Pero parang ibang Xaria ang nakikita ko ngayon. Repleksyon ng taong walang buhay ang mga mata niya. Nakasuot siya ng itim at mahabang damit na hoodie habang marahang naglalakad, deretcho ang tingin sa Centro at ne isa sa paligid, ay di niya tinapunan ng tingin. "Hatol ng Diyos? Wala ng magagawa?" Napakalamig ng boses niya at naging matunog ang sarkastikong pagtawa niya matapos niyang sabihin ito. "A-ang anak ng traydor!"rinig kong sigaw ng isa sa mga tao. Ngayon ko nalaman kung bakit pinili ni Xaria kahit noon pa na lumayo sa paligid niya at laging yumuko pag naglalakad sa harap ng maraming tao. Biktima siya ng reyalidad... Pero, hindi ko makita sa mukha niya ngayon ang takot at hiya. Matapang na Xaria ang nakikita ng mata ko ngayon. "Dakpin siya!" Utos ng isang agios. Agad akong naa

