Isang linggo na ang nakalipas since ang birthday ni Lorraine. Ganoon padin ang arrangement samin ni Jared. Nagkakasundo na kami sa mga bagay bagay maliban nalang sa issue kay Jane at Brett. Walang nagbabalak na magbanggit nang pangalan kahit sino man saming dalawa tuwing magkasama kami. And about sa issue ni Jared and Jane? Well it's not even true. Matagal na pala ang picture na yon at ang time na nakita ko sila sa Italian Restaurant. Nagkaroon pala sila nang appointment. Nalipat nadin siya nang office a few days ago at hindi narin ako ang assistant niya. Hindi na kasi bagay sa career ko at naging busy na din ako sa mga project namin. "Naipasa mo na ba ang blue print sa research engineer?" Tanong sakin ni Angelica, isa sa mga katrabaho ko. "Oo, kahapon pa." Sagot ko naman sa kanya.

