Sa pangatlong pagkakataon, nagising si Annie sa isang hospital. Ngunit hindi na si Alex o Chester ang naroon nang magmulat siya kundi si Kelvin na nakatalikod at nakaharap sa bintana. Nakabulsa ang mga kamay nito sa pantalon habang makailang ulit na bumuntong hininga. Tila malalim ang iniisip. Napakagat labi siya. Alam niyang alam na ni Kelvin ang lahat. At nakokonsensiya siya dahil nadamay ang lalaki. Hindi man niya gusto pero tanging ito lamang ang maaari niyang sandigan. "Kelvin..."tawag niya rito habang bumabangon sa higaan Paulo. Agad na napabaling ito sa gawi niya. Marahang lumapit. Nakangiti ito at kita niya sa mukha ang pasa at putok na labi nito. Nakunsensiya siya nang labis dahil sa nasaktan ito ng wala namang kasalanan. "Sorry..." "Sorry..." Umiling siya nang maging ito

