Napakagaling talaga ng buhay. Parang kailan lamang ay may iba't-ibang kulay ang guhit ng papel ko, ngunit ngayon ay wala na. Parang kailan lang ay excited pa ako sa pagbili ng monggol 2 na lapis, ngayon ay refill na ng g-tech ang kinaaadikan ko.
"Good morning, Nurse Av!" napangiti ako sa bumati at saka nag log-in.
"Nurse Av! Buti hindi ka late." sita sa akin ng kasamahang si Dariel.
Napangisi ako. Himala nga yata ang sumapi sa akin.
"Kahit naman late ako ay inaantay mo pa rin ako kaya hindi ka na rin lugi." banat ko.
Pinamulahan naman si Dariel, kaya naging katukso-tukso sya sa mga nakatingin sa amin kanina. Tumawa lamang ako saka nakinig sa nageendorse.
"Alam mo ba Av nako! Ang pogi nung nasa Room 204! Kagabi naadmit kaya wala ka." kwento sa akin ni Kylie.
Umiling naman ako. Lahat naman sa kanya ay gwapo. Tumingin sya sakin at halata sa mukha nya na alam nyang hindi ako naniniwala sa kanya. Tumawa sya sakin.
"Baka kapag nakita mo yon ay pakasalan mo bigla! Nako! Gwapong gwapo talaga ako sa kanya pero narealize ko rin na baka para sayo talaga yon." tango tango pa nyang sabi.
Tuloy ay naging kuryoso na ako sa nasa Bed 204.
Pinaghati hati na kami ng head nurse sa araw na yon. Pinapanalangin kong sa Operating Room ako mapunta, kahit sana scrub nurse o circulating nurse ay ayos na. Pero lumaylay ang balikat ko noong ngumisi sa akin si Kylie.
Note: May dalawang uri ng Nurse sa loob ng Operating Room. Isang Scrub Nurse at isang Circulating Nurse. Ang Scrub nurse ang kasama ng doktor malapit sa pasyente. Ang Circulating Nurse ang nakikita nyo sa kdrama na lumalabas sa O.R. para kumuha ng mga gamit sa labas ng O.R.
Saka nya sinimulang iendorse ang hawak nya. Todo ngisi habang pinapaliwanag sa akin ang chart at ang doctor's order.
Note: Ang endorsement ay ang pagpapakilala sa patient sa mga nurse na kakapasok pa lang para sa araw na yon. Dito sinasabi kung ano ang order ng doktor para sa patient na yon.
Kaya naman, habang bitbit ang soup at ilang gamot papasok sa room 204 ay labis ang kaba ko. Pahamak talaga si Kylie, kapag ako nagkamali dito babatukan ko sya mamaya.
Kumatok muna ako ng tatlong beses saka binuksan ang pinto. Dahan dahan kong binaba ang soup malapit sa side table, pati na rin ang mga gamot.
"Good morning Sir! Ako nga po pala si Nurse Avrille, ako po ang mag-aalaga sa inyo ngayon."
Noong tumama ang paningin ko sa patient ay parang nanlumo ako. Parang isang timbangan na binagsakan ng isang sakong bigas.
Biglang bumalik ang lahat ng iniiwasan ko.