Nagising ako around 5 pm kahit antok pa ay bumangon parin ako at tulala pang nakaupo sa kama para naman hindi mabigla ang katawan ko at hindi mahilo pagtayo. Nang unti unti nakong nagigising ay dumiretso na ko sa banyo at nag shower para magising ng tuluyan. Simpleng pastel yellow beach dress lang ang napili kong isuot at nag suot ng brown na sandals, hawak sa kaliwa ang phone at key card naman sa kanan ay lumabas nako at sinarado ang kwarto tsaka nag antay na magbukas ang elevator. Antok parin talaga ako kahit nakapag shower na kaya naman papikit pikit pako nung pumasok sa elevator sabay sandal dito tsaka tumulala
"Which floor miss?" Binuksan ko ang mga mata ko para matingnan ang nag tanong, ang gwapo naman nito kung wala lang akong hangover nagpa cute nako dito eh
"Lobby please thank you" mahina kong sabi sabay pikit ulit damn hangover sayang ang pogi tsk
"Hangover?" Tanong nito matapos ang mahabang katahimikan, tinanguan ko lang habang nakapikit parin "drunk too much huh" dinig sa boses nito ang pag ngisi kaya bahagya akong nag mulat at tinitigan ito na nakasandal sa kabilang side ng elevator pero buong katawan ang naka harap sakin at nakatitig din ito pabalik, halos pumutok ang sentido ko sa biceps nitong mamuscle at sa maugat nitong kamay habang nakahalukipkip, nakataas ang kilay at bahagyang nakangisi damn those strong jaw, I can almost see the treasure behind those disturbing black v-neck shirt, I bet may 6 pack to shoot ang hot naman nitong si kuya mamuscle pero sakto lang hindi ganon kalaki katulad ng sa mga wrestler pero alam mong meron sa hapit na hapit nitong shirt parang regalo na ang sarap buksan. Tapos ang boses nitong mababa at husky parang ang sarap gawing alarm o pwede ring siya na mismo. Kagigil tong si kuya
"Nope, just got from airport" agad ko namang iniwas ang tingin dito dahil parang mahihimatay nako sa intense nitong titig at parang nasusuka ako ng rainbow, feeling ko nga magkaka nosebleed narin ako na rainbow rin eh
"You dont really look like someones having a hangover" dagdag pa nito na sinagot ko habang nakapikit baka maluha narin ako ng rainbow
"Yeah my beauty doesn't fail" apaka yabang mo naman ate dinig ko talaga ang sexy nitong pagtawa
"Your funny"
"I'm pretty too" sagot ko naman dito habang nakapikit parin pero ramdam ko naman ang mga titig nito, huy kuya kalma baka di ka makapag timpi walang tututol satin tsk
"Indeed" that damn voice is making my panty loose
"Dude stop flirting I cant flirt back I'm too sleepy, maybe next time" saktong bumukas ang elevator nasulyapan ko pa ang ngisi nito pero binalewala ko na tsaka dumiretso ng restaurant na sinasabi nila, madami dami ang tao kaya medyo nahirapan akong maghanap buti nalang kumaway si freya kaya agad ko na silang nilapitan, niyakap ko pa si freya at hinalikan sa pisngi ang paborito kong pamangkin at nag fist bump kay Lucas sabay upo.
"Ang tagal mo nag order na kami para sayo for sure gutom ka na mahaba rin ang byahe mo" nakangiting sabi ni freya tumango lang ako dahil antok parin pero naiistorbo ako sa itsura ni chloe na tulala
"Anyare diyan? Parang tanga" natawa naman sila ni Lucas
"Isama mo na yang katabi mo" singit naman ni Lucas kaya tinignan ko rin si faith na muntanga ding nakatunganga kung saan kaya napa kunot noo ako
"Na starstruck yata sa kagwapohan nung mga papables sa kabilang table" humahagikhik pang sabi ni freya na nag pakunot sa noo ni Lucas at ngumuso pa
"mas gwapo naman ako dun" tinaasan lang siya ng kilay ni freya "at isa pa pag aari mo" ngumiti pa ito ng malawak kaya dun na napangiti si freya ang lalandi talaga ng mga to mga walang respeto sa single kaysa manood sa harutan nila ay nilingon ko na lang din ang tinitingnan ng dalawa kong pinsan at woah bumabaha yata ng gwapo ngayon at take note huh hindi lang basta gwapo kundi mga Adonis talaga ang manly ng datingan nila malinamnam sa mata
"Oh mukhang pati ikaw naaakit narin huh" tawang tawa pa si Lucas kaya agad akong lumingon pabalik at sinamaan siya ng tingin
"Epal mo tsk" sabay irap pa "I'm just appreciating the view duh" hindi nako ulit pang tumingin dun dahil bukod sa komento ni Lucas na tawang tawa parin ngayon kahit na binato ko na ng tissue ay nahuli rin ako ng isa sa mga lalakeng yun na nakatitig nakakahiya yun pa naman yung lalake sa elevator kanina kainis! Mukha siguro akong isdang pinakawalan sa tubig eew. Hindi ko na rin naman kase kailangan pang lumingon dahil expert ako sa pag silip sa crush ay inusog ko palapit sakin ang vase at kunwari tinitingnan ang mga bulaklak pero ang totoo ay sinisilip ko sa vase yung mga gwapo made of glass kase ang vase kaya madali ko silang nasisilip ng hindi nahuhuli at hindi nag mumukhang tanga. Napaka talino mo talaga mady or so I thought kase nakita kong nakangisi sakin yung lalake kanina sa elevator, what the hell!
"Kamusta?" Nauna kong naramdaman ang yakap sa bewang ko bago ang tanong kaya medyo napatalon ako kase nga busy ako sa pag silip pero ng malingunan at nakita ang kuya ko ay agad nang napalitan ng malawak na ngiti ang gulat ko
"Kuya!" Sobrang higpit ng yakap ko dito nginisihan naman ako nito at mas lalong niyakap sabay halik pa sa noo ko. Grabe halos isang buwan din ang seminar ko sa Canada kaya matagal tagal kong hindi nakita ang kuya Arc ko
"Sabi na mas mahal ako ni bunso kaysa sayo kuya eh" nag yabang pa nga tsk tinampal tuloy ni kuya khon ang noo niya palayo sakin atsaka umupo sa tabi ko sabay akbay sakin at halik sa ulo ko kaya niyakap ko naman siya sa bewang, ang dalawang kuya ko
"Hows your flight darling?" Malambing na tanong ni kuya khon sa mababang boses
"Its okay I'm just a lil bit tired" ngumuso pako napabuntong hininga naman si kuya samantalang naupo naman si kuya arc sa kaliwa ni kuya nang nakasimangot kaya napalitan ng pacute na ngiti ang nakanguso kong labi "I miss you my kuya's" ngumuso naman si kuya arc na para bang kinikiss nya ako samantalang ginulo naman ni kuya khon ang buhok ko. Sakanilang dalawa mas matanda ng isang taon si kuya khon or Mauie khon kay kuya arc or Marcus arc samantalang apat na taon naman kami ni kuya khon at tatlong taon naman kay kuya arc. Mas seryoso si kuya khon dahil narin siguro siya ang pinaka matanda kaugali niya na nga si papa, napaka studious din nito at sobrang talino kaya nga di nako nagulat na katulad ni papa ay nag cardiologist din ito samantalang si kuya arc naman ay culinary ang kinuha at siya ngayon ang ha-handle ng isa sa mga hotel na pag aari ng mga Zaldivar pero may sarili din siyang restaurant na itinayo doon sa hotel dahil pag luluto talaga ang passion niya gusto niya nga ako ang madalas na tumitikim sa mga bago niyang recipe, diko lang sure kung talagang bang approve nya or dahil kapatid niya ako kaya niya pinapaniwalaan lahat ng sinasabi ko, lahat kase ng pagkain sakin ay masarap.
Samantalang ako ay nag take ng chemical engineering at isa sa mga nag po-produce ng mga gamot sa bawat pharmacy sa pilipinas. Ang mama namin ay chemist at ang papa naman namin ay isang Cardiologist si kuya arc ang naiba dahil mas gusto niya yun at sa pamilya naman namin ay never kaming pinag compare kase sabi nga ni mama lahat kami ay may iba ibang worth at iba ibang strength at na andyan lang sila para gumabay sa daang gusto namin tahakin and I'm so lucky to have them as our parents and ofcourse to have these people as my family.
"Long time no see mm" bati ni kuya art sakin anak siya ni tito Arthuro na anak ng kapatid ni lolo one of my many cousins sa lahat ng pinsan ko si kuya art ang pinaka kaugali ni kuya khon parehong Seryoso at studious madalas pang stoic siguro dahil sa lahat kaming magpipinsan ay si kuya art ang pinaka matanda at only child din ito nina tita Shayna at Tito arthuro, matanda siya ng isang taon kay kuya Khon, si earl na anak ni tita alliah at Tito Fabian na anak naman ng kapatid ni lola adelaina, si eight na anak nina tita ametiah and Tito javier na kapatid ni tita alliah at dalawang taon naman kila kuya arc and joaqui na kapatid ni earl. Maliban sa mga kuya ko at kay kuya Art wala na akong iba pang tinatawag na kuya parang ang awkward kase mag kuya lalo na kay earl e mas isip bata pa yun kila Farris at aeon.
"Hello kuya art, hi Farris! Hi bebe Aeon!" Bati ko sa mga bunso naming mga pinsan na sina Farris at Aeon. Farris is faith and freya's younger brother while aeon is eight's younger sister. Kuya art kiss the top of my head then went to sit beside kuya arc since ayaw umalis ni kuya khon sa tabi ko
"Hi ate mm" bati ni Farris sabay halik sa pisngi ko samantalang patakbo namang lumapit si Aeon sakin saka ako niyakap ng mahigpit, aww ang inosente naming bunso ay dalaga na college narin ito first year at mag e-FA yata well bagay naman sakanya, matangkad siya e it runs in the family's blood huh.
"Ate mm I miss you ang tagal mo pong nawala" ang lambing parin talaga kahit na tatlong taon lang naman ang tanda ko sakanya kaya paborito namin itong lahat eh at talagang iniingatan lalo na syempre ng kuya niyang si eight.
"Yo! miss M long time no see" malayo palang na tawag ni earl ang madalas na kavibes ni kuya arc kase parehas silang maloko, hinalikan ako ni joaqui na nauna kaysa kay earl nginitian niya lang ako at inayos pa ang nagulo kong buhok ang sweet naman kaso syempre guguluhin ulit ito ni earl sabay halik sa ulo ko tumawa pa ito ng sobrang lakas ng makita ang simangot ko sa pag gulo niya ng buhok ko, napaka epal talaga
"Hayaan mo na yan hindi yan nakainom ng maintainance nya" seryosong sabi ni kuya khon habang inaayos ang nagulo kong buhok, mas magulo pa sa pag gulo niya kanina
"Kailangan ko na yatang gumawa ng gamot nang para sakanya lang" nakanguso kong sabi habang nakatingin kay earl na umuupo na sa tabi ni chloe na nakabalik na sa wakas sa earth at ito na ang kinukulit niya ngayon kanina ko parin pala napakawalan si bebe aeon at ngayon ay katabi na ni Farris na katabi si faith at tinatanong kung okay lang ba ang ate niya na ngayon palang yata nakabalik sa ulirat tsk mas malala pa kay chloe ang isang to.
Maya maya ay nag si datingan na ang mga matatanda kasama sila mama, papunta sila sa katabing mesa dahil sa dami naming mag pipinsan ay hindi mag kakasya kung pati ang mga parents namin ay kasabay namin, nang maka upo sila ay agad nila akong tinawag dahil nga sa halos isang buwan kong pagkawala, okay lang sana eh ang kaso malapit sila doon sa mesa ng mga Adonis kinikilig ako baka bumaha ng rainbow bigla.