Ashley
"Grabe medyo matagal na din ah! Ngayon na lang ulit tayo nagkita!" Masayang usal ni Amber. Sinabi ko kasi sa kaniya na may coffee shop ako, pinapunta ko na siya para na rin makapag bonding kami. Namiss ko siya ng sobra.
"Kaya nga eh, hindi nga kita kasi macontact noon. Kaya buti ngayon nacontact na kita." Masaya lang kaming nag uusap ni Amber. Habang tumatagal nagiging kakaiba ang pakiramdam ko sa paligid. Parang may mali, napapatingin ako sa paligid. Parang may nagmaman-man sa akin.
"Ano? Kamusta kayo ni Luke? Okay na ba ang lahat sa inyo?" Tanong nito sa akin. Nginitian ko siya bago sinagot ang tanong nito.
"Oo. Kaso lang nakakabigla iyong mga eksena sa relasyon namin, parang isang teleserye na may mga kontrabidang susulpot para guluhin kami." Mahaba kong lintanya.
"Alam mo ganyan talaga ang love. Marami ang hahadlang." Naikwento ko lahat kay Amber ang lahat ng nangyari sa amin ni Luke. Dahil sila lang naman ni Andrew ang mga kaibigan ko na nasasabihan ko ng mga patungkol sa buhay ko. Speaking of Andrew hindi ko ito masyadong nakikita sa ngayon, kamusta na kaya iyon.
Naging maayos ang pag uusap namin ni Amber, pero hindi pa rin mawala ang pangamba ko dahil pakiramdam ko ay may taong nanunuod ng mga galaw ko.
Ito na ata ang pinag uusapan nila Luke. Ano nga ba ang buong pinag uusapan nila at pati ako ay kasali roon. May ginawa ba sila Luke, at ang tao na sinasabi nila ay gumaganti?
Isina walang bahala ko na muna ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko. Dahil ano mang oras ay sasabog na ang utak ko dahil sa sobrang pag iisip. Lalo na't ni isa sa mga iyon ay hindi ko lubos maunawaan, kahit napaka simpleng mga salita lamang ito.
Lumipas pa ng ilang oras ay nagpaalam na si Amber papauwi dahil may maaga pa raw ito sa trabaho niya bukas.
Sakto rin na magsasara na kami. Nagsimula na rin mag linis at mag ayos ang mga kasamahan ko sa coffee shop.
Hindi ako masusundo ni Luke dahil busy ito ngayon sa trabaho, kaya tanging mga kasama ko lamang ay ang mga bodyguards na inutusan ni Luke na magbantay saakin.
Hindi na rin naman ako umangal, dahil alam ko na hindi din ako mananalo. Iginigiit nito na mas mapapanatag daw siya pag ganoon. Pumayag na lang din ako dahil na rin sa kutob ko na baka may mangyari.
Nang maisara na ang shop ay napasyahan ko na ring umuwi. Tinatahak na namin ang daan papunta sa mansyon ng bigla kaming mapaulanan ng baril.
"Sh*t." Bulalas ng isa sa mga bodyguard na siyang nagmamaneho ngayon. Samantalang nakasunod pa ang dalawang kotse na naglalaman ng dalawang bodyguard.
"Ma'am lumuhod po kayo!" Nabibigla man ay agad kung sinunod ang bilin nito. Tinawagan nito ang iba pang kasamahan. Hindi ko na marinig ang pinag uusapan nila dahil sa mga putok ng baril.
Napag alaman ko na ang pagpapaulan nila ng bala ay panakot lang nila ito. Dahil sa taas at gilid lang namin nila ito pinapaputok. Pero bakit nila ito ginagawa? Mas dumami ang mga katanungan sa isip ko. Tumindinrin ang mabilis na pagkabob ng puso ko, paano kung tuluyan talaga kami ng mga ito. Sino ba sila?
Patuloy pa rin ang ganoong senaryo para kaming nakikipagkarera kay kamatayan.
"Aah!" Napasigaw ako dahil sa lakas ng pagkakabangga ng kotseng humahabol sa amin. Binubunggo nila ang sasakyan namin. Napag alaman ko rin na dalawang kotse ito dahil sa nakita kung pagbwelo nito sa gilid ang muling pagbangga sa amin. Na tila ba isang sandwich. Hindi ko na rin magawang gumalaw sa kinapwe-pwestuhan ko kung kayat di ko na alam kung nasaan pa ang ibang bodyguard na kasama namin.
