We are on our way to the bar. Sabi ni Lorraine ay hindi namin masosolo ngayon kasi may nauna daw na nagpareserve kaya wala na kaming magagawa. I just wear a black baby doll dress and heels. Medyo exposed yung skin ko ngayong araw. Wala naman sigurong magagalit diba. Hinayaan ko lang na mabuhaghag ang mahaba kong buhok. Binagalan ko ang pag drive nang kotse dahil huminto si Faith sa gasoline station. Walang mga bituin ngayon kaya mukhang uulan mamaya. Tiningnan ko ang side mirror at nakasunod na sa likod si Faith. Nahagip naman nang mata ko ang isang lalaking papasok sa isang Italian Restaurant. Nakawhite long sleeves siya na hanggang elbow niya. May kasama siyang babae, its Jane de Guzman. Magkasama na naman pala sila. Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa daan at baka madisgrasya pa ako

