Kabanata 1 - Disgusting

3658 Words
Happy Anniversary, babe. I love you. Pinindot ko ang send button saka bumangon para maghanda. Maganda ang gising ko kahit na may kadramahan kagabi. Siguro iyon nga ang kailangan ko para gumaan naman ang naramdaman. Naligo at nagbihis para sa trabaho, dismaya agad ang bumungad sa akin nang wala pa ring natanggap na reply. Tulog pa siguro. “Good morning, Lola.” Papalapit kong ani sa kaniya na nakaupo na ngayon habang nagbabasa ng diyaryo. “Ayos ka lang ba, Candy?” Ngumisi ako. Kumuha ako ng plato bago naupo sa mesa para kumain na. “Bakit naman po hindi? Ang saya ko nga ngayon eh.” Mas pinasigla ko pa ang boses. Nanliit ang mga matang tumingin si Lola sa akin bago binalik sa binabasa. “Anibersaryo niyo ngayon?” Nilingon ko lang saglit si Lola bago tinuon ang pansin sa paglalagay ng tubig sa baso. “Opo. First anniversary.” “Binati ka?” Hindi. “Oo naman po. Bumungad nga sa akin ang text niya eh,” pagsisinungaling ko. “Hindi ko na yata nakikita ‘yon na bumibisita rito mula no’ng sinagot mo.” “Busy sa trabaho, La. Alam mo naman…” Kailangan ko siyang pagtakpan. Hindi makakabuti kay Lola na malaman ang tunay na nagbago sa relasyon namin. Sobrang boto niya kay Sandro. “Dito po pala matutulog mamayang gabi si Sansa. Nag-text siya sa akin na baka gabihin kami masyado dahil sa dami ng costumer.” Kaagad lumiwanag ang mukha niya. Aside from me, mahal na mahal niya rin si Sansa. Kulang na lang ay legal na ampunin niya ito. Nakakatuwa nga kapag nagsama sila dahil may pagkapareho ang ugali. “Mabuti naman at nang hindi ako mag-aalala sa kung sino kasama mo pauwi.” “Hindi po kami magsasama, La. Baka mauna pa siya sa akin. O baka kina Mama Susan muna ako mamaya.” “Basta mag-iingat ka palagi, Candy. Huwag masyado abusuhin ang katawan.” NAGMAMADALI akong pumunta sa bar nang nag-text si Mama Susan tungkol sa practice namin. Sobrang galak pa nga si Mama no’ng sinabi kong sasama ako. Mabuti na lang at hindi nagtanong tungkol sa anibersaryo namin. Alam ng mga malapit sa puso ko kung sino si Sandro. Alam nila kasi sa kanila ako lumalapit kapag nag-aaway kami o kapag may hindi pagkaka-intindihan. “May tatlong box tayong ipapasok sa kwartong ‘yon. Dalawa ay para sa mga kasama at iyong isa ay para sa ikakasal. Ano, Candy? Okay lang ba?” Nagkibit ako ng balikat. Gusto kong kahit saan. Ayoko namang ako na lang palagi. Alam kong gusto rin ng iba. Sa mga mata pa lang na nangungusap, alam ko na. Nahihiya lang sila magsabi dahil nga sa ako ang pinakamatagal at tinuring na mas maimpluwensiya. “Ayos na sa akin kahit back-up nga eh. Hindi naman talaga ako naka-linya rito. Pinasama lang ako ni Mama.” Tumango ang bakla. “O sige kung ‘yan ang gusto mo. Connie ikaw na sa ikakasal. Ayusin mo ha? Ayaw ni Madam na may problema.” Tumango si Connie saka humagikhik. Kilala ko siya bilang isa sa mga maganda ang performance. Malinis din ang record. “Si Candy tsaka si Fiona ang back-up ni Connie. Ang mga lalaki na walang duty para sa pagsasayaw, kayo muna ang bahala sa mga boxes. Naniniwala si Madam sa grupo ninyo. Ayusin niyo ‘yan! Sige na at mag-practice na kayo sa sayaw ninyo.” Buong umaga kaming nag-usap para sa plano. Hindi kami nagkita pa ni Sansa dahil mamayang gabi pa naman siya. Nag-aaral pa ‘yon for sure. Si Mama Susan ay wala rin sa opisina niya. Siguro sobrang busy niya kaya hindi na ako nagtanong pa. Oras-oras ang pagtingin ko sa cellphone. Nagba-baka sakaling may text. Pero wala. Hanggang sa nagtanghalian ay wala. Gusto kong tawagan si Sandro para mas mabati ng maayos. Pero hindi ko na nagawa dahil pinatawag na kami para sa pag-aayos ng mukha. Kaya tuloy kahit nag-mi-make up ay panay pa rin ang sulyap ko sa cellphone. Hindi ko nga yata ito nalagay sa bag sa araw na ito. “Ang ganda mo talaga, Candy,” puna ni Sansa. Bumisita siya rito ngayon sa room katabi ng pina-reserve ng guest para madali kaming makapasok lalo at ipapasok kami sa malaking box. Animo‘y kami ang mga regalo — iyon ang concept mamaya. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. “Talaga? Akala ko talaga hindi bagay eh. Awkward ko tingnan.” Nalukot ang mukha ng kaibigan sa sinabi. Hawak ang balikat ay pinaharap niya ako sa kaniya. “Tingnan mo ako. Tingnan mo ang mata ko.” Ginawa ko ang sinabi niya. “Ang ganda mo kahit ano pa ang suotin o ilagay mo sa mukha mo. Hiling ko pa nga na may curves din ako gaya mo eh.” Ngumuso ako dahil curves? Oo meron ako. Pero… “Liit naman ng dibdib.” Ngumuso ako sabay tingin sa hinaharap. Kahit na yata maglagay ng foam ay maliit pa rin tingnan. Isa ito sa insecurities ko. Pabiro niya akong hinampas. “Ano ka ba! Uso na ‘yan. Ikaw nga yata nagpa-uso eh. Tsaka bakit ba ang down mo ngayon sa sarili mo? Confident ka naman dati pa ah?” Nanliliit na matang tinitigan ako ni Sansa. “Wala!” Mabilis kong iniwas ang tingin sa kaniya. “Ba’t parang alam ko na. Teka nga…” Talagang hinawi pa niya ang nag-aayos ng buhok ko para mas matingnan ako ng maayos. Dahil sa high-end bar naman ito, may mga make-up artists na kinuha si Mama Susan. Hindi marami pero ayos na para hindi kami mahirapan ayusin ang sarili. Dalawang make-up artists lang tapos tatlong hair stylist. “Hmm. Ang tamlay ng mata mong kayumanggi. Kahit anong pagtatago mo diyan, mapapansin ko pa rin.” Hinawakan niya ang baba ko saka mas nilapit ang mukha sa akin. Piniling ko ang ulo para makawala sa hawak niya saka naglakad para maupo. Sumunod naman siya tsaka ang stylist ng buhok. “Ah, Diona mamaya mo na ituloy ang buhok niya. Si Fiona muna ayusan mo. Naiinis na sa tagal ang kapatid mong ‘yon.” Nang umalis ang stylist ay ambang aalis na rin ako pero mabilis pa sa asong nahawakan ng kaibigan. “Op! Hindi ka makakaalis kapag hindi ka nagsasabi,” aniya kasabay ng panlilisik ng mata. Umismid na lang ako saka nagpasyang sabihan siya. “Hindi siya nag-text.” “Sus! Ang gagong Sandro pala ang dahilan. Akala ko sa bahay niyo. Oh ano ngayon kung hindi mag-text? Buti nga at hindi ka dinidisturbo no’n eh.” “Anniversary nga namin, Sansa.” Doon pa siya natauhan. Kaya ang nangyari, mas nagalit pa siya. Napatingin tuloy sa amin ang ibang nag-aayos. Nginitian ko na lang ang mga ito saka pinigilan ang kaibigang pinaglihi yata sa lion. “Huminahon ka nga. Nakakahiya, Sansa.” “Aba! Ang dapat mahiya dito Candy ay ang jowa mong bulok!” Hinayaan ko na lang siyang ilabas ang galit niya. Ako dapat ang inaalo niya ngayon eh. Ang mga tao tuloy na kasabay namin ay mabilis na lang na lumabas para maghanda. Naingayan sa bunganga ni Sansa. Pinatawag na kami kaya ayon mas nakagalit pa nga si Sansa kasi hindi natapos pag-uusap namin — or rant niya. Kailangan na rin niyang bumaba para mag-serve. “Mamaya sa bahay niyo. Hindi ako matutulog kapag hindi tayo matatapos sa usapang iyon, Candelaria!” Ngumuwi ako sa tinawag niya sa akin. Buong pangalan pa talaga! Inayos