Maaga akong nagising at nag jogging ako sa labas nang resort. Masyado na kasi akong stress sa mga nangyayari sa paligid ko kaya panahon na siguro para isipin yung sarili ko. Nagsuot lang ako nang sando, leggings at rubbershoes. Naglagay din ako nang headset habang tumatakbo. Medyo nakalayo na din ako sa hotel. Napatigil naman ako nang nahagip ko ang isang lalaki na nakaupo sa isang bench. Nakatalikod siya sakin at kilala ko kung sino iyon. Alam ko na kasi ang hugis nang likod niya. Naglakad ako palapit sa kanya. Dahan dahan akong gumalaw para hindi niya ako mapansin. Pumunta ako sa harapan niya at nakita kong nakapikit siya. He opened his eyes and blink again. "Have you seen fifty pesos here?" Kahit ako mismo ay nagulat sa tinanong ko. Ayaw kong matameme sa harapan niya. Tumingin ako sa

