Ashley
Paulit ulit sa aking isipan ang sinabi ni Luke. Bakas sa mukha nito ang kaba at takot. Nakatingin lang ako ng deretso sa kaniya. Wala ni isa sa amin ang pumutol sa katahimikan.
Unti unti ring nag si-sink sa akin kung gaano kadelekado ang trabahong tinahak niya. Kung trabaho nga ba itong matutukoy.
Alam ko kung ano ang gawain ng isang mafia, at hindi ko akalain na kabilang si Luke sa ganoong klaseng grupo. His not just a mafia, but a BOSS!
Napapailing akung tumingin sa kaniya. Bakas parin sa mukha nito ang takot.
"Please don't leave me." Iyon ang lumabas sa kaniyang bigbig at unti unting tumulo ang luha nito.
Nakaramdam ako ng kirot, dahil sa totoo lang nasaktan ako dahil nagawa niyang ilihim sa akin ang pagkatao niya. Kaya pala tila may kulang, parang hindi ko siya ganoon kakilala.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at umalis sa kaniyang harapan. Hindi ko alam pero sa loob looban ko'y tila nakaramdam na din ako ng takot.
"Please don't. Just please." Pilit ako nitong inaabot sa kamay habang nakaluhod. Tinitigan ko lamang siya sa mga mata.
"Sino ka ba talaga?" Hindi ko napigilan ang sariling tanungin iyon. Hindi ko na rin naman maintindihan ang sarili. Bakit kailangan na maging ganoon siya? Maayos naman ang kompanya nito. Anong dahilan para sumali siya sa ganoong klaseng grupo.
"Ano pa ba ang nililihim mo sa akin Luke? Aksidente lang ba talaga ang lahat?"
"Ako pa rin naman ang Luke na kilala mo, maliban sa hindi ko pagsabi na isa akong mafia. I don't want to scared you, kaya mas pinili kung huwag ng sabihin." Lumapit ito sa akin, at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Believe me."
"Kayong lahat...Ganoon rin ba sila?" Tinutukoy ko ang mga kaibigan namin tumango lang si Luke. Pati ang kaibigan ko nilihim sa akin ang pagkatao nito.
"But we just did that just to find justice." Ang huling salita ay unti unting naging mahina sa aking pandinig. Justice? For what? Nabasa nito sa aking mukha ang kalituhan kung kayat ito ay muling nagsalita.
"1 year ago, Robert Dela Questa, one of the famous mafia raped my fiance. Nagtratrabaho noon si Annie sa isang bar na laging pinupuntahan ni Dela Questa, nagtratrabaho ito roon bilang isang waitress. He's really into Annie, but he knew that Annie was already taken at malapit ng ikasal. Gustong gusto siya ni Dela Questa." Nakita ko sa mga mata nito ang poot at galit, ramdam ko rin ang kalungkutan na siyang bumabalot sa kaniya. "Nang hindi siya makuha ni Dela Questa, ay sapilitan nito itong pinakuha. Hindi lang siya ginahasa, kundi pinatay din siya. Mabuti na lamang at nakapagsend pa sa akin ito ng huli niyang mensahe. That's the reason why I joined, and become a mafia, to take justice and revenge. And it happened, but it was all an accident, all I wanted to do get him on jail."
"Alam din nila Ed ito?"
"Yes, But when Dela Questa was found dead, we stoped. Pero kahit na tapos na ay pinanatili ko parin na palakasin ang grupo para sa proteksyon. Ang hindi di ko inaasahan na may anak itong babae, and now she's here to take vengeance." Hindi ko alam pero nasasaktan ako.
"I thought everything was fall into pieces, especially when I met you, but I was wrong. Dahil nagba-balak na itong sirain ang buhay ko sa pamamagitan ng pagpatay sa mga taong mahahalaga sa akin." Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng sinabi ni Luke.
Kung ganoon ninais lamang ni Luke na makuha ang hustisiya para kay Annie, ngunit may taong galit na galit sa kaniya dahil inakala na balak patayin ni Luke ang ama nito.
At ang anak ni Dela Questa ay si Amber Dela Questa o sa mas kilala na Amber Gomez. Ang itinuring kung kapatid, hindi padin ako makapaniwala. Hindi pa rin tumatatak sa isip ko ang lahat.
"You let here in, and she got accessed, and she planed this incident. That's why I'm being overprotective, cause I don't know what her next plan is!" Nakaramdam ako ng galit kay Amber, kinaibigan lang ako nito para makapag higanti. Ang sakit sa loob ko dahil minahal ko siya bilang kapatid ko.
*Kring*Kring*Kring*
Napatingin ako sa aking cellphone ng ito ay tumunog, agad ko itong tinignan para makita kung sino ang tumatawag. Napatingin ako kay Luke, dahil ang taong tumatawag sa akin ngayon ay si Amber.
"Answer it, pretend that you don't know everything." Napatitig ako ng matagal kay Luke. Kahit na nalilito pa din ako sa mga nangyayari ay agad ko na itong sinagot.
"Hello."
"Hey Ash! Narinig ko ang nangyari sa inyo, okay ka lang ba? Gusto mo puntahan kita?" Napangiti ako ng mapait, Bakit ikaw pa Amber.
"A-ayos na ako, andito na din naman sila Luke." Pinapakalma ko ang sarili ko para maiwasan ang galit na nais lumabas sa akin.
"Umalis ka na kaya diyan! Or manatili ka sa akin muna, kinakabahan ako at the sme time natatakot ako sa maaring mangyari sayo diyan! Ano ba ang nangyayari hah?" Mahaba nitong lintanya.
"No. Okay lang Amber. Saka na lang ako magkwekwento, may mga pulis na kakausapin ako." Pagsisinungaling ko. Nagpaalam na din agad ito sa akin. At ganoon rin ako.
"I need you to stay away from her, ignore her." Bakas sa tono ni Luke ang galit.
"Ayoko ng ganitong klase ng buhay Luke, iyong puno ng badya. Paano na lang kung isang araw matuluyan na ako. Lalo na't wala kayo lagi rito. At isa pa ayoko na lagi na lang akong nagkukulong rito!" Mahigpit ako nitong niyakap.
"I won't let this happened again, I swear."
*****
Matapos ang pag uusap namin ni Luke ay naging maayos na rin ang lahat sa akin. Nagkausap na rin kami ni Edward dahil isa ito sa pinaka malapit sa akin, ganoon rin ang iba.
Abala sila sa pag uusap habang ako ay nasa iisang upuan lamang at tahimik na nakikinig sa kanila.
"Mabuti na lamang at mabilis ang galaw ni Black."
Isa iyon sa pinagkakatiwalaan nilang secret agent na siyang tumulong sa kanila upang malaman ang pagkatao ni Amber, at mga plano nito.
"And you Ash, you need to be careful when she's around." Pagbibigay banta sa akin ni Edward. Nakaramdam ako ng kilabot sa tuwing naaalala ko ang pag sasama namin ni Amber, hindi kaya noong magkasama kami ay may balak na itong patayin ako?
"Hays! I want to end this, I miss my girls!" Bulalas naman ni Aro. Napailing na lang ako sa pagiging babaero nito. Sa kanilang lahat ay si Aro lamang ang pinaka loko loko, ewan ko ba kung bakit ito napasama sa grupo ng mga matitino pagdating sa mga babae. Higit na mas maloko si Aro sa babae.
"Kupal ka! Kaya tayo nakakaranas ng ganito dahil sa ginagawa mong panglalaro sa mga babae, aba'y di ka naman gwapo ah!" dagdag na pang asar ni Jacob. Nagsimula silang magbangayan. Naramdaman ko naman ang braso na pumulupot sa aking bewang.
"Don't leave me." Usal nito at isinandal ang ulo sa aking dibdib. Bahagya ko namang hinaplos ang kaniyang ulo.
"Wag ka ng maglilihim pa sa akin." Napatitig ito sa akin, at tumango. Unti unti itong lumapit sa akin at napatingin sa aking labi. Magsasalita pa sana ako pero pinigilan ako nito sa pagsasalita gamit ang kaniyang mga labi.
Rinig ko naman ang ginawang pag hiyaw ng mga kasamahan namin.
"Tsk! Leave!" Sigaw sa kanila ni Luke. "Gusto ko solohin asawa ko, umuwi na nga kayo!" Pagtataboy nito sa mga kaibigan.
"Aysus! Basagin ko bayag mo dyan eh!" Pang aasar naman ni Edward. Tumingin lang ng masama si Luke sa kanila.
"Alam mo napaka mo!" Kinurot ko ito sa tagiliran at saka tumayo. Pero agad din naman akong napaupo sa kandungan nito ng hilahin niya ako. "Where do you think your going?" Sambit nito at mahigpit akong hinawakan sa aking bewang.
"Magluluto, pakainin mo naman sila hindi iyong lagi ka na lang nakasigaw sa kanila. para namang hindi mo sila kaibigan ah!" Inis kung sabi sa kaniya. Magsasalita pa sana ito pero agad kung pinitik ang labi nito. Agad din akong kumalas sa kaniyang mahigpit na pagkakayakap.
Hindi ko na siya hinayaan na magsalita pa at agad na akong nagtungo sa aming kusina para makapaghanda ng pananghalian.
"Kay Ashley ka lang pala titiklop eh! Mahina!" Rinig ko ang tawanan nila at rinig ko rin ang inis na inis na si Luke.
Naging magulo at hirap man ng araw na ito. Ang mahalaga sa akin ay magkakasama kami at naging maayos ang lahat. Ang panalangin ko lang naman sa ngayon ay maging maayos na ang lahat, na sana matigil na ang ginagawang kasamaan ni Amber na sana malaman nito ang totoong nangyari. Na sana bumalik ang masaya at ligtas na buhay na meron ako.