CHAPTER 2

1843 Words
Palaging busy ngayon si Mireille kaya si Raden ang lagi kong kasama sa campus. Mabilis na naging magkaibigan kami, and I found his presence comforting naman. Lagi kaming nagkikita sa library or naglalakad sa campus. Masaya ang mga usapan namin, at laging may bago akong nalalaman tungkol sa kanya. One Friday afternoon, habang naglalakad kami pauwi mula sa library, biglang nagtanong si Raden, "Nyx, have you ever been to the arcade near the school?" "Arcade? Hindi pa," sagot ko. "Pero naririnig ko na masaya raw doon." "Talaga? Gusto mo bang pumunta? I can show you around," alok niya with a smile. Napatigil ako ng kaunti. "Hmm, sounds fun! Sige, tara."Naglakad kami papunta sa arcade, and along the way, napag-usapan namin ang iba't ibang bagay. I found out na mahilig din pala siya sa video games at basketball. Naging excited ako lalo na't ito ang unang pagkakataon na makakapunta ako sa arcade.Pagdating namin doon, puno ito ng estudyante at mga bata na nag-eenjoy sa iba't ibang laro. The bright lights and the sound of laughter filled the air. Nakatayo lang ako sa entrance, amazed sa dami ng machines at games. "Wow, ang ganda naman dito," sabi ko habang tumitingin sa paligid. "Yeah, it's one of my favorite places to relax after a long day," sabi ni Raden. "Come on, I'll show you my favorite games."Sinimulan namin sa basketball shooting game. "Ito, simple lang. Just try to get as many points as you can," he explained habang nagpapakita ng demo. Ang bilis ng mga galaw niya at halatang sanay na. "Ako naman," sabi ko with a bit of determination. He chuckled finding me amusing. Nagsimula akong mag-shoot ng bola, and kahit hindi ako kasing galing ni Raden, na-enjoy ko pa rin ito. Laughing at our friendly competition, we kept playing until napagod kami. "Not bad, Eulalie! You're pretty good," sabi niya, wiping a bit of sweat from his forehead. "Thanks! I had fun," sagot ko habang hinihingal. Kumuha s'ya ng panyo sa kaniyang bulsa at pinunasan ang mga pawis ko sa noo. "How about we try some other games?" he suggested. I nodded and looked around until i saw a machine full of teddy bears. "What about yung claw machine doon? Iyon yung lagi kong naririnig sa mga classmates ko kapag mag a arcade sila." sagot ko naman. Nakita kong natigilan si Raden at malalim ang iniisip habang naglalakad kami papunta doon. "Parang gusto ko 'yon. That looks cute." Sabi ko kay Raden habang tinuturo ang blue na teddy bear sa loob ng claw machine. I heard him chuckle softly before speaking. "Okay, just wait there ako ng kukuha nung stuff toy." Sabi naman ni Raden at tinuro ang upuan sa gilid. I nodded at him before walking to the chair to sit. Nilabas ko ang aking phone para i-text si Mama na pumunta ako ng arcade. Pagkatapos ko siyang i text ay nag notify ang message sa'kin ni Mireille. Mireille: I'm home na, Nyx. Umuwi ka na ba? Me: Hindi pa eh. Nasa arcade ako ngayon yung malapit sa school. Mireille: Sinong kasama mo? Baka mamaya mag-isa ka lang d'yan. Me: Haha, don't worry, kasama ko si Raden. Actually s'ya ang nagyaya na mag arcade kami since maaga naman ang uwian. Mireille: Raden? Oh that's good. Pero bat kung kailan wala ako:( Me: Sorry na. Next time pupunta tayong arcade promise. Mireille: Okay promise ha Me: Btw, naka-uwi na galing sa US si Caius. Yung childhood friend ko na kinukwento ko sa'yo? Mireille: Oh, oo naalala ko. Pupuntahan mo ba s'ya tomorrow? Me: Oo balak ko nga bukas. Mireille: Okay, take care, Nyx. See ya tomorrow! Me: You too! Pagkatapos kong i chat si Mireille ay tinanaw ko si Raden na abala pa rin sa claw machine na iyon. Mukhang hindi pa rin niya nahuhuli yung itinuro ko. Natawa naman ako at maya-maya ay may nag notify ulit na message sa phone ko. Caius: I'm free tomorrow so feel free to visit me:) Me: Alright! I'll visit you tomorrow, Cai. I miss you! Caius: I miss you too, Eulalie. It's been a while. Narinig kong tumikhim si Raden sa harapan ko. "Tapos ka na?" I asked and stood up. "Yeah. I got what you wanted," Raden said in a blank tone. "Mukhang bad trip ka?" Tanong ko ng mapansin ang kaniyang mukha. "Just a bit. I got impatient in that claw machine." "Ah kaya naman pala" He gave me the blue stuff toy na itinuro ko kanina at kinuha ko naman ito while smiling. He caresses the top of my hair at pakiramdam ko ay kumalma s'ya. "Thanks, Raden!" I hugged him and he flinched slightly. "Y-you're always welcome, Nyx." Sabi niya. We went around the arcade ulit, trying different games from racing to dancing. Sa bawat laro, nag-eenjoy kami at nagtatawanan. I felt a sense of freedom and joy na bihira kong maramdaman sa araw-araw na routine. After a few hours, napagod na rin kami. "Gusto mo bang magpahinga muna?" tanong ni Raden. "May cafe dito sa loob ng arcade." "Sige, that sounds good," I agreed. Pumunta kami sa maliit na café sa loob ng arcade at umorder ng mga drinks. We found a cozy corner and sat down, enjoying the relaxed atmosphere. "So, what do you think?" tanong ni Raden habang iniinom ang kanyang iced coffee. "It's amazing! Thanks for bringing me here, Raden. I had a great time," sabi ko sincerely. "Anytime, Eulalie. I'm glad you enjoyed it," he replied, smiling. Habang nag-uusap kami, bigla kong naalala si Mireille. "Oh, by the way, mukhang nagtampo si Mireille nung nalaman niyang pumunta tayo dito without her," I joked. Napansin ko si Raden that he frowned but he smiled after. "We can bring her next time." Nakangiti akong sumang-ayon. "Yeah, that would be great." As we finished our drinks, we decided to head home. Paglabas namin ng arcade, napansin ko na lumubog na ang araw at nagsisimula nang kumulimlim ang langit. "Looks like it's going to rain," sabi ni Raden habang tumitingin sa kalangitan. "Oo nga, buti na lang malapit lang ang bahay namin," I replied. "Let me walk you home, just to make sure you don't get caught in the rain," he offered. "Okay, thanks," sabi ko, appreciating his thoughtfulness. Naglakad kami pauwi, at habang naglalakad, nagkwentuhan pa rin kami tungkol sa mga laro at mga plano sa weekend. Nang makarating kami sa bahay ko, nagsimula nang pumatak ang ulan. "Buti nalang naka-abot tayo," sabi ko habang binubuksan ang gate. "Yeah, good thing we hurried," he replied Maya-maya pa ay bumuhos na ang ulan. "Mukhang malakas ang ulan." Sabi ko. "Mag stay ka na muna dito sa amin Raden. Mukhang lumalakas ang ulan." suggest ko sakan'ya. "Alright" Nang makapasok kami sa bahay, agad kong tinawag si Mama na nag-aabang sa sala. "Ma, si Raden po. Kaibigan ko. I offered him na mag-stay muna dito dahil sa lakas ng ulan." "Oo nga, anak. Salamat, Hijo. Pasok ka muna at magpahinga," sabi ni Mama, ngumiti kay Raden. "Thank you po, Tita," pasalamat ni Raden, sabay pasok sa loob. Habang nasa sala kami, nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. "Mukhang matagal-tagal pa itong ulan," sabi ko, nakatitig sa bintana na binabagtas ng malakas na ulan. "Tama ka. Buti na lang andito ka, Raden. Hindi ka mababasa sa labas," sabi ni Mama, nag-aalala. "Hindi po ako magtatagal, Tita. Baka mag-alala pa kayo," sabi ni Raden, trying to reassure her. "Naku, walang problema, Hijo. Mas maganda nang ligtas ka rito habang malakas ang ulan," sabi ni Mama, habang hinahanda ang mga unan at kumot para kay Raden. Habang nasa sala kami, nagpatuloy sa aming mga usapan habang naririnig ang malakas na ulan sa labas. I took the opportunity to introduce Raden to Mama, sharing stories about how we met and the fun we had at the arcade. Nakita ko ang pagkakatuwa sa mga mata ni Mama habang pinapakinggan kami ni Raden. "Salamat sa paghatid sa anak ko," sabi ni Mama kay Raden. "Wala po 'yon, Tita. Masaya po akong makilala si Eulalie," sagot ni Raden ng may ngiti. Nagpatuloy kami sa aming mga kwentuhan hanggang sa biglang magpakita ng isa pang malakas na kulog, namatay ang ilaw at biglang nagbrownout. "Oh no, brownout na," sabi ko, na nagulat sa biglang pagkadilim. "Sandali lang, may flashlight ako dito sa bag ko," sabi ni Mama, at agad na naghanap ng ilaw. "Tulungan na kita, Ma" sabi ko kay Mama at inilagay ang stuff toy sa sofa. "Wait muna, Raden." Iniwan ko muna si Raden sa sala para tulungan si Mama. Matapos naming magtulungan ni Mama, humingi ako ng paumanhin kay Raden. "Sorry about that, Raden. Medyo may gulo lang sa kusina. Halika na, ipapakita ko na sa'yo ang kwarto," sabi ko sa kanya, na nag-aalok ng tulong sa kanya. "Salamat," sagot ni Raden, na tila walang pakielam sa pagka brownout. Pumasok kami sa kwarto ko at naghanap ng ilaw. "Pasensya na, medyo magulo," sabi ko, habang nag-iilaw ng ilang kandila para magkaroon kami ng liwanag sa kwarto. "Hindi 'yon, okay lang. Mas maganda na rito kaysa sa labas na mababasa ako ng ulan," sagot ni Raden. Inayos namin ang ilang bagay sa kwarto at inilatag ang kama para kay Raden. "Eto na, magugustuhan mo 'to," sabi ko, na nagpapakita ng kama. "Medyo maliit lang pero comfortable naman. "Okay lang 'yan. Salamat talaga, Eulalie." Sabi ni Raden. Hindi nagtagal, bumalik na ang kuryente. Mukhang pinatay lang nila dahil masyadong malakas ang ulan kanina. "Sandali lang, Raden, bibigyan kita ng mga gamit na pangtulog," sabi ko habang binubuksan ang aking drawer. Naghanap naman ako ng malaking pajama na unisex para kay Raden. Isang pares ' 'yon ng black pajama. Kumuha na rin ako ng malinis na tuwalya para ibigay sakan'ya "Eto lang ang meron ako eh. Okay lang ba?" Tanong ko sakaniya. He nodded at me. "Yes, okay lang." He answered. He went to the bathroom at narinig ko ang buhos ng shower roon. Nagpasya akong magsimula ng paghahanda para sa hapunan. Maya-maya ay nakita ko siyang bumababa sa hagdan. "Raden, kain na tayo." Pina-upo ko s'ya sa dining table namin at binigyan ko siya ng tubig at inalok siya na kumain ng anumang meron kami. Pagkatapos naming maghapunan, nagsimula na kaming maghanda para sa pagtulog. "Ikaw na lang sa kama. Sa lapag na lang ako matutulog." Sabi ko pero hindi naman sumang-ayon si Raden. "No. Ikaw na sa kama ako na sa lapag." Sabi niya. "Pero-" "Don't worry, Eulalie. I'm fine with that." He assured me. "Oh, okay sige." Sabi ko at humiga na. Nilatag niya ang sapin at mga unan na bigay ko sakan'ya at humiga na don "Good night, Raden." Mahina kong sabi at pinikit ang aking mga mata. "Good night, Eulalie." Narinig kong sabi niya bago ako makatulog. Naalimpugatan ako habang natutulog ng may madama akong humahaplos sa aking pisngi. Mukhang nanaginip nanaman ako, Hayst. I felt someone caresses me before giving a peck on my cheek. He whispered something but i can't understand it because the voice is too low. After that i dozed off again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD