Chapter 25
MSCMMRC®2016
========================================================
JD's POV:
We stayed for 2 days in Batangas and now we're on our way to Tagaytay for our 2nd stop. We will also stay there for 2 day at lilipat kami ng Subic.
Nakasandal lang ako kay Chlyde sa loob ng Van habang si Stelle yung nagdadrive. Napapansin ko yung panay tunog ng cellphone niya at palaging nakakaunot yung noo niya tuwing mababasa niya yung text sa kanya. Kinakabahan naman tuloy ako, iba ang kutob ko sa nagtetext sa kanya eh.
"Who's that?" Agad ko ng tanong pagkatapos niyang basahin yung text message.
Umiling lang siya at humarap sa akin na nakangiti. "Stranger."
Tumango lang ako tsaka na napapikit na sumandal sa kanya, maybe iidlip nalang muna ako. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano sa anagtetext sa kanya, sumasama yung loob ko eh.
**
*kriiing*
Unregistered number…
Sino naman kaya to? Nakakainis na to ah? Masagot ko na nga lang.
"Hello? Who are you? Will you please stop bothering me—"
"Danica.."
I stopped at napalunok ng sunod-sunod at biglang uminit yung ulo ko ganun din ang paninikip ng dibdib ko ng marinig ko yung boses niya. PAPAANO NIYA NAKUHA ANG NUMBER KO?!
"SORRY I DONT TALK TO STRANGERS! BYE!" Sabay patay ko ng tawag tsaka binlock yung number niya.
Nasira kaagad ang araw sa pesteng yun. BAKit ba hindi nalang siya namatay eh. Kainis, nababagay siya sa impyerno. Arrgh!bwisit!
"Banas na banas ka dyan? Problema mo?" I glared at Ivy na kina-atras niya.
"A stupid man called." Napatango siya at inakbayan ako.
"Dont mind him, this is our day. Forget that, lets enjooooy!" She happily shouted atsaka ako hinila palapit sa iba na panay na ang picturan ,background yung taal volcano.
"NAkakunot yang noo mo, may problema ka?" Napabuga ako ng hangin tsaka umiling sa kanya. He just nodded at hinawakan yung kamay ko na kinagaan ng loob ko, eto nanaman kilig ko kainis, ang ganda ng moment ko eh.
I just smiled tsaka nalang nakisali sa kanila. Hindi pa matitigil yung picturan kung hindi nagreklamo si Chester na nagugutom siya, kaya pumunta kami ng kaininan at nagsalo-salo.
After naming kumain, we checked in sa isang hotel.
Dumadagundong parin yung dibdib ko ng maalala yung boses niya kanina. Umiinit yung ulo ko at mas masama pa, bumabalik lahat sa akin yung panahon na nakita ko siya mismo na harap-harapan akong niloloko. Asdfghjk! Woooh, kailan ba yun mamamatay?!
*ting ting*
From: Unregistered number
I wont stop until you'll talk to me, Danica. I'll explain everything, i cant force myself to forget you after so many years past. I think my heart still wants you.
Ulol! Chopchopin mo nalang yang puso mo =_=. Di mo ako mabibilog gagu ka. Aaaish! Lahat na ata ng mura nasa isip ko na habang binabasa ko yung text niya. Sinong niloloko niya?! Pakamatay nalang kaya siya?!
♪I wanna make you smile, whenever you're sad.♪
Napa-angat ako ng tingin ng may marinig akong kumakanta, there he is. Nakangiti sa akin, di ko naman tuloy mapigilang mapapangiti rin sa ginawa niya.
OO NA! KINIKILIG TALAGA AKO! Shet, hinarana niya ba ako?
♪Oh, her eyes her eyes make the stars looks like they're not shining
Her hair her hair falls perfect without her trying,
She's so beautiful and im telling it everyday!♪
Nakangisi siya sa akin habang kumakanta. Lengya, mash up ba yun? Haha, grow old with you yung isa tapos dinugtong yung Just the Way you are.
"Yiieee! Kayo na! Kayo na talaga! Paalala lang, walang forever huy!!" Napatawa nalang kami sa talak ni Stelle. He just laughed too tsaka lumapit sa akin at tumabi. Nakakainis namang puso to, pwede wag ka muna magwala, mahahalata ako eh. Haha
"ANO BA CHESTER! PAANO KA NAKAPASOK DITO?!" Napatingin kami sa direksyon nina Lara. Nakatulog kasi yun pagkapasok namin dito sa room, at ang ayaw na ayaw niya ay ang istorbohin siya sa pagtulog niya.
Pero nahuli ng mga mata ko yung pagkislap ng mga mata ni Lara kahit bugnot yung mukha niya. Di talaga nagsisinungaling yung emosyon na makikita mo sa mga mata ng mga tao.
"Dumaan ako sa pinto malamang! " napapailing nalang kami, mag-uumpisa nanaman ang dalawang yan. Naku naman, di na ako magugulat balang araw kung mabibingi mga anak nila sa sigawan nila eh. Haha pero ang sweet nila.
"Kuya! Tama na yan, trip mo nanaman si Ate Lara eh." Napangiti ako kay Lara na matalim yung tingin sa akin.