Mas nakaramdam na ako ng matinding takot dahil sa ginagawa nila. Hindi ko na rin alam kung ano ang ginagawa ng bodyguard ni Luke dahil tila nakikibag bungguan rin ang mga ito.
Muli ay nakarinig na naman ako ng mga putok ng baril. Tuluyan na akong umiyak dahil pinapatamaan na nila ang sasakyan namin.
Halo halo na ang mga tanong sa isipan ko. Ano bang nangyayari? Bakit may mga taong nagpapaulan sa amin ngayon ng baril? Ano bang kinalaman ko sa mga napag usapan nila Luke? Wala naman akong maalala na taong sinaktan o nagawan ko ng masama para maranasan ko ang ganito.
Malapit na kami sa mansyon at wala na rin ang mga humahabol sa amin. Dinig kung nadali nila ang mga humahabol sa amin.
Nang makarating sa mansyon ay halos manginig ang buo kung katawan dahil sa pangyayaring naganap kanina. Halos ni isang salita ay hindi ako nakapagbitaw. Dahil na siguro sa matinding trauma na nakuha ko sa pangyayari kanina.
Isa sa mga bodyguard ni Luke ay nabaril, mabuti na lang at sa balikat lng ito at daplis lang naman.
Narito kami ngayon lahat sa sala, hindi ako iniwan ni nanay Belen, patuloy pa din ako sa pag iyak. Nanginginig pa rin ang buo kung katawan.
"D*MN IT! I'LL SURELY KILL THAT PERSON!" Rinig namin mula sa sala ang malakas at galit ma galit na sigaw ni Luke. Kararating lang nito mula sa trabaho. Dahil noong makauwi na kami ay isa sa mga tauhan ni Luke ay tinawagan ito at pinaalam ang mga nangyari.
"Babe..." Nang makita ko ito ay agad akong napatakbo at yumakap sa kaniya. Doon ay muli akong umiyak sa kaniyang bisig. Inalo naman ako nito.
"Mabuti pat pagpahingain mo muna ang asawa mo Luke. Bukas na nating pag usapan ang nangyari, sa ngayon ay kailangan ka ng asawa mo iho." Pahayag ni nanay Belen.
Agad kaming nagtungo sa kwarto matapos na paalisin ni Luke ang mga tauhan.
Katatapos ko lang maligo ng naabutan ko sa terrace si Luke at may kausap sa telepono. Ramdam ang galit sa mga bawat salita na binibitawan nito.
"No! I want this over! Hindi na ako makapag antay pa! My wife was almost killed!" Muli nitong sigaw sa telepono.
"Whatever it is Black! Just prepare anything that we need! This is her warning!" Hindi na ako nakinig pa sa usapan nila.
Naramdaman ko ang mga bisig na yumakap sa aking bewang, sinubsob nito ang mukha sa aking leeg.
"I'm sorry babe." Humarap ako sa kaniya at hinawakan ko ang mga mukha nito.
"Tell me Luke. What's going on?" Hindi agad ito nagsalita at pinagmasdan lang ako. Ganoon ang naging pwesto namin na umabot sa ilang minuto. Naramdaman ko ang pagbuntong hininga nito na tila hirap na hirap sa nais na sabihin.
"Magpahinga na tayo babe." Hindi ako nito sinagot sa tanong ko, bagkus ay hinila ako nito pagayak sa kama. Magtatanong pa sana ako ngunit bakas sa mukha nito ang matinding pagod na dala na din siguro sa trabaho niya.
Hindi na ako muli pa nagsalita at hinayaan na lamang na maihiga ako nito sa kama ng nakatalikod sa kaniya. Naging mahigpit ang ang ginawa nitong pagyakap sa aking bewang.
"Babe please. Kung maari huwag ka na munang umalis dito. Just stay here." Muli nitong sabi sakin at mas lalong hinigpitan ang pagyakap nito sakin. Hindi na ako tumutol pa dahil hanggang ngayon natatakot pa din ako, dala na din siguro sa insidenteng nangyari kanina. Naramdaman ko ang pagsiksik nito sa aking batok at ramdam ko ang mga labi nito na tinataniman ang aking batok ng mga maliliit nitong halik.
Hindi ko alam pero sa ginawa niyang iyon ay naging panatag ako at unti unti na ring dinalaw ng antok.