"Annie!" Narinig niya na tawag ni Chester ngunit mabilis ang paglalakad niya at ang paghila sa kanyang anak. Kahit halos mabangga na niya ang mga waiter na nagse-serve sa mga kumakain sa resto at hindi siya tumigil. "Annie!" muling tawag ni Chester. Alam niyang hinabol sa sila nito. "Ma..." untag sa kanya ni Lexter at pilit lumingon sa amang humahabol. Hindi rin maintindihan ang nangyayari. Mamaya na niya ipapaliwanag sa anak. Ang mahalaga ay makalayo sila. Baka kung anong magawa niya. "Annie!" Ngunit mabilis silang nahabol ni Chester. Mabilis nitong nahuli ang mga kamay niya. Agad na ipiniksi ni Annie ang kamay na nahawakan ni Chester. Nasa kalagitnaan na sila sa restaurant at nakakakuha na ng atensiyon ng ibang kumakain. "Let me explain!" pakiusap ni Chester. "Lexter, takpan mo a

