Malungkot na nakatanaw mula sa malayo si Elianna sa isang lamayan na gustuhin man nyang puntahan at di maari.
Patawarin nyo ako dahil kinakailangan ko tong gawin, ayaw ko kayong saktan at iwan pero para sa kaligtasan nyo to. Ani ni Elianna habang nagtatangis.
Ginawa mo lang ang tama kambal, mas lalo lang silang mapapahamak kung sila ang unang nakakita sayo at hindi ako. Ani ni Elijah habang yakap yakap nya ang kakambal na si Elianna.
Umalis na tayo. Utos niya kay Neil isa sa kanilang Gamma.
Masusunod Beta, Eli
Pinaharurot na ni Neil ang sasakyan nila pabalik sa kanilang hideout. Habang walang magawa si Elianna kundi ang tanawin ang sarili nyang burol habang pinaglalamayan ng mga taong tinuring nyang pamilya, kamaganakan at mga kaibigan.
Habang binabaybay nila ang daan pabalik ng sa hideout nila sa my gawing Silang Cavite sunod sunod na nagring ang telepono ni Eli.
Alpha, pabalik na kmi ni kambal dyan wag kang magalala ok lang kami.
Akala ko kung ano ng nangyari sa inyo kanina ko pa tinatawagan ang luna pero nakapatay ang cellphone nya. Ani ng nasa kabilang linya. Sabay unggol ng malakas.
Nilayo ni Elijah ang kanyang cellphone dahil halos mabingi si Elijah sa ginawa ng kanilang alpha.
Wag kang masyadong mahigpit kay kambal alam mong kakabalik lang ng mga ala ala nya inaabsorb nya pa unti-unti ang mga nangyayari.
I know what I'm doing Eli, just get your f*****g ass here and make sure that luna is safe.
Ey,ey Captain sabay salute pa na sagot ni Eli,
Tsss, tanging sagot ng nasa kabilang linya at binababa na nga ang telepono.
Nakatulog pala ako, Sya ba yun? Tanong ng naalimpungatang si Elianna Nakatulog pala ako habang umiiyak kanina.
Oo kambal, hayaan mo syang mamiss ka sagot ni Elijah at inihilig lang ulit ang ulo ni Elianna sa balikat nya. Matulog ka lang kambal gigising kita pagbalik natin sa kampo.
Elianna's POV
Isang buwan palang nakakalipas mula ng dumating ako sa poder nila, di ko akalain na ang buhay na kinalakihan ko ay peke lang pala. Ang mga taong nakilala ko ay parte lang pala ng pagbabalatkayo. Ngyong unti unti ng nagbabalik ang lahat ay wala akong choice kundi umalis sa kinagisnan kong buhay upang makasama ang totoo kong pamilya. Ang pamilyang ni sa hinagap ay di ko naisip na kabilang ako na akala ko ay mga kathang isip lang. Ang pinakamalala pa dun ay di lang ako napunta sa isang simpleng pamilya kundi sa pamilya pa ng mga may mataas ang katungkulan at higit sa lahat.... ako ang luna nila. Oh diba gano kabonga un?