Chapter 40

1257 Words

Okay kanina, hindi na naman ngayon. Parang mainit lang na tubig na pinalamig o malamig na tubig na pinakuluan ang relasyon nila ni Annie. Hindi kasi sinsadyang maibaba ang kamay niya sa pisngi ng puwetan nito. Tuloy ay nakatikim siya ng isang malakas na sampal. "Kino-comfort ka na, nananantsing ka pa!" bulyaw nito sa kanya. Kahit gusto niyang magpaliwanag ay hindi na niya nagawa dahil agad itong umalis. Dinabugan pa siya ng pinto pasara. Napahimas tuloy siya sa kanyang pisngi. Mas masakit pa ang sampal ni Annie kesa sa sugat niya sa noo. Nang maayos na ang pakiramdam niya at napalipas na niya ang ilang sandali ay lumabas siya sa kuwarto ng anak. Akala niya, wala na roon si Annie, kaya nagulat siya nang madatnan ito sa kusina. "Hindi ka pumasok?" tanong niya na irap lang ang sinagot. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD