Episode 11

1636 Words
Ashley Matapos naming kumain, napag pasyahan namin ni Luke na manatili muna sa gilid ng dalampasigan. Dahil pagkadating namin kanina ay agad na din kaming kumain. "Sana nabuhay ang baby natin." Napatingin sakin si Luke ng banggitin ko ang mga katagang iyon. Bumalatay sa mukha ko ang lungkot na nararamdaman. Dahil kung di din ako naging pabaya, sana buhay pa ang anak ko, ang magiging anak namin. "Babe, I'm sure wherever he is, his happy now. Because were both happy. At hindi niya gugustuhin na malungkot tayo. Besides we can make another one. But not now. Gusto pa kitang solohin " Isang matamis na ngiti lamang ang sagot ko sa kaniya at muling ibinalik ang tingin sa kalangitan. Tama nga naman si Luke, siguro ang anak din namin ang dahilan kung bakit naging maayos kami ni Luke. "Let's go inside. Malamig na." Yaya sa akin ni Luke. Agad kung kinuha ang kamay nitong nakaalok upang matulungan ako sa aking pagtayo. ***** "What the hell are you doing here?!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa lakas ng boses na nagmumula sa labas, at napagtanto ko na si Luke iyon. Teka? sino ba sinisigawan niya ng ganito kaaga? Mabilis akong nag ayos ng sarili at lumabas ng silid. Nakarinig ako ng mga tawa ng malapit na ako sa sala. At naroon pala ang mga kaibigan ni Luke. "Babe?" Tawag ko kay Luke na nakatalikod sa akin ngayon dahil patuloy padin ito sa paninigaw sa mga kaibigan nito. "Tsk! This d*cks is getting into my nerves!" Inis nitong sabi, sabay hila sa akin at sinub sob ang mukha nito sa aking leeg. "I'm hungry babe, can I just eat you for breakfast?" Pinalo ko naman ito sa balikat, halos mag u-umaga na noong nakatulog kami dahil sa kalibogan niya at tila nagsisimula na naman ngayon. "Umayos ka! Sige na, at maghahanda pa ko ng kakainin natin, samahan mo na lang muna mga kaibigan mo." Napasimangot naman ito dahil sa ginawa kong pagtataboy sa kaniya. Napatawa na lang ako dahil para itong bata. Agad akong nagtungo sa kusina para makapaghanda na din ng almusal. Mabuti na lamang at marami ang stocks sa loob ng ref. Sabagay, lagi rin naman sinisiguro ng mga taong taga pangalaga ng bahay na may mga stocks ng pagkain at kung ano pa kung sakaling magkaroon ng mga bisitang malalapit sa pamilya nina Luke. Nang matapos na ako sa pagluluto ay inihanda ko na rin ito, nagpunta ako sa gilid ng dagat kung saan abala sila sa paglalaro ng volleyball, samantalang nakahiga lamang si Luke sa duyan na tila ba natutulog lang. Nilapitan ko muna si Luke saka ko tinawagan ang mga kaibigan nito. Akma na kaming papasok sa loob ng biglang may paparating na yate. Sakay nito ang isang dalagang nakulangan ng tela sa suot. Paano, kulang na lang wag na itong magdamit dahil sa ikli ng palda na halos sumisilip na ang pisngi ng puwitan nito. Nang tuluyan na itong makababa ay saka ko lamang namukhaan kung sino ito. Ito iyong babaeng baliw sa bar noon na pinagpipilitang boyfriend nito ang asawa ko. Anong ginagawa ng haliparot na to rito? "I'm here to inform you guys, that Luke and I we're having our baby." Masaya nitong turan at lumapit kay Luke na ngayon nag aapoy na sa galit sa kinatatayuan nito. Ako man din ay nakaramdan na din ng galit at inis. Ano na namang eksena ito? Sa inis ko ay hinigit ko sa braso ng babaeng lumilingkis sa asawa ko. "Ouch! What the hell! Pag may nangyari sa pinabubuntis ko, malalagot ka sakin!" Galit nitong sigaw sa akin. Tinignan ko naman ito mula paa hanggang sa mukha. "Sigurado kang kay Luke yan, itsura mo pa lang, malabo ng ikama ka ni Luke. Ako'y tigil tigilan mo sa kabaliwan mo, dahil punong puno na ko sayo." Inis kung turan sa kaniya. "I'm not! At sigurado ako na kay Luke ang pinagbubuntis ko!" "Then prove it!" Inis kung sigaw sa kaniya. Anong akala niya maniniwala ako sa kaniya. Sa itsura pa lang nito ay hindi na ako kumbinsido. "Ano bang ginagawa mo dito, at paano mo nalaman ito?" Inis na tanong ni Luke. "Of course baby, I have connections, at isa pa gusto na kitang makasama, namimiss na kasi kita eh." Nadiri naman ako dahil sa ginawa nitong pagpapacute. Nababadtrip na ko sa baliw na to. "Pwede ba? May asawa na tong tao, mahiya ka naman. Nag iisip ka pa ba, utak mo nasa talampakan na ata." Nakita ko naman ang inis sa mukha nito. "Leave." Rinig ko ang mahinahon nitong sabi. Nakaramdam naman ako ng kaba dahil sa oras na iyon. Pag ganyan na tahimik si Luke, asahan mong galit na galit na yan. Ang ayaw niya talaga ay nasisira iyong napakagandang araw niya. "I won't, ayaw mo ba kaming makasama ng baby natin." Nandidiri ako sa mga pinagsasabi ng babaeng ito. "I don't even f*cking slept with other women whom I don't love. And I don't remember sleeping with you. And I can proudly say, that's not mine." "Alam mo simula noong bumalik yang babaeng yan kinalimutan mo na pagsasama natin!" Pinakisamahan ka lang naman niya dahil iyon ang pakiusap ng daddy mo, usal ko sa aking isipan. Kung bakit ba kasi napakagwapo ng asawa ko ayan tuloy napaka habolin. "Stop that nonsense Diane! I told you once, wala na kong pakealam sayo! And please, stop making lies! Baka makalimutan kong babae ka!" Alam kong mali ang mga ginawa ni Diane pero sa itsura nito ngayon, bigla akong nakaramdam ng awa sa kaniya. Walang babaeng dapat makaranas ng ganitong klase ng pagtataboy. "But Luke. I love you, ikaw ang dahilan kung bakit nagpapagaling ako. Why can't you just love me back?" Ramdam ko ang sakit sa bawat binibigkas nitong mga salita. "No Diane. I'm the reason kung bakit di ka gumagaling which is you need to forget about me. I'm not the right guy for you." Hinawakan ko sa braso si Luke na agad nitong ikinatingin sa akin. Dahil alam ko na hindi titigil ang bibig nito at maaring lumabas ang mga salitang mas lalong makakadagdag sa bigat na nararamdaman ni Diane. "No! I can't, I love you Luke. Please love me back. ako na lang!" Nabigla ako sa ginawa nitong pagluhod. "Hindi ako makakapayag na mapunta ka sa iba! Pag mamay ari kita!" "The one who really own me was my wife. Mas una ko siyang nakilala, at siya lang ang minahal ko at mamahalin, kahit na ikaw pa una kung makilala. So please, just leave us alone. Stop ruining everything." Nang hilain na ako ni Luke para umalis ay napasigaw ako dahil sa paghila ni Diane ng buhok ko dahilan ng pagkatumba ko sa buhangin. Napahiga kami pareho sa bungahin at agad ako nitong pinatungan at sinasabunutan. Agad din naman na umawat sina Luke. "Die b***h! Die!" Sigaw nito sa akin habang sinusubukang lumapit. "You're the reason why Luke leave me!" "Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin yan! On the first place, ako ang nauna! asawa na ako bago ka pa dumating! And look at yourself, you look desperate!" Sa inis ko ay di ko na din maiwasang sumabat pa sa kaniya. "You b***h! Hindi ako desperada! Kinukuha ko lang ang dapat sa akin!" Sira na ang utak neto, ang kapal ng mukha para angkinin ang asawa ko! "Sorry to disappoint you, but Luke is mine. Tumigil ka na, maawa ka sa sarili mo!" "Let's go." Usal ni Luke, binitawan naman ni Jacob at Edward si Diane. "Don't you ever turn back on me or I'll shoot you! Yeah that's right, matakot kayo!" Agad akong nilagay ni Luke sa likuran nito samantalang sina Edward, Aro at Jacob ay nakaabang sa susunod na hakbang ni Diane. Kinalibutan ako sa pagtawa nito, nababaliw na talaga ang bruha. Napaka mapagbiro ng tadhana. "Ano magsasalita kayo?" Nakapameywang ito habang nakatutok parin sa amin ang baril na hawak nito. "Baliw ka na talaga!" Inis kung sigaw sa kaniya. "Gaga! Matagal na!" Sinabayan pa nito ng nakakainis na pagtawa. "Diane, ibaba mo yan." Mahinahong usal ni Luke Habang unti unti itong humahakbang papalapit kay Diane. "No! Stay there! Don't you go near me!" "Would you put that gun down if i say I will go home with you." Napatingin ako kay Luke ng may pagtatanong kung bakit ganun ang sinabi nito kay Diane. Pero agad ko rin naman nakuha ang plano nito. "Really? Yes, I will!" Tila naman tumino ang pag iisip ni Diane dahil sa sinabi ni Luke agad nitong inalis ang pagkakatutok ng baril sa akin. "Now, give me that gun, so we can go home." Dahan-dahang humahakbang papalapit si Luke kay Diane at dahan dahan nitong inaabot ang baril kay Diane. "Okay baby." Nakangiti ito habang iniabot ang baril kay Luke. Nakita ko ang ginawang pagsenyas ni Luke kina Aro, kaya bago pa makalapit si Diane kay Luke ay nahigit na nila Aro at Jacob ang mga braso nito. "What the hell Luke! You trick me!" Muling pagwawala nito. Mabuti na lang at walang ibang tao rito kundi kami kami lang. "Sige na, iuwi niyo na yan at sabihin niyo kay tito na ideretso na yan sa mental." Agad na isinakay si Diane sa yate kung saan din ito sumakay kanina papunta rito. Grabe ang naidudulot ng pagmamahal. Muli kung naalala ang ginawang pagpapasunod ni Luke kay Diane. Ayoko na dumating sa punto na magkakaganun ako. Sa tingin ko ay malabo rin na mangyari. Nang makaalis sina Aro, ay agad na din kaming nagbalik sa loob ng bahay. Sana maging maayos na si Diane, dahil sa kabila ng ginawa nito, nangibabaw ang awa ko sa kaniya. Hindi ko maiisip ang hirap na nararanasan niya, naway makahanap siya ng kapayapaan sa puso niya. Malas niya nagmahal siya ng taong nakatali na sa iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD