Nagulat ako nang tinawag ni Jane si Felix na palakad papunta sa amin . Magkaibigan pala silang dalawa. Hindi din kasi kami nagkausap nang maayos bago siya umalis. Mas lalo naman atang naging awkward to. What a small world. "Guys ,this is Felix. My friend." Pakilala naman ni Jane. Kinamayan naman nang mga boys except kay Jared. Napatingin naman siya sakin at nagsmile. "Iza! Nandito ka pala. I texted you pero hindi ka nagrereply." Umupo naman siya sa tabi ni Jane. Tumingin naman ako kay Jared na tahimik parin habang pinapaikot ang laman nang baso niya. "I'm sorry. Lowbat kasi yung cellphone ko." Explain ko naman sa kanya. "Magkakilala na pala kayo. That's nice." Di ko ata gusto yung mga ngiti ni Jane ngayon. "Kaibigan siya ni Lorraine. Nag meet kami noong birthday niya. She was nice.