ko ang buhok na naka-bow style. Nag-retouch din ako sa lipstick. Naglagay ng oil lotion sa binti bago naglagay ng perfume sa buong katawan. Kasama rin kasi sa lumabas kanina si Diona na sana ay mag-aayos sa akin. Pahamak talaga ‘tong si Sansa basta chika. Alas 10 pa lang ng gabi. Maaga pa kung tutuosin. Pero dahil ito ang napiling oras ng guest ay wala kaming magawa. Uminom ako ng isang baso ng alak bago pumasok sa loob ng malaking box. Nilagay ko sa box ang maliit kong bag na may cellphone. Baka sakaling mag-text o tumawag si Sandro. Hindi mainit ang box dahil malaki naman ito. Madilim nga lang kaya hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Basta mga hiyawan at musika lang ang naririnig ko. Siguro lumabas na si Connie. Ayon kasi sa napag-usapan, siya ang unang lalabas. Sa kaniya ang spotlight tsaka sa ikakasal. Kami ay parang bonus lang para hindi ma-bore ang kasama nito. Nang tumigil ang tugtog ay siya ring pagbukas ng aming mga box. Humugot ako ng malalim na hininga bago tumayo at pinakawalan ang matamis subalit nakakaakit na ngiti. Nakasirado ang mata ko sa pagtayo dahil iyon ang gusto ko. Sasayaw muna kami sa loob ng box bago dahan-dahang lalabas at lalapitan ang kasama ng ikakasal. Kagat ang labing hinaplos ko ang aking tiyan pababa sa balakang. Mainit ang loob pero hindi naman sobra. Malakas din ang tugtog at ang hiyawan. Nang buksan ko ang mata ay una kong nakita ang lalaking mataman akong tinititigan. Kahit hindi masyadong maliwanag, kitang-kita ko pa rin ang kakaiba niyang mata. Foreigner ba ‘yon? Ngayon pa lang ako nakakakita ng ganoon kagandang kulay. Amethyst yata iyon kung hindi ako nagkakamali. Nilabanan ko ang titig niya. Unti-unti akong bumaba sa box na hindi pinuputol ang titigan namin. Tila wala akong ibang nakita kung hindi ang lalaki. Blur na sa paningin ko ang iba — lahat ng atensiyon nasa kaniya na. You’ll be my target for tonight, sweety. He is so out of the place. With his jaw so tight, lips that is so red at ang buhok na sobrang linis. Maglalakad na sana ako papunta sa lalaki ngunit napahinto rin dahil muntik na matapilok sa pisteng box! Nakakahiya jusko! Nang ibalik ko ang tingin sa kaniya ay napansin ko ang pagkurba ng kaniyang labi. Saya ka na niyan? Kung hindi ko nagkakamali isa nga yata siya sa kasama ng ikakasal dahil sa tabi niya ay nasulyapan kong sumasayaw si Connie. Inayos ko ang sarili bago tinapunan ng tingin ng buong paligid. The room is spacious with its own dj and dance floor. The only light there is the red one kaya para kaming nasa isang apoy. Nagawi ang tingin ko sa katabi ni Connie na si Fiona. Natigil ako sa paghinga nang makilala kung sino ang sinasayawan nito. Todo sayaw ang kasamang si Fiona sa lalaking malamig ang tingin sa akin. Bahagyang umigting ang panga nito bago ako tiningnan mula ulo hanggang paa at pabalik ulit. Hindi nakaligtas sa akin ang nakaka-insulto nitong ngisi. Sandro. Oh no. Kung hindi sumigaw si Fiona sa biglaang pag-alis ni Sandro ay baka hindi na rin ako gumalaw. Mabilis kong sinundan ang kasintahan. Hindi na tiningnan pang muli ang lalaking nakaagaw ng atensyon ko. Kailangan kong mag-paliwanag. "Sandro!" malakas kong tawag. Hindi ako nito nilingon. Mas nilakasan ko pa ang boses dahil sa ingay ng bar pero hindi pa rin siya lumilingon sa akin. Ipinagsalamat ko na lang na kilala ako ng halos lahat dito kaya hindi nila ako dinidisturbo. Nakasalubong ni Sandro si Sansa na tulad ko ay napatigil sa paggalaw. “Jowa mo?” Hindi ko na sinagot si Sansa at mabilis na naglakad para makahabol kay Sandro. “Sandro! Sandali lang,” ani ko nang sa wakas ay mahawakan ang kamay niya bago makapasok sa kotse. “What? Ano’ng kailangan mo, Miss?” aniya sa isang malamig na boses. Tumaas baba ang aking dibdib para makahinga nang mas maayos dulot sa bilis na pagtakbo kanina. Miss? Nasaan na ang ‘babe’? Kailan niya sinanay ang sarili niya na hindi tumawag sa akin ng ganoon? Malakas ang t***k ng puso ko at hindi mapakali sa tinatayuan. Kitang-kita ang kaba sa mukha ko kaya mas nagsalubong ang kilay ni Sandro. “P-pakinggan mo muna ako p-please? M-magpapaliwanag ako, babe.” Winaksi niya ang hawak ko. “Ano’ng pagpapaliwanag pa ‘yan? Ngayon pa na nalaman ko? Bakit hindi ka nagpaliwanag niyan noong nanliligaw pa ako? Putangina, Candy! Niloko mo ‘ko!” Pumikit ako sa sobrang lakas at sakit ng mga nilalabas ng bibig niya. Hindi pa ako nasigawan nang ganito. Siya lang. Siya lang naman talaga. Palagi. “H-hindi... Sandro, hindi iyan totoo. Please pakinggan mo ako?” “Ano’ng hindi? Ang sabi mo nagta-trabaho ka, Candy! Ano ‘to? Ito ba ‘yon? Trabaho ba ang ginagawa mo? O baka binebenta mo na ang sarili mo. Akala ko disente kang babae. Pinagmalaki pa kita, hindi rin pala kaaya-aya ang mga ginagawa mo. You failed me, Candy.” “Sandro! Huwag kang magsalita nang ganyan! Marangal ang trabaho ko. Huwag mong maliitin ang mga taong naghahanap ng paraan para mabuhay.” “Bakit? Ano‘ng gagawin mo kung magsalita ako nang ganito ha? Candy, sa loob ng halos siyam na buwan—” “Isang taon,” pagtatama ko sa sinabi niya. Natigilan siya roon kaya nagpatuloy ako. “Isang taon, Sandro. Sa pagsasama natin ng isang taon, hanggang ngayon hindi mo pa rin ako nagawang batiin.” Ngumiwi siya saka ako tiningnan ng nakakadiri. “You're disgusting! You rant about me not greeting you. Para maiwala ang topic natin sa pagiging bayaran mo hindi ba? Ang galing mong magpa-ikot, Candy. Baka nga pati ako ginamit mo lang para yumaman ka sa pananaw nila. Na sa tuwing hinahatid kita sa labas ng barrio ninyo, naka-mamahaling sasakyan ka. Pinagbuksan pa!” “Hindi kita pinilit, Sandro!” Ang takot na naramdaman kanina ay mas lalong napalitan ng galit. Hindi ko lubos akalain na hahantong kami sa ganito. “Hindi nga pero kailangan kasi kasintahan kita! Mabuti nga at nangyari ‘to. Baka hanggang kamatayan pa itong panloloko mo.” “Sandro hindi ako nagpapa-gamit! Dancer ako. Hindi masama maging dancer. Pasensya na kung hindi ko sinasabi sa‘yo kasi ayaw kong makita kang ganito — galit at nangiinsulto. Pero nangyari pa rin. Sandro, please patawarin mo ako. Hindi ko ginusto ang magsinungaling. I am just waiting for the right time.” Humalakhak si Sandro. Ang mga taong nasa labas ay napatingin sa amin dahil sa lakas nito. “Right time? Kung hindi pala ako sumama rito ay baka hindi ko malalaman ang mga pinaggagawa mo.” Umiling siya. Nakayuko ako habang pinapakiramdaman siya. He heaved a sigh. “Ngayong wala na tayo, mambabae na ako kahit ilan pa. Dahil sa pagsasama natin, kahit kailan hindi mo pinaramdam na mahal mo ako. Kahit kailan hindi ka pumayag na magtalik tayo. Mabuti na lang din at hindi iyon nangyari. Sa iba ko na gagawin ‘yon baka rin may dalang virus ka pa. Nakakadiri naman,” aniya bago ako iniwan mag-isa sa labas. Nanghihina sa mga nangyayari. Lumandas ang mga luhang hindi ko na napigilan sa pisngi ko. Malakas rin ang hikbi habang umiiyak nang umiiyak. Hindi ko na pinansin ang matang nakatingin sa akin. Sa loob ng isang taon, palaging ako ang nagbibigay. Kahit ano pwera sa pagkabirhen ko. Hindi malinis ang trabahong ito pero hindi naman yata tamang pandirian. Tsaka hiwalay? Ang bilis niya naman yatang iwan na lang ako sa ere. Wala man lang konsidirasyon. Hindi man lang pinakinggan ang paliwanag ko. Ilang oras yata akong nakatayo lang sa labas. Alintana sa lamig ng hangin at nipis ng aking damit. Tumingin ako sa langit saka pumikit. Papa, sana magabayan mo po ako. Kahit nandiyan ka na sa itaas, nawa’y maiparamdam mo pa rin sa akin na hindi ako mag-isa. Pinalis ko ang luha saka umayos ng tayo. Ano ba ‘to. Anniversary tears? Heto na yata ang surprise niya. Naglakad ako pabalik sa bar na tulala. Ayokong bumalik agad sa kwartong iyon. Baka mag-breakdown ako. I need to calm down first. Baka rin lasing lang si Sandro kaya siya nakapagsalita ng ganoon sa akin. Umupo na lang ako sa counter. Tahimik rin naman si Bornok na ipinagsalamat ko. Walang tigil akong uminom nang uminom. Hanggang sa nagbago ang tugtog ng musika. Paboritong kanta ko ang pumalit. Careless whisper. Those music that helps me calm down. I silently left the counter. Dahil sa sanay na sa pag-inom ay hindi ako nahirapang makapunta sa dance floor. This is my life and whoever see the beauty in it will always be in my heart — someone who accept me wholeheartedly without questions and insults. Kailan ba darating ang araw na iyon? Gusto kong maranasan sumaya bilang ako. Walang halong papapanggap. Bakit ang hirap naman yatang abutin? Sa gitna ng mga taong wala na sa huwesyo ay pinakain ko ang sarili sa tugtog. Sumayaw ako nang sumayaw. Hindi ko na halos kilala ang sarili ko. Hinayaan ko silang hawakan ang baywang ko. Libreng hawak na 'yan. Pasalamat kayo at hinang-hina na ako para sawayin kayo. “Your time is up, honey.” Iniwan ko ang hindi kilalang kasayawan sa gitna. Nagpasya akong pumunta muna sa banyo para ayusin ang sarili ko. Everyone are busy kaya hindi ko pa muling nakita si Sansa maging si Mama Susan. Matapos magbanyo ay nagpunta na ako agad pabalik sa kwarto ng mga VIPs. After all, trabaho ito. I need to be professional. Sa mundong ginagalawan ko, walang puwang ang mahihina’ng puso. Nang buksan ko ang pinto ay nanlamig ako sa naabutan. Hindi naman malakas ang aircon pero nilalamig ako. Dumami ang mga babae sa loob. Tatlo ang kasayawan ni Sandro sa may maliit na stage. Ang lalaking ikakasal naman ay natatawang tiningnan na lang si Connie na nag-labas pasok ang bibig sa isang bottle na nasa mesa. Parang sinuntok ang puso ko sa nakitang eksina. Ang saya naman nila. Nakita ako ni Sandro na nakatulala lang sa mga nakikitang pangyayari kaya ang gago mas inilapit ang katawan ng babae sa kaniya habang may sumasayaw rin sa likod niya at may kahalikang iba. Nanghahamon ang tingin niya. Hindi nga lang nagtagal dahil naputol ang aming titigan nang may humarang sa aking paningin. Tinaas ko ang aking mata para tingnan ang nangahas na sirain ang staring contest namin. Ang ganda ng mata. Siya ang humarang sa akin. Ang lalaking kulay amethyst ang mata. “Ayaw mo ba akong pasayahin?” anito sa mababang boses. Boset! Ang landi naman ng boses. Ang inosente nitong mukha na parang bata ay mas nakakadala ng impact ang buong presensya niya. Paano niya nagagawa ang baritonong boses sa inosenteng mukha na ‘yan? Piniling ko ang ulo saka sinilip si Sandro. Mataman pa rin siyang nakatingin sa akin kahit na may kahalikan. “I'm sorry, Sir. I will ask for another dancer for you. My time is done.” Sa halip ay sagot ko rito na ang mata ay nasa likuran niya. Ngtiim-bagang ako kay Sandro. Tingnn mo nga naman. Ito na ang ganti niya sa akin? Akmang maglalakad na ako pero isang mariing hawak sa braso ang nagpatigil sa akin. Nilingon ko ang lalaking ngayon ay malamig na nakatingin sa akin. “Let’s dance.” Tired of explaining myself, I decided to play this game. Wala akong nagawa nang dinala na niya ako sa gitna. Tumingin pa sa akin ang mga babae ni Sandro. Wala na si Fiona rito. Siguro ay pinasayaw na sa baba. Sa kaniya rin kasi ang naka-schedule ngayon. Lumakas ang tunog ng musika kasabay ng tinambol ng aking puso. Tiningnan ko ng mabuti ang lalaki. He’s wearing a simple gray shirt na hapit sa kaniyang braso at maong pants na kung saan nakita ko ang umbok sa gitna. Mabilis kong iniwas ang tingin doon dahil ayokong isipin niya na uhaw ako sa gano’n. Tama na ang mga insultong nakuha ko ngayong gabi. Ang kamay nitong nasa aking braso ay unti-unting bumaba para hawakan ang aking likuran. With thin clothes, I felt the heat from his rough hands. Nagtaasan ang balahibo ko dahil kahit kay Sandro ay hindi ko naramdaman ito. Humugot muna ako ng malalim na hinga bago inayos ang tayo. Iisipin ko na lang na pagkatapos nito, makakauwi na ako. “Sayaw lang? Ayaw mo ng more than dance?” I licked my lips in front of him. Ang kamay ko na kanina pa nasa gilid ay nakaangat na ngayon sa leeg niya. I saw him gulped as his eyes never left my lips. Got ‘ya! Pare-pareho lang talaga ang mga lalaki ng kahinaan — ang mapulang labi na gustong halikan. Akala ko nga lang matatakot ito pero gano’n na lamang nanlaki ang mata nang mabilis akong hinapit palapit sa kaniya. Nasubsob ako sa matigas nitong dibdib! “Oh,” imbes na gulat ay inungol ko ang pagkasabi nito. He smirked before moving. “Let’s feel the rhythm and wait where will it take us.” Walang sinayang na oras ay sabay kaming nagsiyawan ng musika. No Sandro in my mind. Naubos na lahat ng space sa kakaisip ng lalaking ito. He is wealthy and can be a sugar daddy. Iyon ng iniisip ko sa tuwing hahawakan nito ang aking puwetan bago pisil-pisilin. Ang mabango at panlalaking amoy nito ay bentang-benta sa akin. Halatang hindi nakaranas ng hirap sa buhay. Walang inhibisyong umungol ako nang naglandas ang mainit niyang labi sa aking leeg pati na sa likod ng tenga ko. “Shh. They're looking at us,” bulong nito. Humagikhik pa ako dahil sa kiliti bago siya nasagot. “Mainggit sila!” Mahinang tumawa ang lalaki. Pota! Sarap pakinggan. “Hawak mo ang pinakamagandang babae sa loob ng kwartong ito.” Ngpatuloy kaming dalawa sa pagsasayaw na hindi pinapansin ang paligid. Kung ano-ano na lang din ang ginagawa kong stunt sa kaniya. Nag-twerk ng kaunti, pinisil pa ang matambok na pwet, dinadama ang leeg gamit ang dila at kung ano pang naiisip. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Ilang galaw lang ay maghahalikan na kami. Bumaba ang tingin ko sa labi nitong sobrang lambot tingnan. Natatakam kong tikman iyon. Dala siguro ng alak ay kusang bumuka ang labi ko saka unti-unting inilapit sa labi niya. Pero umiwas ang loko! “Sa baba tayo,” sa halip ay saad nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD