"Pag sa inuman, inuman lang wag mong gawing hapunan ang pulutan." Reklamon ni Patrick kay Faith. Nandito kami ngayon sa Bambusa. Isa siyang bar which is made of bamboo. Naging succesful kasi yung project namin ni Shane. Kaya napagdesisyonan namin na mag chill muna kahit papaano. Niyaya namin si Felix at Patrick. Busy din kasi si Jared kaya hindi siya sumama. Ang problema ko lang ngayon ay hindi niya alam na kasama ko si Felix baka kasi mag alburuto na naman ang isang iyon. "Ano naman sayo ngayon? Marami ka namang pera, ikaw nalang ang bumili. " Kanina pa sila nagsasagutan sa harapan namin. Kami naman ay walang pakiealam. "Bakit hindi nalang kayong dalaw-" Hindi na natapos ni Megan ang sasabihin niya nang bigla silang tumayo dalawa. "NEVER!" "NEVER!" Sabay pa silang sumigaw. Napahalakha