"Trip ko talaga tong tomboy na'to, gagawin kong babae para maligawan ko. Haha!" And then, Lara's face became tomato red! Hahaha. Ayiieee
"AYYIIIEEEE! PESTE MAKAALIS NA NGA, PINAPALIBUTAN AKO NG LANGGAM!" We bursted out laughing at pinanuod si Stelle na nagmartsa palabas ng room namin. Hinabol naman siya nina Chelsea at Ivy, si Shanon naman parang baliw na nakatutok sa phone niya at panay pindot doon.
"Ma ireto nga yang si Stelle kina David, para naman magkalove life." Napapailing nalang ako sa sinabi niya tsaka ako tumayo at hinila siya palabas ng room at nagsimula na kaming maglakad palabas ng hotel.
All I want is us to be alone, kahit hindi nag-uusap basta alam ko na nasa tabi ko lang siya. Masaya na ako dun.
"Alam mo, may naikwento sa akin yung Tita ko nung bumisita sila dito sa Tagaytay." Aasarin ko nalang muna to, ang tahimik kasi at pasimple the moves eh. Hawak hawak na niya yung kamay ko.
"Ano yun?" Ngumisi ako tsaka ko siya hinarap. Gawa-gawa ko lang to guys ah? Pagtripan natin si Chlyde! Haha
"Isang gabi daw naglalakad sila, ng may biglang dumaan sa harapan nila. Tiningnan ulit nila pero wala naman daw." Naramdaman ko yung paghigpit ng hawak niya sa akin kaya pinigilan ko yung pagtawa ko. "Actually ngayon nga may nararamdaman ako eh, kakaiba."
"Mga anak."
"Kyaaaaaaah!" We both shouted at napayakap kay Chlyde. Kainis naman oh! Sabi ko gawa-gawa lang eh, huhu jokes lang.
"Pasensya na mga anak, nagulat ko ata kayo." Napatingin ulit ako dun sa matanda na bigla nalang sumulpot sa gilid namin. Sa isang tingin aakalain mo talaga na nakakatakot pero hindi, sadyang mahaba lang yung white hair ni Lola. Haha
"S-sorry din po Lola, a-akala po kasi namin.." she just smiled at tumango sa amin. Tinapik ko naman si Chlyde na todo yakap parin sa akin, pustahan nakapikit nanaman to.
"Chlyde! Umayos ka nga! Ano ba!" Suway ko sa kanya tsaka ko siya inihiwalay sa akin. Nakita ko namang parang napahinga siya ng maluwag ng makita si Lola.
"Sorry po Lola." Hinging paumanhin niya. Tumango lang yung matanda at humarap sa akin.
"May nakita ba kayong bata? Naka thomas na shirt at pants, nawawala kasi sa paningin ko. Baka dumaan sa inyo." Napailing lang naman ako at humarap kay Chlyde na umiiling din.
"Nakung bata yun, sige mga anak hahanapin ko lang yung apo ko." I stopped her at hinila si Chlyde.
"Tutulungan po namin kayo Lola." Ngumiti lang siya at nagpasalamat, at tsaka kami nagsimulang maghanap. Nakung bata naman yun =_= bakit ba malilikot mga bata? Ayan tuloy nawawala. Tsk tsk
Halos kalahating oras na kaming naghahanap at humingi narin kami ng tulong sa mga security dito sa hotel. Napa-upo nalang ako sa isang bench dahil nahihilo na ako kakahanap, ng mahagilap ko si Chlyde na may buhat buhat na bata.
Nakagreen thomas shirt siya! Yun ata yung bata! Umiiyak pa.
Kaya mabilis akong lumapit sa kanila tsaka ko kinuha yung bata sa kanya na iyak ng iyak at panay hanap sa Lola niya.
"Shhh.. tahan na, hinahanap ka ni Lola. Wag ka ulit hihiwalay sa kanya ah?" Pag-aalo ko sa kanya. Kinukusot lang niya yung mata niya habang tumatango sa akin. Ang cute niyaaaaaaa!
"Ricky! Apo ko, juskong bata ka. Saan ka ba nagsusuhot ha? Nag-alala kami sayo!" Agad nakalapit sa amin si Lola tsaka ko naman binigay sa kanya yung apo niya na yakap-yakap na siya. Ang cute nila.
"Maraming salamat hija at hijo." Tumango lang kami tsaka hinahagod yung likiran ng bata. Humarap siya sa akin tsaka rin nagthank you sa amin ni Chlyde.
"Be careful next time okay?" Tumango lang siya at hinalikan ako sa pisngi ko na kinangiti ko.
Nagpaalam narin sina Lola sa amin at naiwan na kami ni Chlyde na nakangiti. Ang sarap sa feeling na may tinutulungan ka, at hindi sinasaktan. Hihi.
Tahimik lang kaming dalawa na nakaupo sa isang bench habang nakaharap sa kalangitan at nakipagtitigan sa mga bituin na nagkikislapan sa taas.
Haay! Wala na akong maihihiling pa, sana hindi mapagod si Chlyde. I promise, when the time comes hindi-hindi ko talaga siya papakawalan.
========================================================