Episode 4

1790 Words
Banayad at maingat ang mga haplos na ginagawa ni Luke sa mala anghel na mukha ng asawa. Payapa itong natutulog, mababakas sa mukha nito ang galak at kasiyahan. Kailan man hinding-hindi siya magsasawang titigan ito. Muli niyang naalala ang mga nasabi ng kaniyang asawa, siguro'y kong hindi ito naging padalos dalos sa plano, malamang ay buhay ang kaniyang anak at sana maayos ang lahat. Naikuyom niya ang mga palad dahil sa galit sa mga taong gustong ipahamak ang kaniyang asawa. Ni siya mismo ay hindi magawang mapagbuhatan ang asawa. Ngunit sinisisi rin ang sarili dahil sa mga bagay na kaniyang ginawa. Nang makilala niya ang dalaga na siyang nakapagbago sa kaniya, ay kailanman hindi na niya ito pinakawalan. Kilala siya sa pagiging casanova, lahat ng mga babaeng dumaan sa kaniya ay halos na angkin na niya. Naging interesado siya sa dalaga noong makilala niya ng minsang makasabay nito sa elevator. Hindi maganda ang kanilang pagtatagpo dahil aksidenteng nabangga ng dalaga ang lalake dahilan para tumapon sa kaniyang damit ang hawak nitong inumin. Natawa siya ng maalala ang panahong iyon dahil imbis na siya ang magalit ay ang babae pa mismo ang nagalit sa kaniya, dahil sa gitna ito mismong puwesto. Imbis na makaramdam ng inis sa dalaga ay naging interesado ito sa kaniya. Paano ba'y hindi man lang ito natitinag sa kaniyang mga titig, bagkus ay nilalabanan pa nito ang kaniyang mga titig. Noon rin nalaman ng lalake na nag a-apply ang dalaga sa kanilang kompanya. Wala siyang kaalam alam na ang lalakeng kaniyang sinigawa ay ang kaniyang Boss. Muli ay gumuhit ang isang ngiti sa kaniyang labi, hindi niya aakalain na ang babaeng lubos siyang kinamumuhian ay mapapasakaniya at ngayon nga ay payapa itong natutulog sa kaniyang mga bisig. Naputol ang kaniyang kaligayahan ng biglang tumunog ang kaniyang telepono at agad itong sinagot ng makitang isa sa mga tauhan nito ang tumawag. "Any information about her?" Tanong nito s kabilang linya. Napatingin siya sa asawang payapang natutulog. "Keep on eye on her, I wont let her hurt my wife." Binaba na nito ang tawag at nagpasiyang maligo, kailangan niyang makipagkita sa isang katrabaho. Bago umalis ay hinalikan muna nito ang noo ng asawang hanggang ngayon ay mahimbing na natutulog. Hinugot nito ang cellphone na nakasuksuk sa kaniyang bulsa at tinawagan ang isang tauhan. ***** "This person is good at planning things Luke." Usal ng isang lalake na abala sa pagkalikot sa harap ng loptop nito. "How could she plan this so easily, well planed." Naikuyom nito ang kamao dahil sa inis na nararamdaman niya. Paano nito nagawa ang ganong kademonyohan! Pati inosente ay dinamay niya. "Gotcha!" Napatingin sila sa isa pang lalake na ngayon ay may malaking ngisi sa kaniyang labi. "She's the daughter of Arnaldo De Silva. Alam na natin Luke kong bakit nito ginagawa sayo." Naikuyom ni Luke ang mga kamao dahil sa litrato ng babaeng nakalagay sa monitor nito. Lubos na galit ang nararamdaman nito. Hindi siya magdadalawang isip na patayin ito kong sakaling may gawin itong hindi maganda sa asawa. Tama na ang isa, hindi na siya magpapaligoy pa kung mangyayari ang kaniyang iniisip. ***** Ashley Nagising ako ng wala si Luke sa aking tabi, hinanap ko siya sa buong bahay ngunit wala siya. Hindi rin alam nina tita at tito kung nasaan siya. Kasalukuyang nandito kami sa mall, ang sabi ni tita ay magsho-shopping kami. Hindi ako makatanggi dahil ayaw ko naman itong magtampo sa akin. "That's pretty!" Papuri ni tita sa suot kong dress. Below the knee ang taas, off shoulder ito na kulay pula, hapit sa katawan at halos kita ang makinis kung leeg at lantad din ang aking cleavage. Sa isip ko ay hindi nanaisin ni Luke na magsuot ako ng ganito. Dahil noong huling nagsuot ako ng ganito ay hindi ako nakalakad ng maayos sa loob ng isang linggo. Hayop sa kama ang asawa ko. Halos maputol ang mga ugat nito sa leeg sa galit dahil marami ang naagaw ko ng attensyon lalo na't kalalakihan ang marami, ayaw niyang nagsusuot ako ng ganitong damit lalo na't maraming lalake ang nakapaligid, hindi sa pagmamayabang ngunit may hawig ako sa artistang si Sanya lopez at Kylie Padilla naman sa kutis. "We'll take it." Tatanggi na sana ako pero hinila na ulit ako ni tita para maipasukat ang iba pang damit. Di ako makatanggi sa kaniya, bahala na rin kung paano ko ito sasabihin kay Luke. Matapos kaming mamili ng mga damit na halos sakin naman lahat ay nagpasiya kami ni tita na kumain muna. Abala ako sa pag o-order ng maramdaman kong tila may nagmamanman sa amin. Pero ipinagsawalang bahala ko na lamang dahil baka gutom lang. Isa pa wala akong kaaway para pamanmanan ng kung sino man. ***** Pagkatapos naming kumain ay nagpasiya na kaming umuwi ni tita. Ramdam ko na ang pagod sa katawan ko ng marating namin ang mansion. Pero nawala ang pagod ng makarinig kami ng tunog ng mga nababasag. Agad kaming napatakbo ni tita papunta sa may sala at nagkalat ang mga basag na vase sa lapag. Nakahilera ang mga bodyguard ni Luke at sinisigawan ito ni Luke. Hindi ko mintindihan kong bakit siya nagkakaganun, natahimik lamang ang pagsigaw nito ng awatin siya ni tita at napalingon sa amin. Tila nakaramdam ako ng takot ng makita ko ang madilim nitong mukha na ngayon ay nakatitig na sa akin. Ano ang nagawa ko? Pinaalis na nito ang mga tauhan na bakas ang takot sa kanilang amo, maliban sa amin nina tito at tita. Nabigla ako ng bigla akong hilain ni Luke pa akyat sa kwarto. Ramdam ko ang bigat ng mga yapak niya na tinutungo ang kwarto namin. Nagulat ako sa lakas ng pagsara ng pinto dahil sa malakas nitong pagsarado. Nakaramdam ako ng takot at kaba dahil sa inaakto ni Luke. Wala akong maalalang maling nagawa para magkaganyan siya. "D*mn it Ash! Did I allow you to go outside?" Pasigaw niyang tanong sakin. Matalim ang mga mata niyang nakatitig sakin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis. Nagkakaganun ba siya ng dahil lumabas ako ng walang pahintulot niya. Para iyon lang nagawa niyang manira ng gamit at sigaw sigawam ang mga kasambahay at ibang tauhan nito. "Hindi mo ko preso para pagbawalang lumabas Luke, and besides kasama ko naman ang mama mo na lumabas!" Giit ko. "Para iyon lang sinisigawan mo na mga tauhan mo at ngayon galit na galit ka na ng dahil lumabas ako ng walang pahintulot sayo! At bakit ba ah? Ano bang mali sa paglabas ko?" Hindi padin nagbago ang reaction nito, nakatiim bagang parin itong nakatingin sa akin. Imbis na sagutin niya ako ay iniwan niya lang ako sa loob ng kwarto, padabog niyang sinara ang pinto. Nalito ako sa action na ginawa ni Luke. Wala naman masama sa ginawa ko. Lumabas lang naman kami ng mama niya para magshopping anong mali doon. Ano iyon? Pag sinabing wag lumabas wag lumabas, pero pag nagpaalam ka ay pwede na lumabas? Sa kabila ng nangyari nagawa ko pang mag-isip ng kalokohan. Tahimik akong kumakain sa sala noong dumating si mama. Nanay ni Luke, mama ang tawag ko dahil iyon ang sinabi niya. Muntik na itong magtampo dahil hanggang ngayon ay tita parin ang tawag ko. "Iha, okay lang ba kayo ni Luke? Hindi maganda ang timpla ng mukha nito noong umalis." Saad ni mama, binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti. "Hindi ko siya maintindihan ma, walang mali sa ginawa ko na umalis, lalo na't kasama naman kita. Nangdamay pa siya ng iba." Rinig ko ang kaniyang buntong hininga at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Iyon ang labis na kinaiinisan ko ang ibuntong ang galit sa ibang tao, ayaw ko ng ganoon. "Intindihin mo na lang si Luke, maybe nag-alala lang iyon sayo. Sino ba naman ang asawa na hindi magagalit pag hindi naabutan ang asawa sa loob ng bahay, at wala man lang paalam." Nakuha ko ang punto ni mama, pero parang hindi parin sapat iyon para mabawasan ang inis ko kay Luke. Kung kailan gusto ko na maayos ang sa amin nagkakaganun siya. Hindi din maganda na ganun ang trato niya sa mga tauhan niya, 'hayts! Napaka mainitin ng ulo, sarap ilagay sa ref ng sa ganoon lumamig naman kahit papano! Naputol ang pag-uusap namin ni mama ng biglang dumating si Luke. Nasaktan ako ng nilampasan niya lang ako ng tingin at agad na nagtungo sa hagdan paakyat sa kwarto namin Ta*nang lalake iyon, parang may regla kung umasta ah! Mabilhan nga ng napkin kung ganoon. Aish! Ash naman! "Sige na, puntahan mo muna siya. Aayusin ko pa ang mga gamit namin ng papa mo dahil mananatili muna kami sa Batangas." Nasabi sakin ni mama na kinakailangan nilang magpunta sa Batangas upang makamusta ang resort na pinapatayo nila roon. Mayaman ang pamilya ni Luke, kaliwat kanan ang mga business na inaasikaso nila, pero bilib ako sa kanila dahil hindi nila napabayaan ang anak habang lumalaki at malapit sa isa't isa. Well si Luke lang naman ang kanilang anak. Nagtagal pa ako ng limanb minuto sa kusina, at nang matapos kumain ay hinugasan ko muna ang pinagkainan ko at iniligpit ito bago ko napagpasyahang puntahan at kausapin si Luke. **** Napahinto ako ng marinig ko na tila may kausap siya sa telepono, kaya imbis na pumasok ay nanatili ako sa aking kinatatayuan. Aalis na sana ako pero napahinto ako sa narinig ko. "I love you, rest now." Tila ako nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Sino ang kausap niya, bakit ganoon kalambing ang tono ng pananalita niya sa taong kausap niya sa telepono. 'I love you, rest now'. Hindi kaya't babae iyon ni Luke? Dahil sa narinig ko, imbis na sa kwarto namin ako pumunta ay pumunta ako sa guestroom at nilock ito. Napaupo ako sa sahig at roon bumuhas ang masaganang luha. Sa mga oras na iyon ay sakit lamang ang namayani sakin. Hindi ko inaasahan, na niloloko ako ni Luke. Sapat na sakin ang mga narinig ko para patuyan na niloloko niya ko. Siguro nga dahil lng ito sa mga magulang niya kaya niya ako pinabalik. Baka nga paraan niya lang din ito para hindi sila ma-dissapoint. Nakarinig ako ng malakas na katok. "Ash, you there?" Pero imbis na sumagot ay nagderetso na lamang ako sa kama. Palakas ng palakas ang mga katok sa pinto, pero hindi ko na iyon pinag tuunan ng pansin, sa halip ay pinilit kong makatulog na lamang hanggang sa wala na akong marinig na katok pa. Mabuti na lamang at agad ko rin nakuha ang duplicate key ng kwarto, upang hindi niya ito magawang buksan. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at patuloy pa rin ang paghagos ng masaganang luha hanggang sa nakatulog na ako. 'Sana panaginip lang ito'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD