Maaga palang ay kinulit na ako ni Megan at Shane tungkol kay Jared. Mukhang alam ata nila na magkasama kamj kagabi. Hinayaan ko lang sila at patuloy parin ako sa pag ayos nang papeles para sa bagong project namin. Sayang nga lang at hindi si Shane yung Architect. Mas mapapadali lang sana yung trabaho. "Anong pinag-usapan niyo ni Jared?" Patuloy parin na pagtanong nang dalawa. Tiningnan ko lang sila. "Ano ba naman itong si Iza. Parang hindi kaibigan eh noh. Sinasabihan ka naman namin kapag may nabingwit kami. " Reklamo ni Megan. "We're talking about business. Ano ba sa tingin mo?" "Alam ko na yan. Huwag ka nang magpakipot. Sampung taon na tayong magkaibigan. Magloloko ka pa ba. " Bagang sabi ni Shane. Binuksan ko ang desktop ko at tiningnan ko kung may nag-email ba. Binaling ko naman

