihis nalang ako ng pangbahay tsaka siya binalikan na siyang naghahain na kaya umupo na ako. Para kaming mag-asawa, yiieee! Nakakainis! Papaano kaya kung siya ang napangasawa ko? Tapos magkaka-anak kami. Shucks! Dream come true! Pesteng playboy to, pinapabaliw ako. Yung pakikipaglaro ko tuloy nawala na ng tuluyan. I fell inlove with this Playboy! But truth hurts, he doesnt feel the way I feel towards him. But its okay, uso naman one sided love eh. 'He's a playboy JD, oo unti-unti ka ng nagbabago, pero babae ka parin. Pinaglalaruan niya lahat ng babae, baka isa ka lang sa kanila.' 'I agree. Nag-aalala lang naman kami sayo. Lalo na at nakuha na niya ang gusto niya.' 'Hindi naman siguro, diba sabi niya they're both drunk. AT wala manlang silang maalala tungkol dun.' 'Basta! Just be careful , he's still the playboy Chlyde we all knew.' Napasimangot nalang ako ng maalala ang sinabi nilang tatlo sa akin. Nabanggit ko kasi sa kanila yung nangyari noon between sa amin ni Chlyde. That accident that night. I know, playboy siya. Baka rin naman magbago pa diba? I'll make sure he'll fall inlove with me too, hard! "Di ka mabubusog kung tititigan mo lang yan." I snapped back at napatingin sa kanya na natatawa na. "Sorry, may iniisip lang." Sambit ko at nagsimulang kumain. "Work? Dont stress yourself too much JD." Tumango lang ako sa kanya tsaka na kami kumain dalawa. HE's so sweet, naiinlove tuloy ako lalo. Inaasikaso niya talaga ako. Im still the playgirl, kayang-kaya kong kunin ang mga lalaking gusto ko. Kaya kung sino ka mang kina-aadikan ni Chlyde, pasensyahan tayo...aagawin ko siya sayo. MWahaha! Mabilaukan ka sana! *cough cough cough* Enebe ang sabi ko yung babae hindi ako! *cough cough cough* "Are you okay? Dahan-dahan lang kasi sa pagkain, di ka naman mauubusan eh." Hagod hagod niya yung likuran ko kaya feel ko nagsitaasan yung mga balahibo ko at ang lakas nanaman ng tambol ng dibdib ko. "S-salamat." Sabi ko pagkatapos uminom ng tubig, halos makalahati na nga ang baso sa pagkakainom ko eh. Nakakaloka naman kasi, kinikikig akooo~ Di naman tuloy ako makatingin ng diretso sa kanya kaya kumain nalang din ako at tanging tunog nalang ng mga kutsara yung naririnig ko. Awkwaaard! "Nananaba ka na, di ako sanay. Hindi ka na tuloy sexy." Natigilan ako at sinamaan siya ng tingin. "Eh ano ngayon?! Atleast maganda parin at magagawan ko ng paraan ang pagiging mataba ko no! Palibhasa puro sexy lang hinahanap mo." I heard him laugh. "HAHA. Ang cute mo talaga pag nagagalit, isa pa nga. Pst, tumataba ka na." MAs matalim na tingin ang binigay ko sa kanya at nilapitan ko sabay hampas sa braso niya. Uy sabay tsansing rin. HAha "Bwisit ka! Che! Manyak ka naman!" Hiyaw ko. He just laughed kaya hinawakan na niya yung kamay ko sabay hila sa akin kaya halos tumama na yung mukha ko sa mukha niya. =_=. Pag nagkabukol mukha ko ingungudngud ko yung mukha niya sa sahig. "Anong manyak. Eh diba.." sabay ngisi niya sa akin na kinamula naman ng mukha ko atsaka sabay hampas ng malakas sa braso na kinadaing niya. "Kamanyakan mo Mr.Exor! Di ibig sabihin na may nangyari sa atin ipaglalandakan mo na, excuse me. We're bot drunk that night!" Sabay irap ko. Tawa lang siya ng tawa sabay pisil sa pisngi ko. BALiw na ata yan, tawa lang alam na gawin eh. "Pero, di ko pinagsisishan yun." Napalingon ako sa kanya at seryoso lang yung itsura niya na kinakaba ko nanaman. Makatingin ang isang to. "A-ano?" "I like you Jayd." "ANO?" He just smiled at mabilis na lumapit sa akin tsaka niya hinawakan yung likuran ng ulo ko at pinagdikit yung labi namin. Whaaaaaaaaaaa! Heaven ituuuu. Kinikilig akoooooo. He likes mee! ========================================================
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD